Chapter 10

0 0 0
                                    

A/N: please vote and comment.

Sorry for the wrong grammar and typo. Thank you and love lots!

Chapter 10
Zoe POV

EWAN ko pero nasasarapan talaga ako sa lasa ng dugo ni A. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na higupin ang mga dugo niya.

"Halatang uhaw ka" Sabi niya sabay tawa ng mahina. Itinigil ko ang pagsipsip kay A.

Mukhang bumalik ako sa realidad nung sabihin niya iyon. Pumunta ako sa banyo at duon nagsusuka.

"Shit! Ayos ka lang?" Tanong niya saakin. Tinignan ko naman sya.

"Sira ulo ka ba?! Bakit mo ipapasipsip yang dugo mo saakin?!" Singhal ko sa kanya. Binuksan ko ang gripo sa lababo ng banyo at duon nagmumog para matanggal ang pait.

"Hindi naman ako hayop o aswang?! Kaya bakit mo ipapasipsip yang dugo mo saakin?!" Sabi ko. Tinitigan niya Lang ako syaka umiling iling.

"Gusto mo talagang malaman?" Tanong niya saakin. Kunot-noong tinanguan ko sya.

"Isa kaming bampira" Sabi niya.

Ano daw? Bampira? Patawa ka tol?

"Ano uli? Nabinge ata ako o Mali lang yung pagkakarinig ko" sabi ko pa bago kinalikot ang taenga na para bang nabibinge.

"Isa.kaming.bampira." sunod sunod niyang sagot. Napaawang ang bibig ko ng wala sa oras at kinukurap-kurap ang mata.

tumawa ako–na pang sarkastik syaka diretsyong tumingin sakanya.

"Gago ka pala eh... Tinatanong kita ng maayos tapos gagaguhin mo lang ang sagot mo!" Sabi ko syaka pinatay ang gripo nang mapansin kong aapaw na.

"Seryoso ako"

"Oh talaga? Ha? Eh aanhin ko yang seryoso mong mukha kung ang sagot mo naman ay panggago" sambit ko pa bago lumabas ng banyo.

"Ayaw mong maniwala?" Tanong niya. Hinarap ko naman siya at huminga ng malalim.

"Oo bakit may angal ka?!" Sigaw ko. Hindi na Kasi ako makatiis.

Gumuhit naman sa labi niya ang mga ngising yun. "Kung ayaw mong maniwala tignan mo na lang ang pulsuhan mo" Sabi niya bago lumabas ng kwarto.

Naiwan naman akong tulala. Argh! Bwiset! Baliw na talaga sya! May saltik!

Pero napaisip ako. Paano kung totoo nga ang sinabi niya?

Lumakad ako at pumunta sa salamin humarap ako duon at tinignan ang buo kong katawan.

Nanlaki ang mata ko ng mapansin ang kabuuang katawan ko.

Ang buhok ko na dati ay black lang Ngayon ay may pula na sa dulo... Ang balat ko na mas lalong  namuti as in amputi.

Habang tinitingnan Ang buo kong katawan ay bigla na lang sumakit ang leeg ko. Hahawakan ko na sana ito nang mapansin ko ang dalawang sugat sa pulsuhan ng kamay ko.

Hinawakan ko naman Ito. Ramdam ko ang pagbaon nito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tama! Mali ang iniisip ko.

Ang sabi daw nila ang mga bampira ay mahilig kagatin ang mga tao sa leeg. Hindi Kaya.... Fuck!

Mabilis na lumapit ako sa salamin as in malapit talaga. Iniangat ko ang tingin ko. Ipinikit ko muna ang Mata ko.

Hinahanda ko lang kasi ang sarili ko sa makikita ko. Ikinapa ko muna ang leeg ko na malapit sa pulsuhan.

Naramdaman ko ang dalawang parang butas malapit sa leeg ko. Mas lalong bumilis ang tibok ko nang makapa ko ito.

Dalawa na ang makakapa ko ng biglang may makapa na naman akong Isa. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Agad na minulat ko ang mga Mata ko.

