Chapter 4

0 0 0
                                    

A/N: hi guys! Masyado bang mahaba ang mga chapters na ginagawa ko? Sorry kung oo. Haha

Don't forget to vote Ang comment, magfollow na rin kayo. Thanks.

Sorry for wrong typo and grammar. Thanks you! Love y'all.

Chapter 4
Zoe POV

Nakakabagot. Wala akong magawa sa bahay. Bakit kasi sa gubat pa kami nakatira!

"Ang boring" bulong ko habang nanonood ng Doraemon. Ilang ulit ko na rin yan napapanood Kaya naboboringan na ako.

"Nasan na ba si Dad?"bulong ko ulit ng mapagtanto ko na tatlong oras na siyang wala. Mula kasi pagkagising ko Hindi ko siya nakita Kaya ako na lang ang nagluto ng breakfast. Akala ko nung una nasa kwarto lang siya at mahimbing na natutulog pero Wala pala.

Sa sobrang boring nagpatugtog na lang ako sa bahay ng mga favorite song ko. Nilakasan ko ang tugtog dahil wala namang magagalit Kasi kami lang ang nakatira rito.

Kinuha ko mula sa loob ng kwarto ko ang isang Loptop siyaka umupo sa sofa at inilapag ito sa mini table namin.

Nagbukas ako ng twitter account bago ang facebook. Tinitingnan ko lang naman yung mga nangyayari sa dalawa. Kilala niyo naman siguro kung Sino sila diba?

Habang busy sa loptop bigla na lang may kumatok ng napakalakas na nagdulot ng takot saakin pero pumunta pa rin ako dahil baka si Papa lang iyon.

"Ikaw! Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko matapos kong buksan ang pinto.

"hush. Kailangan natin magtago dali" hinila niya ako papuntang kwarto ko at nagtago sa likod ng pintuan.

"huy! Yung pinto naiwan Kong bukas!" Sabi ko habang tinatanggal ang nakakapit niyang kamay.

"Nasaan siya?! Sagutin mo ang tanong ko!" rinig kung sigaw. Agad na nabalot ng takot ang buo kong katawan.

"wala kang mapapala saakin dahil Hindi ko ibibigay sayo ang anak ko!" Papa? S-si Papa ba yun? Anong nangyayari?

Lalabas sana ako sa kwarto ng bigla ako hilain ng lalaki papunta sa kanya.

"A-anong ginagawa mo? bitawan mo nga ako kailangan ako ng Papa ko"

"hush. Wag kang maingay baka marinig ka nila" ramdam ko ang bawat hininga niya. Hindi ko Alam pero parang may kuryente na dumadaloy sa mga kamay namin pero hindi ko na yun iniintindi.

"Matapang ka ayaw mo talagang magsalita ha?! P'wes patayin na siya!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nung lalaki. Hindi pwede...Hindi pwedeng mamatay si Papa.

Ako lang naman ang kailangan nila ah.Tatawag ako ng pulis. Pero yung cellphone ko nasa sala.

"Kahit patayin niyo ako hindi niyo pa rin siya makukuha!" ramdam kong tumulo na ang luha ko sa pisnge.

"please! Bitawan mo na ako kailangan talaga ako ng Papa ko"bulong ko sa lalaki pero parang wala tong narinig.

"Patayin siya! Pagkatapos sunugin niyo rin itong bahay!" rinig kong sigaw nung lalaki.

Narinig ko ang mga pagdaing ni Papa. Parang ramdam na ramdam ko Ang sakit. Sa bawat pagdaing ni Papa ay sumasabay rin Ang nga taksil Kong luha.

Sa bawat pagdaing na ginagawa niya sumasabay din ang mga masasayang araw na nagkasama kami ni Papa. Papa, I'm sorry hindi kita nagawang protektahan.

Naramdaman kong may humawak sa magkabilaan kong tenga.

"h'wag mong pakinggan" mas lalo akong napaiyak Hindi ko alam pero parang may nakikiramay saakin.

