DINAANAN nina Borj at Camille si Roni at saka sila tumuloy sa Enchanted Kingdom. Habang magkakasama sila ay napansin ni Roni ang pananahimik ni Borj. Natitiyak niyang may bumabagabag dito dahil hindi ito ganoon, lalo na kapag magkasama sila. Kahit sa pagkain ay napansin niyang hindi ito magana katulad ng dati. Nang magyaya si Camille na sumakay sa carousel ay doon na siya nakakita ng pagkakataon para tanungin ang binata.
"Babe, may problema ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Kanina ka pa tahimik, ah."
Hinawakan nito ang isang kamay niya at saka ngumiti. "I'm okay. Pagod lang ako."
"You don't look okay. Gusto mo bang umuwi na tayo?"
Umiling ito at inakbayan siya. "No, babe. Nag-e-enjoy pa si Camille, o."
Hindi ito nagsasabi ng totoo pero hindi niya ito kinulit. Kusa naman siguro itong magsasabi sa kanya kapag handa na itong i-share sa kanya ang problema nito. Late na nang makabalik sila sa condominium unit nito. Wala siyang pasok sa susunod na araw kaya nag-stay pa siya roon.
Tinabihan muna niya sa kama si Camille hanggang sa makatulog ito. Nang malalim na ang tulog nito at tumayo na rin siya at lumabas ng kuwarto. Nadatnan niya si Borj na nakatayo sa tabi ng bintana sa sala. Nilapitan niya ito at kinuha rito ang baso ng alak na hawak nito. Inilapag niya iyon sa kalapit na side table. Mula sa likuran ay niyakap niya ito.
"Napatulog ko na si Camille. Uuwi na ako, babe."
Humarap ito sa kanya at saka siya niyakap sa baywang. "Please don't go, babe. Stay with me tonight," sabi nitong titig na titig sa mga mata niya.
Marahan niyang hinaplos ang buhok nito habang hindi nila inaalis ang tingin sa isa't isa. Parang hindi na nila kailangan ng anumang salita para maintindihan ang isa't isa. They needed each other. Nang halikan nito ang kanyang mga labi ay gumanti siya. Soon, their tongue mated, their kisses turned into fire. Hindi na niya alam kung paano siya nadala ni Borj sa kuwarto nito. Ang tanging nararamdaman niya ay ang mga halik at haplos nito sa buong katawan niya. Inihiga siya nito sa kama at saka uli siya tinitigan nito. He kissed every part of her face.
"You're so beautiful, Roni." His voice sounded hoarse. He started to undress her. Ilang sandaling tinitigan nito ang hubad na katawan niya bago nito sinimulang hubarin ang mga saplot nito. He kissed her passionately. Dahan-dahang bumaba ang mga halik nito, down to her neck, to her breast, to her stomach, and finally retreated in the center of her thighs. His lips and hands explored every part of her. "I love you."
It was sweet torture. She never knew love could be like this. Wala siyang nagawa kundi sumuko sa mga halik at haplos nito. She was on fire. Walang pag-aalinlangang tinanggap niya si Borj. She met his every thrust and suddenly they were transported into a different world. Paulit-ulit nilang tinawag ang pangalan ng isa't isa. Their lovemaking felt incredible. Hindi siya nagsisisi sa pagpapaubaya niya rito.
Halos mag-uumaga na nang makatulog sila.
NAALIMPUNGATAN si Borj. Paglingon niya ay nakita niya si Roni na payapang natutulog sa tabi niya. Nakasiksik ito sa kanya. Napangiti siya nang maalala ang mainit na tagpong pinagsaluhan nila. Wala siyang nararamdamang pagsisisi sa ginawa niya rito. He had never been happier like this before. Habang kaniig niya ito ay nasiguro na niya sa sarili na ito na ang babaeng gusto niyang pakasalan at maging ina ng mga susunod niyang anak. He had fallen in love with her even more. This time ay sisiguruhin niyang hindi na mauulit sa kanila ang nangyari sa kanila ni Bea.
Nalulungkot siya dahil malalayo sa kanya si Camille pero ayaw na niyang dibdibin iyon. He knew he had to let go of her. Hindi naman ibig sabihin niyon ay hindi na sila magkikita. Siguro nga ay panahon na para bumuo na uli siya ng isang pamilya.
Hinigpitan niya ang pagkakayakap kay Roni. Hinalikan niya ito sa noo bago siya bumalik sa pagtulog.
PAGGISING ni Roni ay agad na nalanghap niya ang mabangong amoy ng pagkain.
"Wake up, my queen. Breakfast is ready," sabi ni Borj. May hawak itong breakfast tray na may lamang pancake, sunny-side up egg, bacon, ilang slice ng tinapay, at isang basong juice.
"Oh, my God, Borj! Anong oras na ba? Bumangon siya at nagulat nang ma-realize na nakahubad pa pala siya. Hinila niya ang kumot. Nag-init ang magkabilang pisngi niya at humigpit ang pagkakayakap niya sa kumot.
Mapanukso ang mga ngiting ibinigay nito sa kanya. "Don't worry, babe. You still look beautiful kahit kumot lang ang suot mo. Alas-siyete pa lang po. Magbihis ka na at nang makakain na tayo."
Bumaba siya ng kama at isa-isa niyang pinulot ang mga damit sa sahig. Pagkatapos ay pumasok siya sa banyo para maghilamos at magbihis. Pagkatapos ay sabay silang nag-almusal ni Borj. Iyon na yata ang pinakamasarap na almusal sa buong buhay niya. Kahit medyo sunog ang pancake at itlog ay okay lang. At least ay nag-exert ito ng effort na ipagluto siya at na-appreciate niya ang sweet gesture na iyon.
Pagkatapos nilang kumain ay saka naman nagising si Camille. Nagtaka ito nang makitang nandoon siya. Tinanong siya nito kung saan siya natulog. Sinabi na lamang niya na tinabihan niya ito at hindi nito naramdaman na katabi siya nito dahil masyadong mahimbing ang tulog nito. Nang balingan niya si Borj ay napapangiti ito. Siguro ay naaaliw ito sa pag-uusisa sa kanya ng anak nito.
Parang nanunudyo rin ang mga mata nito, waring pinapaalala sa kanya ang mga namagitan sa kanila nang nagdaang gabi.
Ipinagpatuloy nila ang masaganang pagkain. Pagkatapos mag-almusal ay lumipat sila sa sala at doon ipinagpatuloy ang kuwentuhan. Para silang mga bata ni Borj nang makipaglaro pa sila kay Camille. Nang mapagod ang bata ay nakatulog ito. Nagpasya na siyang magpaalam. Sasagot na sana si Borj nang biglang may tumawag sa cell phone nito. Sinenyasan siya nito at sandaling nakipag-usap sa caller.
"Babe, may urgent meeting ako kay Mr. Abesamis," kapagkuwan ay sabi nito sa kanya. "Puwede bang ikaw muna ang magbantay kay Camille habang nasa labas ako? Off kasi ni Yaya Medel ngayon."
"Sure. Sige, ako muna ang magbabantay kay Camille. Tatawagan ko na lang si Jelai at sasabihin ko sa kanya na mamaya na ako uuwi."
"Thank you so much, babe." Hinalikan siya nito at dali-dali na itong pumunta sa kuwarto para gumayak sa pag-alis.
Naalimpungatan si Camille at agad na hinanap nito ang ama. Sinabi niyang nasa kuwarto si Borj at naghahanda para pumasok sa trabaho. Tila nakakaintinding tumango naman ito. Niyaya na lamang siya nito na manood ng Barney. Pumayag siya. Siya na ang nagsalang sa player ng DVD na kinuha nito mula sa koleksiyon ng mga DVD sa sala. Pagkatapos ay tinabihan niya ito at sinamahan niyang manood. Pagkalipas ng ilang sandali ay bumalik si Borj sa sala.
"Camille, aalis muna si Daddy, ha? Si Tita Roni muna ang magbabantay sa 'yo habang wala ako. Be a good girl, ha?"
"Yes, Daddy. Good girl naman po ako lagi," sabi ni Camille habang busy pa rin sa panonood.
Nilingon siya ni Borj.
Tumayo siya at inihatid ito sa labas ng pinto.
"I'll be back after lunch, okay? I love you." Hinalikan siya nito sa mga labi.
Gumanti siya ng halik. "Love you, too."
------- End of Chapter 6 -------
Please hit the 🌟 if you really enjoy the story. Thanks... 😊
BINABASA MO ANG
My Missing Puzzle Piece
RomanceRoni thought she had found the man of her dreams. Iyon ay sa katauhan ni Basti. Pero nawasak ang pangarap niya nang tuluyang iwan siya nito. Then, under a very unexpected circumstances, she met Borj Jimenez. Sa una palang nilang pagkikita ay hindi n...