Gayun na lang ang panlulumo ko ng makita ang mga yun. Parang isa sa pinakaminamahal ko ang nawala ng makita iyon.

Pumunta ako sa kama at umupo. Hindi ko na namalayan na lumuluha na pala ako at nagtuloy tuloy na yun.

Pinunas ko ang mga luha ko pero tuloy tuloy pa rin Ito. "Bwisit! A-ano bang tingin nila saakin?! Pagkain? Parang pinagpyestahan nila ang katawan ko!" Bulong ko syaka humagulgol.

Huminto lang ako sa pag iyak nang may maisip ako. Aalis na ako dito at hahanapin ko na si Papa.

Tumayo ako at binuksan ang pinto para lumabas ng kwarto. Nang makalabas ako ay dahan dahan akong naglakad pababa.

Nakahinga ako ng maluwag nang Wala akong makitang tao sa sala. Agad na tumakbo ako pababa at dumiretso sa pintuan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sinilip ko muna kung may tao ba sa labas.

Laking pasasalamat ko naman ng Wala akong Makita kahit isa. Agad na lumabas ako ng bahay at hinayaan na lamang na nakabukas ang pinto. Tumakbo ako papuntang gubat. Bahala na kung saan ako mapupunta Basta makaalis lang ako dito sa mala impyernong lugar na to.

Tumigil lang ako sa pagtakbo ng hingalin ako. Halos mawalan ako ng hangin sa pagtakbo. Umupo muna ako saglit at ipinahinga ang sarili.

Habang nagpapahinga ay nakarinig ako ng mga agos. Agos yun ng isang tubig. Naalala ko ang sinabi saakin ni Papa. Ang sabi niya saakin malapit daw kami sa dagat.Ibig sabihin ba nito m-malapit ako sa dagat. Makakaalis na ako dito.

Agad na tumayo ako at tumakbo. Sinundan ko ang mga agos na yun hanggang sa makalabas ako ng gubat.

Yinakap ako ng malamig na hangin nang makalabas ako. Kitang-kita ko Ang mga taong lumalangoy. Napaluha na lang ako sa saya.

Nakatakas ako. Makakaalis na ako. Mabuti naman na nakalabas na ako duon.

Pinunas ko ang mga luha ko nang mapansin na may mga tumitingin na Tao saakin bawat daan nila. Nagpunta ako sa tindahan malapit sa kinatatayuan ko at tinanong Kung anong oras na.

"2:35 pm na ija" Sabi saakin ng matandang babae. Nagpasalamat naman ako sakanya. Hindi pa ako nakuntento dahil tinanong ko pa sya kung pwedeng makahiram ng cellphone pangtawag lang.

Kakapalan ko na ang mukha ko. Makaalis lang sa lugar na to. Laking pasalamat ko ng pumayag si Manang.

Pinindot pindot ko muna ang cellphone bago Ito tawagan. Narinig ko pang nag ring Ito ng limang beses bago sagutin.

"Hello? Who's this?"

"Yanni" paiyak kong sabi.

"Z-zoe? Ikaw ba yan? Ghad I'm so sorry sa nangyari please forg-"

"Yanni tulungan mo ako" Sabi ko habang umiiyak.

"Bakit? Anong nangyari?"

"H-hindi ko alam kung nasaan ako"

"ha?! May mga tao ka bang nakikita? Kung meron tanungin mo kung nasaan ka syaka mo sabihin saakin" Sabi niya pa.

Agad kong tinanong si Manang na busy sa pagtitinda.

"Nasa Cavite de Boracay ka ija" Sabi ni Manang na hindi tumitingin saakin.

Agad ko namang inilagay ulit sa tenga ang cellphone.

"N-nasa Cavite de Boracay... Please Yanni Dalian mo" Sabi ko.

"Pupunta na ako dyan maghintay ka lang" Sabi niya bago ibaba ang tawag. Ibinigay ko Naman ang cellphone kay manang at nagpasalamat.

Naglakad ako papuntang entrance nitong resort at duon naghintay...

Gusto ko ng makauwi samin...

Love In First Bite(On-going)Where stories live. Discover now