124

587 15 1
                                    

Jaxen's pov

Nakayuko kong hinintay si nico sa gater, andito ako sa divine at kasalukuyang hinihintay siya, kinakabahan ako kase wala parin si mein

Hindi ko na mapigilan ang puso ko at tuluyan na akong napaluha..

Nadamay nanaman siya sa gulo ko

Maya maya pa ay narinig kona ang pagdating ng motor ni nico pero nakatungo paren ako

Walang salita salita'y umupo siya sa tabi ko... At bumuntong hininga

"anong problema?" pagbabasag niya sa katahimikan dahil umiiyak parin ako

Hindi parin ako nagsalita hanggang sa naramdaman konalang ang pagakbay niya saaken

"n-nawawala si mein" iniangat kona ang ulo ko at bahagya naman siyang natigilan

"h-ha?" parang nabingi pa siya

"kanina, bigla nalang siyang nawala.." huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko "at masama ang kutob ko"

"oh anong atin?" tanong niya tsaka ako tumayo

Pero nang tumayo ako'y biglang nagring ang phone ko

Si mein!!!

"hello? Mein?!" sagot ko agad

"jax" nagulat ako nang lalake ang sumagot dito

"sino ka?! Bakit nasayo ang phone ni mein?!" seryoso at galit kong sabi

"alam ko kung asan siya at tutulungan kitang makuha siya ulit.. Pero kailangan makausap kita ng personal" sabi pa niya

"saan tayo magkikita?" seryoso kong sabi

"sa may neolitan... Exclusive village sa #12" yun lang at pinatay na niya ang tawag

"sino yon?" tanong saken ni nico pagkababang pagkababa ko ng phone ko

"hindi ko alam, pero magkita daw kami sa neolitan, exclusive village" seryoso kong sabi

"sasama ako" sabi niya kaya naman tumango ako

"may dala kang baril?" tanong ko sakanya tsaka siya humugit ng isa sa likod niya "eh ikaw?" tanong ko sakanya at nakangiti naman siyang naglabas pa ng isa pang baril sa may leather jacket niya

"talagang pupunta tayo?" nagaalangan pang sabi ni nico

"kailangan nating magtiwala ngayon, buhay ang nakasalalay" seryoso kong sabi sakanya kaya tumango nalang siya

Sumakay na ako sa kotse ko at siya naman sa motor niya..

John's pov

Lilinga linga ako at inaabangan si jax na magpakita saken

Hindi ko alam pero kailangan kong mailabas si katie doon, at yung babae
Pero sakanilang dalawa na nanggaling na si jaxen lang ang makakatulong

Patay na patay kase yung baliw na zach kay jax eh..

Kasalukuyan akong nakatayo at kabadong nagaabang, dahil masyadong madilim ang paligid...

Sino ba kase yang jaxen nayan at kailangan pa talagang siya?!

Gano ba siya ka lakas?!

Kaya lang naman ako pumasok sa trabahong ito ay dahil wala na akong maipapakain sa nga kapatid ko dahil iniwan na kami ng nanay at namatay naman ang tatay

My Wife is One Of The Mafia [The Final Battle] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon