NASA simbahan sina Roni at Jelai. Kasama nila roon ang florist na si Apple. They were discussing the final details of the church decoration. Ilang araw na lamang at kasal na nina Jelai at Junjun kaya puspusan na ang pag-aasikaso nila sa final details ng kasal. Habang palapit nang palapit ang wedding day ng kapatid niya at ni Junjun ay lalong tumitindi ang excitement ng mga ito, kabaligtaran ng pangungulilang nararamdaman niya para kay Borj na pilit niyang pinaglalabanan. Kahit anong pagpapakaabala ang gawin niya ay lagi pa rin nitong inookupa ang isip niya. Mula nang huling beses na nag-usap sila sa condominium nito ay wala na siyang narinig mula rito kaya hindi niya alam kung ano na ang nangyari dito.
Napukaw ang pag-iisip niya nang magsalita si Apple.
"So, Roni, okay na tayo sa flower arrangement para dito sa simbahan. We will be using white and yellow roses for decor and white roses or calla lilies for your bouquet. Ano'ng mas gusto mo sa dalawa?"
"Calla lilies na lang siguro. Roses are too common for bouquets. And maybe a touch of pink and lilac for the whole entourage. What do you think?"
"I agree. Para hindi magmukhang dull o patay ang kulay ng entourage."
"May time pa ba tayo for some changes?"
"Of course."
Naputol ang pag-uusap ng mga ito nang lumapit si Junjun. Napatingin siya at agad na nag-iwas ng tingin nang halikan nito sa mga labi si Jelai. Parang bigla siyang nainggit sa nakita.
"Hi, love," bati ni Junjun. "Kumusta ang meeting n'yo?"
"Okay naman, love. Sinabi ko na kay Apple 'yong mga gusto ko at siya na raw ang bahala. Anyway, she knows my taste." Jelai sighed then flashed her sweetest smile. "I'm sure, the church will look perfectly beautiful on our wedding day."
"That's for sure. At sa araw na iyon, ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo."
Hinalikan ni Junjun ang kamay ng kapatid niya. "Ilang araw na lang, love, and you're finally mine. I can't wait for our honeymoon," pilyong sabi pa nito.
Tumawa si Jelai sa panunukso ng kasintahan. "Hmm... Bakit mas excited ka pa yata sa honeymoon natin kaysa sa mismong kasal?"
"Halata ba?" pilyo pa ring tanong nito. Tumaas-baba pa ang mga kilay nito.
Inirapan naman ito ng kapatid niya.
Tumawa ng malakas si Junjun. He pulled Jelai closer to him. "I love you, love. You have no idea how much I waited for the day when I can really call you mine."
"I love you, too, love," ganting sabi ni Jelai.
Napabuntong-hininga na lamang si Roni. Bakit parang nai-imagine niya na sila ni Borj ang nasa eksenang iyon.
KAUSAP ni Borj sa Skype si Camille. Masayang kumakaway ito sa harap ng camera.
"Hi, Daddy! How are you?"
"I'm good, baby, Ikaw? Kunusta ka na diyan? Ang balita ko, malapit ka nang pumasok sa school?" magiliw na tanong niya. Kung puwede lamang niya itong hilahin palabas ng monitor ay ginawa na niya. God knew how much he missed her little angel.
"Yes, Daddy. Mag-i-school na ako next week! Pumunta kami ni Mommy sa Disneyland. And look, Daddy. I bought you something!" Ipinakita pa nito sa kanya ang isang baseball cap na may litrato ni Mickey Mouse. "Sinabi ko kay Mommy na ipapadala ko ito sa 'yo, Daddy."
"Wow! Ang ganda naman niyan, baby. Thank you. I'm glad you're having a great time there. Lalo ka tuloy nami-miss ni Daddy."
"Ako rin, Daddy. Missed na missed na kita. Pati sina Lola, Lolo, Koko, lalung-lalo na si Tita Roni. Look, Daddy. I also bought something for her." Nakangiting ipinakita nito sa kanya ang isang pink na T-shirt na may litrato ni Minnie Mouse.
BINABASA MO ANG
My Missing Puzzle Piece
RomanceRoni thought she had found the man of her dreams. Iyon ay sa katauhan ni Basti. Pero nawasak ang pangarap niya nang tuluyang iwan siya nito. Then, under a very unexpected circumstances, she met Borj Jimenez. Sa una palang nilang pagkikita ay hindi n...