"Umalis na tayo! Pero maiiwan kayong dalawa para sunugin itong bahay" rinig kong utos ng lalaki. Binitawan ni A ang mga kamay niyang nakalagay sa tenga ko.

Naririnig ko ang mga yabag ng mga paa nilang paalis na. Sumilip ng kaunti si A bago napagdesisyunan na lumabas na. Nauna siya saakin na lumabas at dumiretso papunta sa ibang direksyon ako Naman ay agad na nilapitan si Papa.

"P-papa? Ako ito si Zoe... Papa kailangan ka namin dalhin sa hospital" aalalayan ko na sana si Papa na makatayo pero maski ako hindi ko siya mabuhat nanlalambot Ang tuhod ko.

"kainis! Bwisit kang tuhod ka!" Sabi ko sabay suntok sa mga tuhod ko. Naramdaman kong hinawakan ni Papa ang mukha ko.

"ayos lang anak. Ayaw mo bang magsama kami ng Mama mo sa langit?"

"ayoko Papa, Hindi pa ako handang mawala ka sakin. Kaya please pa! Wag na wag mo kong iiwan" Sabi ko sabay hagulgol. Nakita kong ngumiti si Papa sa peripheral vision ko.

"hush. Okay lang yan s-sweetie iiyak mo lang yan" papa I'm sorry di Kita nagawang protektahan...

Patuloy pa rin ako sa pagiyak ng biglang mawalan ng hininga si Papa. Parang nagslowmo ang paligid lalo na ang pagbitaw ng hawak sa mukha ko si Papa.

Galit, puot at pagkasuklam sa sarili lang ang nararamdaman ko. Hinalikan ko sa noo si Papa.


Nakita ko ang dalawang sapatos na magkapares na papunta saakin. Huminto siya sa harap ko."kailangan na nating umalis" Natigilan ako sa sinabi niya. Kumuha ako ng lakas na loob para tapatan ang panghihina ko.


"Ayoko Hindi ko iiwan ang Papa ko-kahit ano pa ang mangyari" matapang kong sagot. Ayokong humarap sakanya dahil ayokong kaawaan niya ako.

"Gusto ko man na iwan ka dito pero nangako ako sa Papa mo" tahimik lang na nakikinig ako sakanya. "may utang na loob ako sakanya kaya kailangan kong itupad ang pangako ko"

Pinunas ko ang mga mata ko at tumawa ng mapait. "talaga ba? P'wes para sabihin ko sayo..." tumayo ako at lumapit sakanya "tapos na ang mission mo. Patay na si Papa. Hindi mo na rin kailangan itupad ang pangako mo."

"kung gusto mo umalis. Then go! Hindi kita pipigilan pero hindi ko iiwan si Papa dito"

Napasabunot sa ulo si A syaka tumingin saakin. "please lang makinig ka naman saakin"

Hindi ako umimik. Narinig kong napadaing siya "Fine. Look.." agad na lumingon naman ako sakanya na nakakunot ang noo ng salubungin ko ang abo niyang mata "hindi na kita pipilitin pero...."

Nakita kong pumula ang mata niya syaka may sinabi na Hindi ko alam. Ewan ko pero kusa na lang gumalaw ang mga paa ko palabas. Shit!

Hindi ko alam Kung saan ako inabot pero sa tingin ko malayo na ako sa lugar namin.

Narinig kong may pumitik malapit sa tenga ko. Naramdaman ko ang unti unting paggalaw ko sa mga binti ko. Kung ganon kontrolado ko na ito.

"Paano?" bulong ko. Sumasakit na lalo ang ulo ko ewan ko kung bakit. Ramdam ko narin ang pagtalukap ng mga mata ko hanggang sa nagdilim lahat ng paningin ko at natumba. Inaasahan kong matutumba ako sa lupa pero naramdaman ko na may umalalay saakin at binuhat ako. Then everything went black....

Love In First Bite(On-going)Where stories live. Discover now