127

615 22 1
                                    

John's pov

Hindi ko alam na ganito si jaxen, napakagaling niyang babae, napakagaling niyang nagplano

At kailangan pag nagplaplano siya, at kapag siya ang nagsasalita kinakailangan na lahat nakikinig sakanya dahil hindi na niya inuulit ito

"gaano kalaki ang kuta?" baling sakin ni dale kaya lahat ay Napatingin saken

"malaki ang kuta namin dahil marami kami" sabi ko tsaka ako kumuha ng panulat at papel, lahat nang atensyon nila ay nasaken "sa lugar nayon, dalawa ang labasan, isa sa harap isa sa likod..
Merong pitong kwarto pero ang kwartong pinagkulungan kayna katie ay ang pinakahuling kwarto sa dulo.. Sa gate palang ng kuta namin marami nang bantay at bawat kwarto ay merong nagbabantay, lahat ng mga baril ay nakatago sa pangalawang kwarto.. Delikado dahil meron ding mga bomba doon, kung papasok tayo doon sa kuta ay kakailanganin naten sa likod pumasok"paliwanag kopa tsaka naman tumango si jax na parang may naiisip
"araw araw, dagdag ng dagdag si zach ng tauhan sa hindi ko malamang dahilan, hanggang sa mapuno na nga ang kuta at lahat sila armado, ang iba'y espada ang gamit" sabi ko pa

"kung ganon bakit hindi nalang natin sila lusubin, paniguradong mas marami tayo sakanila" sabat naman ni nico pero umiling agad si jax at maging ako ay hindi sangayon

"hawak nila sila mein, at isang maling galaw natin ay pwede silang mapahamak" sabi ni jax

Nagpatuloy ang diskusyon namin hanggang sa nakagawa na nga kami ng plano, masasabi kong tama nga ang naging desisyon ko para humingi ng tulong kay jaxen dahil siya..

Siya nga ang sagot

"kung yan ang gusto mong mangyare delavine ay susundin namin" sabi pa ni jan tsaka tumayo at bahagyang yumuko kay jax

Nang natapos na ang pagplaplano ay bumaling saken si jaxen

"uuwi na ako" sabi ko sakanya na tiningnan naman ako agad "kailangan kong siguraduhin kung ayos lang ang nga kapatid ko" sabi ko pa pero nakatingin lang siya saken

"doon muna kayo ng mga kapatid mo sa bahay namen, delikado.. Baka madamay sila" sabi pa niya pero umiling naman ako dahilan para samaan niya ako ng tingin

Nakakatakot

"makinig kanalang" sabi niya kaya wala na akong nagawa..

Nang makalabas kami ay ganon paren, lahat ay yumuyuko saamin, napapagod na ako dahil alas dos na nang madaling araw ay wala parin akong pahinga

Nang tuluyan na kaming makalabas ay may nakasunod parin samin nila nico na tatlong lalake na parang pinoprotektahan kami

"pumasok na kayo" utos ni jax sa tatlo kaya naman yumuko ang mga ito bago pinindot ang button para magsara ang gate

"jax, kita tayo bukas, alasais" sabi naman ni nico na mukhang inaantok na kaya naman tumango si jaxen at kinawayan pa si nico

"una na kami" paalam ko kay nico at medyo yumuko pako, nakasakay na kase si jax sa kotse at baka iwan pako

Nginitian nalang ako ni nico bago nagsuot ng helmet at pinaharurot ang motor niya

"pwede magtanong?" pagbasag ko sa katahimikan at tumango naman si jax na nasa kalsada parin ang tingin

"ano kayo? Sindikato? Gangsters? Ano?" tanong ko sakanya at natawa naman siya

"sa ganda kong to mukha ba akong sindikato?" sabi niya at tumango ako kaya sinamaan niya ako ng tingin

"kilala kase kayo ni nico eh, mga empire empire" sabi ko pa at tumango naman siya "bakit ginagalang ka nila?" tanong ko uli

