NAPALINGON si Roni sa pinto ng kuwarto niya nang bumukas iyon at pumasok doon si Jelai.
"Ikaw, ha? Sino 'yong naghatid sa iyo? Manliligaw mo ba 'yon o boyfriend mo na?" tanong nito.
Napangiti siya sa sinabi nito. "Si Mr. Jimenez iyon, 'yong may ari ng BBC. Kanina ko lang siya nakilala," matipid na sagot niya.
Kumuha ito ng isang unan at pabirong ibinato nito iyon sa kanya. "Asus! Kanina mo lang pala nakilala, may pahatid-hatid agad! Ano naman ang nangyari sa meeting n'yo about my bridal car? Mukhang iba ang ipinag-usapan n'yo," panunuksong sabi nito.
"Luka-luka! Ano naman ang pag-uusapan namin? Nandiyan na po sa folder 'yong mga brochure at presyo ng lahat ng bridal package na ino-offer nila. If you want to visit their showroom para makita mo nang personal 'yong mga vintage car, mag set ka na lang daw ng another appointment sa kanila.
"Ah, okay. Well, going back to topic..." ngumisi ito. "Bakit ang tagal mo bago nakauwi? Ano 'yon, nag date agad kayo? Ang bilis, ha! In fairness!"
Inirapan niya ito. "Date ka diyan! Inihatid lang nila ako, no? Eh, kasi po, 'yong anak ni Borj ay ayaw akong paalisin. Medyo bored 'yong bata kaya nilaro ko muna siya."
"Asus! Idinahilan pa 'yong bata. Teka... So, may anak na 'yong Borj? Meaning, he's married?"
Humiga siya sa kama at niyakap ang isang unan. "He's separated."
"Ah... So, puwede naman pala. Sabagay, don't you think it's about time na mag boyfriend ka na uli? Tutal, matagal na rin kayong wala ni Basti," seryoso nang sabi nito.
"Hindi ko alam, Sis. Saka ano ka ba? Masyado kang advance mag-isip. Kanina ko lang nakilala si Borj. Ayokong umasa. Mahirap na, baka masaktan lang uli ako. Besides, I'm not in a hurry to be in a relationship again. I want to take my time."
"Sabagay, may point ka riyan. Pero kung ma-develop kayo sa isa't isa, wala namang masama."
Nginitian niya ito at nagtalukbong na siya ng kumot. Bago siya tuluyang nakatulog ay naisip niya si Borj. She wondered if he was thinking about her, too. Sino ba ang hindi kikiligin dito? To be honest, he was really handsome. Sigurado siya na maraming babaeng nagkakandarapa para lang maka-date ito.
Ano ngayon kung guwapo siya? You don't know him Roni. Kaya puwede ba, 'wag kang assuming.
NAKATANGGAP ng tawag si Borj mula kay Yuan. Masama raw ang lagay ng ama nito kaya hinayaan niya itong mag-stay pa sa Cebu. In the meantime, siya muna ang mag-aasikaso sa kanilang negosyo. At dahil nasa pangangalaga rin niya si Camille ---- hindi pa rin kasi bumabalik si Bea mula sa Baguio ---- lagi niya itong kasama sa opisina. Bihira lang kasi silang magkasama nang matagal-tagal.
Nilapitan siya nito at tinanong. "Daddy, kailan uli pupunta si Tita Roni? I wanna see her again."
Nagulat siya sa tanong nito. Pareho pala sila na naiisip si Roni.
Ako rin, anak, I wanna see her again. In fact, I can't get her out of my mind! -- ngalingaling sabihin niya. "Hindi ako sure, anak, kung babalik siya rito. Baka busy siya sa trabaho niya." Hinaplus-haplos niya nang marahan ang ulo nito.
"Di puntahan natin siya sa office niya. 'Di ba puwede naman 'yon, Daddy?" pangungulit nito.
"I'll see what can I do, baby."
"Please, Daddy. I wanna see her."
Napangiti siya. "Don't worry, baby. Gagawa ng paraan si Daddy para makita mo uli si Tita Roni."
Nagtatalon ito sa tuwa. Kapagkuwan ay naglaro na uli ito.
Binalikan niya ang ginagawa. Pero hindi siya makapag-concentrate. It's time to make a move, Borj. Nang hindi na siya makatiis ay hinanap niya ang contact number ni Jelai Rivera. Maybe he could call her and ask her sister's number. Siguro naman ay ibibigay nito iyon sa kanya. Wala namang masama roon. Nang makita niya ang hinahanap na numero ay agad niyang tinawagan ang cell phone number ni Jelai Rivera. Pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot na nito ang tawag niya.
BINABASA MO ANG
My Missing Puzzle Piece
RomanceRoni thought she had found the man of her dreams. Iyon ay sa katauhan ni Basti. Pero nawasak ang pangarap niya nang tuluyang iwan siya nito. Then, under a very unexpected circumstances, she met Borj Jimenez. Sa una palang nilang pagkikita ay hindi n...