Chapter 8

0 0 0
                                    

A/N: pasensya na kung may wrong typo ha? Medyo nahihilo kasi ngayon si Ms. A. Haha.

don't forget to vote and comment!

Sorry for the wrong grammar and typo. Love lots!

Chapter 8
Zoe POV

H

indi ko magawang lumaban dahil masyadong makapit ang mga kamay nya sa bewang ko. Masyado ring magkadikit ang katawan namin. Syete! Lamunin niyo na ako lupa!

Ewan ko pero bigla na lang akong sumabay sa paghalik niya. Unti unti kong inilagay ang mga kamay ko sa batok niya.

Mas lalong humigpit ang kawak niya sakin.

"Aray! Putik!" Sigaw ko. Bwisit! Ang sakit ng labi ko!

Halos mangiyak ngiyak ako sa sakit. Kingat niya kasi yung labi ko.

"Baliw ka ba?! O may saltik ka Lang talaga?!" Ani ko habang hinahawakan ang nagsusugat kong labi.

Tumawa naman siya ng malakas. " I'm sorry" Sabi niya. Halata namang hindi sincere. Psh.

Sa sobrang inis ko binangga ko siya habang naglalakad paalis at pumunta sa kung saan. Bahala na Kung saan ako mapunta basta makalayo lang sa bwisit na lalaking yun.

Napagpasyahan kong tumigil muna saglit para makapagpahinga. Duon ko lang napagtanto na mukhang nawawala ako.

Patay! Anong lugar nato? Shemay!

"Miss, nawawala ka ba?" Sabi ng kung sino.

Umikot ako para makita kung sino Yun. Isang lalaking matipuno ang katawan naka black suit sya. Aaminin ko Ang gwapo niya.

"Ah oo eh.." Sabi ko syaka umupo sa isang ugat ng puno. Malaki naman ito.

Tumingin sya saakin Mula ulo hanggang paa "halata nga" Sabi niya.

"Eh ikaw anong ginagawa mo dito? Naliligaw ka Rin ba?"tanong ko sakanya. Hindi sya sumagot sa halip ay tinitigan niya lang ako.

Kumunot Ang noo niya ng mapatingin siya sa labi ko. Naalala kong kinagat nga pala nung kumag na yun Yung labi ko. Tinakpan ko Ang mga labi ko gamit ang mga kamay ko.

"Anong nangyari sa labi mo?" Tanong nya.

Nagiwas ako ng tingin. " Wala to n-nadapa lang t-tumakbo kasi ako kanina. Ganun nga?!"

Halata bang nagsisinungaling ako? Parang di naman.

"Pwede ko bang tignan?" Sabi niya. Nilingon ko Naman sya na naka kunot ang noo pero pumayag Rin ako. Malay niyo may gamot pala syang dala.

Lumapit sya saakin at lumuhod. Hinawakan niya ang labi kong may sugat. Medyo napaawang ang bibig ko dahil sa sakit.

Tumingin ako sa mga mata niya. Nagniningning Yun na parang takam na takam sa pagkain. Mag sasalita pa Sana ako ng mahilo ako.

"K-kailangan ko ng umalis" Sabi ko. Tatayo na sana ako ng bigla akong napaupo. This time ay sa lupa na talaga ako bumagsak.

Nakita ko syang lumapit saakin at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya Ang leeg ko at ipinatong Ito sakanyang balikat.

"Sleep well" Sabi niya.

Hindi na malinaw saakin ang mga nakikita ko. Masyado ng malabo ang nakikita ko.

Nang bigla akong makaramdam ng sakit sa leeg. Duon ko lang napagtanto na kinagat niya Ito. T-teka kinagat.

Kinagat ako sa leeg.

Sinisipsip niya Ang dugo ko!

Hindi Kaya?

I-isa siyang bampira?

Ugh! Shit!

"Ah! Ang sakit! A-anong ginagawa mo?"tanong ko. Hindi man lang sya nagsasalita.

Mas lalo ko pang naramdaman Ang sakit ng diniinan niya ang kagat.

Isa na lang ang magagawa ko. Ang humingi ng tulong sa kanya...

A tulong please

A!

"Ashton..." Pabulong ko ng sabi dahil nanghihina na ako.

Naramdaman kong Hindi na naka kagat ang mga pangil niya saakin

Love In First Bite(On-going)Where stories live. Discover now