126

636 18 1
                                    

Nico's pov

Takot talaga akong pumasok sa empire na ito, unang una ay dahil kalaban namim ang empire na ito..

At baka hindi ako makalabas ng buhay kaya kailangan kong dumikit kay jaxen

Dahil isa siya sa pinaka mataas dito

"code delavine " sabi pa ni jax doon sa harap ng gate kaya kusa itong nagbukas at nakakatakot na tunog ang narinig ko doon

"anong lugar ito?" manghang sabi ni john nang makita ang loob

Kahit ako ay ngayon lang nakapasok dito at nakakamangha nga ito! At nang tuluyan na kaming makapasok

"taas kamay!" sigaw nung lalake sa likod namin at natigilan naman ako

Agad akong nagtaas ng kamay dahil naramdaman ko ang pagkasa ng mga baril

Oo naramdaman kong marami sila..

Kaminh dalawa nung John ay nagtaas ng kamay at dahan dahang humarap sakanila maliban kay jaxen na nakatalikod paren

"dark chaser empire" mariing sabi nung lalakeng nasa gitna, lahat sila ay nakaitim, masama ang tingin nila saken at nakatutok ang baril samen ni john

Oo, ako ang leader ng dark chaser empire pero hindi na namin gawain yon
Nagbago na ako

"hindi ako nagpunta para makipagaway" sabi ko pa pero hindi paren sika kumbinsido, kaya naman inilabas ko ang baril ko sa likod atsaka tinapon ito sa sahig "wala akong masamang balak" sabi ko pa at bahagyang tumungo

"oh tama na yan, ibaba niyo na yan" natatawang sabi ni jax tsaka dahan dahang humarap sakanila dahilan para matigilan ang mga ito

"d-delavine" sabi nung lalakeng nasa gitna "nagbalik kana" nakangiti na niyang sabi at lahat sila'y yumuko para galangin si jax..marami sila ngayon, entrance palang at marami na sila, pano pa kaya kung papasok na sa mismong loob

"jjog-eulo" sabi ni jax na sa pag kakaintindi kong ang ibig sabihin ay up
O pinapatayo na niya ang mga ito kaya naman tumayo ang mga ito..

"Dale, kailangan ko siyang makausap" sabi ni jax doon sa lalakeng nasa gitna pero tumingin muna ito saaken

"bakit nandito ang pinuno ng dark chaser empire?" baling pa saken nung Dale at bumuntong hininga naman si jax
"labag sa kautusan bg ating emperyo na magdala ng kalaba---" giit ni dale pero hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng sumensyas si jax na tumahimik siya

"magtiwala kayo sakanya gaya ng pagtitiwala niyo sakin, dahil isang maling galaw lang ni palma, pangako ako mismo ang mananakit sakanya" seryoso namang sabi ni jax at marahan namang tumango si dale

"geunyang geuleul delyeowa" seryoso nang sabi ni jaxen doon sa lalake

Translation: just bring me to him

Bahagya pa siyang yumuko kay jax pero nagulat ako ng pulutin ni dale yung baril na inihagis ko sakanya..

"here" sabi pa niya saken at nagulat naman ako "kukunin mo ba o hindi?" naiinip niyang sabi kaya naman kinuha ko to agad

Nauna nang maglakad si jax at dale at sumunod naman sakanila yung mga lalakeng nakaitim, bigla namang lumapit sakin si john

"anong lengwahe yung ginamit niya? At ano nang sunod na mangyayare" takang tanong saken ni john

"ang pag harap sa isa sa mga lider ng mafia empire" yun alng atsaka ako sumunod kayna jaxen

Nang tuluyan na kaming nakapasok ay maganda ang loob nito, puro lalake ang naroroon at wala kang babaeng makikita, lahat sila'y nakaitim at naka shades at seryoso ang mga mukha

Nakikita kong matalas ang mata nila saken pero...

Katulad ng kanina ay nagbow sila kay jaxen nang makita nila ito,lahat sila ay parang nagulat sa pagbabalik ni jaxen

Talagang ginagalang siya dito

Tuloy tuloy kaming naglakad hanggang sa marating namin ang pinakamalaking opisina dito..

Bago kami pumasok ay bahagya silang nagbow pa kay jax pero tinanguan nalang sila ni jaxen, sinamahan naman siya ni dale sa loob

"wow" rinig kong bulong ni john nang makitang lahat ay gumagalang kay jax

Pero pag pasok ko ay nakita ko kung paano tumayo para yumuko ang lalake doon

"delavine." sabi niya tsaka siya yumuko

Wow

Jaxen's pov

"ano't nandito ka?" tanong sakin ni jan

"kailangan ko ng tulong mo" mariin kong sabi sakanya na ikinagukat niya

"sa pag kakakilala ko sayo delavine, hindi mo ugaling manghingi ng tulong" seryosong sabi ni jan "sino ang nga kasama mo?" tanong niya saken tsaka niya pinasadahan ng tingin si john at lalong lalo na si nico "bakit nagdala ka ng kalaban?" ngising tanong ni jan saken

"hindi na siya kalaban, ibigay mo na sakin yan.."malumanay kong sabi pero nakatingin lang siya saken

"ano't nandito ka?" muling tanong niya

"nandito ako dahil merong nag kidnapped kay mein, isang hindi kilalang grupong binuo ng isa sa mga kaibigan ni smith" sabi ko pa at natigilan si jan "at isa siya sa mga tauhan niya" turo ko pa kay john na yumuko "siya ang tutulong saatin na matunton ang kuta ng kalaban at masagip si mein" seryoso kong sabi at tumango tango naman si jan "bukas na bukas ay baka patayin sila ni zach kaya kaylangan ko ang iyong pag sang ayon sa gagawin kong plano, at hindi ko iyon magagawa kung wala kayo" seryoso kong sabi

"isang kalapastanganan ang ginawa mo sa emperyo ngayon delavine" seryoso niyang sabi at naoatungo naman ako "nagpapasok ka ng kalaban, at hindi kilalang tao.. Na labag sa patakaran ng emperyong ito" seryoso niyang sabi sakin, at tama naman siya

"pero......." tumigil pa siya tsaka "isa ka sa nakakataas ay wala kaming choice kundi ang tulungan ko, nasayo ang aming salita.. Tutulungan ka namin" nakangiti niyang sabi kaya tumango ako sakanya, nag bow pa siya saken ng bahagya

"salamat" sabi ko pa

"sumama kayo saken, at pagusapan natin ang gusto mo mangyare" sabi pa ni jan at inalalayan pa ako sa meeting area

Nang nakarating kami doon ay agad akong umupo sa gitna, sila john dale at nico naman ang nasa gilid ko, si jan naman ay umupo sa kabilang dulo

"clear" sabi ko pa at nagets naman agad ni dale iyon dahil tumayo siya at may pinindot na button dahilan para magsara ang mga bintana at tumahimik ang kapaligiran

"so anong gustong mangyare ng isang delavine.." nakangisi pang sabi ni jan at napangisi din ako

"brutal ba o chill lang?" natatawang tanong ni dale

"jaxen's way" seryoso kong sabi dahilan lara matigilan sila at mapaupo ng maayos

Tsaka ko tiningnan si john na halatang kinakabahan

"ngayon sabihin mo saken, saan ang kuta?" seryoso kong tanong sakanya...




Itutuloy~

My Wife is One Of The Mafia [The Final Battle] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon