Chapter 6

0 0 0
                                    

A/N: hey guys! May gusto lang akong malaman kung nagustuhan niyo ba yung story ko.

Just comment "Yes" if nagustuhan niyo yung story and "No" kung hindi then don't forget to vote.

So Yun Lang sorry for the wrong grammar and typo. Love lots!

Chapter 6
Sabrina POV

Lumabas ako ng kwarto at tutungo sana sa kwarto ni Czarina nang bigla kong makita si Czarina na kasama si Zoe-impakta.

"Ate! Saan ka ba galing? kanina ka pa hinahanap ni Kuya Ashton" Sabi ni Czarina na medyo ipinagtaka ko. Kanina lang naman kasi kami nagkita pero bakit niya ako agad hinahanap?

Lumapit saakin si Czarina syaka tumingin kay Zoe na halatang naguguluhan.

"Ahm Zoe, kakambal ko nga pala si Ate Sabrina medyo matanda lang siya saakin ng 10 minutes... at Ate siya naman si-" di ko na pinatapos ang sasabihin ni Czarina nang bigla akong tumalikod.

"Kilala ko na siya kaya wag ka ng magsayang pa ng laway" Sabi ko siyaka naglakad palayo sakanila.

Habang naglalakad iniisip ko kung bakit dinala ni Ashton dito ang babaeng yon dahil bawal dito ang mortal maliban na lang kung ang babaeng yun ang reincarnation ni Ynna.

Si Ynna, siya ang isinilang ng dating kumukontrol sa mga bampira. Si Ynna ang itinakda base sa propesiya na magpatigil ng digmaan ng mga bampira pero sa huli ay nabigo siya. Base sa propesiya hindi pwedeng magmahal ang tulad ni Ynna lalo na sa mga mortal dahil pagnagkataon mas lalong titindi ang digmaan. Nalaman ko na kaya siya nabigo dahil buntis na pala siya bago pa magkaroon ng digmaan at Ang malala pa sa mortal pa siya nagmahal. Naalala ko pa nung Bata pa ako naabutan ko pa siyang buhay na buhay.

Flashback

"Mama, nagugutom na po ako" sabi ko kay Mama. Limang taong gulang palang ako nun pero Kung magsalita ako ay parang matanda na raw.

"Hush mamaya na wala pa tayo sa bahay syaka hindi tayo pwedeng makita ng mga mortal na umiinom ng dugo" bulong ni Mama sakin na ikinanguso ko. Gutom na talaga ako nung araw na yun pero tiniis ko lang dahil may kikitain lang daw si Mama.

"Oh! Andito na pala siya" Sabi ni Mama sabay kaway sa kung saan. Tumayo si Mama kaya napatayo rin ako.

Lumingon ako sa tinititigan ni Mama. Isang babaeng maganda ang papalapit saamin ang kaso malaki nga lang ang tiyan.

Kaya ba nandito kami sa Mortal World para kausapin ang babaeng to?

"Mama buntis po ba siya? Ang laki laki po kasi ng tiyan niya" Sabi ko sabay turo ko sa tiyan niya.

Nagtinginan muna ang dalawa bago magtawanan. Hinawakan ng babae ang buhok ko syaka ginulo.

"Tama ka ija, buntis nga ako" Sabi niya sabay ngiti. Akala ko yun lang ang gagawin niya pero bigla niyang hinawakan Ang kamay ko at inilagay ito sa tiyan niya.

Ngayon ay ramdam kong buhay at gumagalaw ang sanggol sa tiyan niya. Napangiti ako ng Wala sa oras ng biglang may sumipa sa tiyan at alam ko na yung sanggol yun senyales na gumagalaw siya.

"Mama, naramdaman kong gumalaw si baby!" Masigla Kong salita syaka inalis ang kamay ko sa tiyan niya.

"Ate, ano po ba ang pangalan niyo?" Tanong ko.

"Ako si Ynna Forester, ikaw ano ba ang pangalan mo sweetie?"

"Ako po si Sabrina Rancher" Sabi ko sabay ngiti.

"Mama, nagugutom na po ako" Sabi ko sabay hawak ko sa tiyan.

"Oh sya sige na nga!... Ynna magiingat ka dito ha? Tandaan mo may baby ka sa tiyan kaya wag kang maiistress" bilin ni Mama kay Ate Ynna. Tango lang ang sinagot ni Ate Ynna.

"Magba-bye ka na sa Tita mo" Sabi saakin ni Mama.

"Bye po Ate-Tita Ynna..." Lumapit ako sakanila at hinawakan ang tiyan ni Tita "Bye baby take care of your mommy ha?" Sabi ko habang hawak hawak ang tiyan ni Tita.

End of Flashback

Yun ang huling kita namin ni Ynna. Hindi ko na din alam kung ano na ang nangyari sa Baby. Ang sabi daw nila possibleng mapasa ang propesiya sa anak o sa iba. Pero nangangamba pa rin ako. Paano na lang kung mapunta ito sa masama? Siguradong magkakagulo sa pagitan ng Mortal at Immortal world.

Hays.

Hindi ko napansin na napunta na pala ako sa Garden. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nandito na pala ako.

Iginala ko ang mga mata ko para makita ang kabuuan ng paligid nang mapansin ko na may isang lalaki ang nakaupo sa ilalim ng puno.

Lumapit kaagad ako sakanya. Napagtanto ko na siya pala si Ashton.

"Ang hilig hilig mo talagang matulog sa ganito pero Ang gwapo mo pa rin. Hays. Paano ba kita nagustuhan" bulong ko saaking sarili.

Nakita ko ang biglaang paggalaw niya kaya agad akong napaayos ng tayo...

Zoe POV

kasalukuyan kaming naglalakad sa Garden. Hindi naman madilim dito dahil punong puno ng mga ilaw ang paligid.

"Ang sweet nila no?" Napatigil ako ng marinig kong magsalita si Czarina.

Kunot-noo ko siyang tinignan. "Ha?" Ano ba ang sinasabi niya?

"Ayon oh" Sabi niya sabay turo sa kung saan. Tinignan ko ang mga iyon at nakita ko sa isang liblib na puno ang dalawang tao.

"Sino sila?"tanong ko habang nakatingin pa rin duon.

"Si Ate Sabrina syaka si Kuya Ashton" Sabi niya. Nagpatango tango lang ang ginawa ko.

"Psh. Hayaan mo na yan wala na tayong magagawa dyan syaka Isa pa aanhin ba natin yan kung wala rin naman tayong jowa" Sabi ko sabay lakad paalis. Narinig ko pang tumawa si Czarina at sabay sabing "Ang bitter mo".

Wala namang masama maging bitter ah?!

Ramdam ko ang pagsunod ni Czarina saakin. Nang makalapit na siya ay agad niya akong tinawanan kahit Wala namang nakakatawa.

Habang naglalakad kung saan saan ay kinuwentuhan ako ni Czarina tungkol sakanila nang biglang pumasok sa isip ko si Clyde-my ex.

"Nami-miss ko na siya" mahinang sabi ko sapat Lang para marinig niya.

"Hmm?"

Agad akong napatingin kay Czarina at umiling " Wala ang sabi ko lang pagod na ako gusto ko ng magpahinga" Sabi ko sabay ngiti. Nagpatango tango lang siya.

Niyaya ako ni Czarina na pumasok na ng bahay- mansion nila.

"Good night Zoe bukas na lang ulit" Sabi niya sabay sarado ng pinto ng kwarto niya.

Ako naman ay naglakad na papunta sa kwarto ko. Tatlong kwarto lang naman ang lalagpasan mo bago mapuntang kwarto ko.

Habang naglalakad hindi ko maiwasang magalala sa sarili ko. "Paano ako makakauwi saamin? Paano si Papa? Siguradong nag aalala na yun" bulong ko.

Nang matuntong ko na ang kwarto ko agad ko itong binuksan at patakbong humiga sa kama.

Sa ngayon ay nakatingin ako sa puting kisame. Habang nakatitig duon ay ramdam ko na ang pagkaantok hanggang sa dinaluhan na nga ako nito at nakatulog na....

Love In First Bite(On-going)Where stories live. Discover now