Chapter 4

503 43 13
                                    

SINUNDO ni Junjun si Jelai sa opisina niya sa Mandaluyong. Umuulan kaya nagpasya silang magpalipas ng ulan sa isang coffee shop na malapit sa opisina niya. Nauna siyang umupo sa malambot na couch habang si Junjun ay lumapit sa counter para um-order ng pagkain nila. Nagbabasa siya ng magazine nang biglang may bumati sa kanya. Pamilyar sa kanya ang boses ng lalaki kaya nagtaas siya ng tingin at nakita si Basti. Huli na para magtago siya rito. Napatingin siya sa babaeng parang sawa na nakapulupot sa isang braso nito.

Nilapitan siya nito. "Hi, Jelai! I saw you and Junjun enter the door."

Hindi agad siya sumagot. Ilang sandaling tinitigan niya ito at ang babaeng nakapulupot dito. Baka mapulmonya ka, hija, ngalingaling sabihin niya sa babae. Paanong hindi niya maiisip iyon, backless ang damit nito? Bigla siyang nainis kay Basti. Ang kapal ng mukha ng kumag na ito na magpakita sa kanya na may kasamang babae. Ang totoo ay nanghihinayang siya sa relasyon nito at ng kapatid niya, lalo na at naging malapit na rin sila ni Basti sa isa't isa. She even treated him like a real brother. Pero ngayon ay naiinis na siya rito dahil ito ang dahilan ng pagluha ng kanyang kakambal.

"Oh, hello, Basti! Kumusta?"

"I'm good. By the way, this is Zorayda, girlfriend ko. Zorayda, this is Jelai."

Tumango lang siya at hindi na nag-abalang makipagkamay kay Zorayda.

"I heard ikakasal na kayo ni Junjun."

"Oo, sa December."

"Well, congratulations!"

"Thank you," matipid na sagot niya.

"Napag-usapan na rin lang ang tungkol sa kasal, gusto kong malaman mo na next month ay ikakasal na rin kami ni Zorayda. Wala naman sigurong masama kung iimbitahin ko kayo ni Junjun... pati na rin si Roni."

At talagang nag-imbita pa! Ang kapal talaga ng mukha! As if naman pupunta kami!

"Sure... I'll tell her."

"I'll be very glad kung makakarating kayo."

"We'll see."

"Aasahan ko kayo. Pa'no, mauna na kami."

Tumango lang siya.

Tumalikod na ang mga ito. Nakasalubong pa ng mga ito si Junjun. Pagkatapos ng sandaling kumustahan ay tuluyan nang umalis ang dalawa.

"Ang kumag na 'yon. Ikakasal na pala siya next month," aniya kay Junjun.

Ibinaba nito sa mesa ang dalawang cup ng cafe latte at dalawang slice ng custard cake. "Talaga? Ang bilis naman yata. Alam na ba ni Roni?" tanong nito.

"I don't think so. Nag-iimbita pa nga, eh. Kailangan pa ba niyang isampal sa pagmumukha ng kapatid ko na mag-aasawa na siya?" naiinis na sabi niya habang hinahalo niya ang kanyang kape.

"Hayaan mo na siya. Mabuti nga at hindi sila nagkatuluyan ni Roni. Hitsura pa lang ng mokong na 'yon, mukhang hindi na talaga mapagkakatiwalaan. Tingnan mo nga 'yong hitsura ng girlfriend niya. Parang kagaya rin niya na hindi magseseryoso sa buhay."

"What can I say? They deserve each other. Tama ka, love. Ang dami pa namang ibang lalaki riyan. My sister doesn't deserve him at all." Ngumiti na siya. "I have a feeling na malapit na uling magka-love life si Roni."

"Paano mo naman nasabi?"

Nagkibit-balikat siya. "Basta."


IDINAAN muna nina Roni at Borj si Camille sa condominium unit ni Borj bago siya inihatid nito sa kanilang bahay. Ang kawaksi nito na si Yaya Medel ang nagbabantay kay Camille. Napagod yata ito nang husto sa pamamasyal nila kaya nakatulog ito sa kotse. Nang mag-offer si Borj na ihahatid siya nito sa bahay ay pinaunlakan niya ito. Pagdating nila sa bahay ay wala pa roon ang kapatid niya.

My Missing Puzzle PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon