DALI-DALING binuksan ni Roni ang pinto nang may kumatok doon. Sa pag-aakalang si Borj na ang dumating ay naghanda agad siya ng matamis na ngiti sa mga labi. Pero ang sumalubong sa kanya ay isang mestisa na babae. Kapwa pa sila nagkagulatan nang makita ang isa't isa.
"Good morning. Nandiyan ba si Borj?"
Hindi siya makahuma. Lalong hindi siya nakakibo nang patakbong lumapit si Camille at yumakap sa babae. Noon niya na-realize na ang babae ang mommy ni Camille. Bukod sa parehong mestisa ang mag-ina ay malaki ang resemblance ng mga ito sa isa't isa. Maganda at sexy pa rin ang babae kahit may anak na.
"Halika, Mommy, pasok ka," yaya ni Camille.
Nagpaunlak naman ang babae.
Tumabi siya para makadaan ito.
Pagpasok nito ay nilingon siya nito. "By the way, I'm Bea. Ako ang mommy ni Camille. You must be Roni?" tanong nito.
"O-oo, ako nga," sagot niya.
Ngumiti ito. "Madalas kang nababanggit sa akin ni Camille kaya huwag ka nang magtaka kung nalaman ko ang pangalan mo. Well, it's nice to finally meet you, Roni."
Friendly ang dating ng boses nito kaya unti-unting nabawasan ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya inaasahan na ganoon pala ka-open sina Borj at Bea sa isa't isa. "Same here." Siya na ang unang nakipagkamay rito. Pinaupo na niya ito sa sofa at inalok ng maiinom pero tumanggi ito. "Umalis si Borj dahil may ka meeting siyang kliyente. Pero babalik din daw agad siya. Hintayin mo na lang siya kung kailangan mo siya makausap."
"Ah, hindi na. Actually, si Camille talaga ang ipinunta ko. Nag-aalala kasi ako dahil hindi siya inihatid ni Borj kagabi. Hindi pa niya ako tinawagan, so I decided to check on her."
"Mommy, uuwi na tayo? Hindi na natin hihintayin si Daddy?"
"Oo, anak. Doon kasi tayo magla-lunch sa bahay nina Tito Tonsy. Tatawagan na lang natin si Daddy para ipaalam na sinundo na kita. Sige na, get your things. Para makaalis na tayo."
Agad namang tumalima si Camille.
"I hope you don't mind kung isama ko na si Camille. Ang totoo ay ayoko munang makaharap si Borj ngayon dahil magtatalo lang kami. Alam kong hindi pa rin niya matanggap ang desisyon ko."
Nagulat siya sa pagtatapat nito sa kanya. Tumabi siya rito at hindi na niya napigil ang sarili na tanungin ito. "Desisyon? May problema ba kayo ni Borj?"
Tiningnan siya nito nang diretso sa mga mata.
"So, hindi pala binanggit sa iyo ni Borj?"Hindi siya sumagot. She was still confused.
"Well, wala naman siguro masama kung ako na ang magsabi sa iyo. Magma-migrate na kasi kami sa Amerika sa susunod na buwan at isasama ko na si Camille. Sinabi ko na ito kahapon kay Borj. I tried to explain everything to him pero nauwi lang sa pagtatalo ang usapan namin. Alam kong mahirap ito para sa kanya... But I'm sure you'll understand me. Babae ka rin at balang-araw ay magiging ina. Ayokong iwan dito si Camille."
Kaya pala ang lungkut-lungkot ni Borj kahapon. Iyon pala ang dahilan. "Napansin ko nga lately na walang kibo si Borj. Don't worry pasasaan ba't maaayos n'yo rin ang lahat. Dapat lang siguro kayong mag-usap ng masinsinan."
Iyon ang sinabi niya pero ang totoo ay nag-aalala siya para kay Borj. Naiintindihan din niya si Bea. Bagaman hindi siya magiging isang ina kahit kailan ay alam niyang natural lang sa isang anak na maging close sa ina lalo na kung ang batang iyon ay katulad ni Camille. Pero alam din niyang hindi ganoon kadaling tanggapin para kay Borj na mapapalayo rito ang anak nito. Napakalayo ng Amerika sa Pilipinas kaya siguradong lalong dadalang ang pagkikita ng mag-ama. Siya rin ay nakaramdam ng kaunting lungkot dahil kahit sa maikling panahon ay napamahal na rin sa kanya si Camille.
BINABASA MO ANG
My Missing Puzzle Piece
RomanceRoni thought she had found the man of her dreams. Iyon ay sa katauhan ni Basti. Pero nawasak ang pangarap niya nang tuluyang iwan siya nito. Then, under a very unexpected circumstances, she met Borj Jimenez. Sa una palang nilang pagkikita ay hindi n...