"dahil ako ang maraming nagawa kesa sakanila, ako ang nagsalba ng emperyong muntikan ng bumagsak dahil sa dark chaser empire, ang empire na pagmamayari ni nico" kwento niya habang ako'y tahimik na nakikinig "ex boyfriend ko si nico dati" natatawa niyang sbai at nagukat naman ako pero hindi ko iyon pinakita "at kasama ako sa empire niya pero dahil sa pagbrebreak namin ay lumipat ako sa mafia empire na kalaban ng dark chaser, pabagsak na ang emperyong iyon pero nang dumating ako ay natalo namin sila" natatawa niyang sabi "kahit mukhang malakas si nico, makitid utak niya sa pagplaplano kaya bali wala ang mga baril niya kung wala siya neto" sabi oa niya sabay turo sa utak "parang si zach, wala kaseng laman ang ulo napasukan tuloy ng hangin" gusti komang tumawa sa sinabi niyang yun pero masyadong seryoso ang mukha niya

Nagtuloy tuloy na ang biyahe, medyo matagal, hanggang sa natanaw kina ang bahay namin

Bumaba naman si jax at maging ako

"p-pasok ka, pasensya kana maliit lang to, nilagyan kolang ng pinto pero patong patong na kahoy l-lang" sabi ko pero ngumiti siya at nagthumbs up nalang

"hindi na, kunin monalang ang mga kapatid mo at maghihintay ako dito sa labas, pagdalhin morin sila ng damit" sabi pa niya kaya naman tumango ako at pumasok sa loob

Sakto naman na naabutan ko ang mga kapatid kong tulog na tulog kaya naman napangiti ako, maliliit pa sila pero kaya na nilang mabuhay nang sarili nila

"jasmine, xian bumangon muna kayo" pag gigising ko, mabilis naman silang nagising

"k-kuya bat ngayon kalang?" antok pang sabi ni xian

"aalis muna tayo dito ah? Ngayong gabi lang.. Kumuha muna kayo ng damit at aalis muna tayo dito" sabi ko pa

"pero kuya wala tayong pupuntahan" taka namang tumingin sakin si jasmine

"kumilos na kayo" nakangiti kong sabi "may kotse diyan sa labas, sobrang ganda" sabi ko oa kaya naman nanlaki ang mga mata nila "pero hindi niyo makikita kung babagalan niyo kaya bilisan niyo na" sabi ko pa sakanila kaya awtomatiko naman silang napatayo atsaka kumuha plastik para doon ilagay ang damit nila

Zach's pov

"baket?! Baket hindi mo na patay?!" sigaw ko kay boy atsaka tinutukan ng baril, ramda konaman ang panginginig niya

Bobo!

"b-boss, may pumukpok po ng ulo ko" sabi pa niya at inis ko silang lahat tiningnan "pag gising ko po ay wala napo yung nga baril ko" tuloy pa niya

"kayo kayo lang ang nandito! Kayo kayo lang ang may alam ng plano natin! Kung ganon, may nagtratraydor dito ganon ba?!" sigaw ko at pinaputok ang baril sa taas dahilan para mapaiwas ang lahat

"b-boss kung hindi ako nagkakamali, si john, nakita kong may tattoo sa may kamay ang lalakeng pumukpok saken, kapareho nung kay john!" sabi naman ni boy at natigilan ako

Kung ganon.. Tama nga ako!

May kakaiba kay john!

Kanina kausap niya sila mein, panigurado akong may nakakaalam na ngayon ng pagdukot ko sakanila..

"bobo ka!" sabi ko tsaka ko siya nilapitan at sinapak, hinarap konaman ang iba kong tauhan

"hanapin niyo ang bahay ni john, at sunugin niyo! Ngayon na!" sigaw ko at takot naman silang sumunod

Pag babayaran mo ito john

My Wife is One Of The Mafia [The Final Battle] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon