KUMATOK si Borj sa pinto. Ilang sandali lang ay bumukas na iyon.
"O, Borj! Ikaw pala. Wala pa si Roni. Tara, pasok ka muna," sabi sa kanya ni Jelai.
Nginitian niya ito. "Naisip ko lang dumaan. Three days na kasi kaming hindi nagkikita ni Roni. Balak ko sana siyang yayaing mag-dinner." Iniabot niya rito ang isang kahon ng cake na alam niyang paborito ng nobya niya.
Tinanggap iyon ni Jelai. "Thank you." Pinaupo siya nito sa sala. "Ang alam ko, foundation day sa school nila kaya medyo late siyang uuwi."
"Yeah, I know. I called her up at iyon nga ang sabi niya. May ginagawa rin kasi ako kanina kaya hindi ko siya nasundo. Kaya hindi niya alam na pumunta ako rito ngayon."
"Gano'n ba?" tatangu-tangong sabi nito.
Nang mga sumunod na sandali ay nagkuwentuhan sila nito habang hinihintay niya si Roni. Napag-usapan nila ang tungkol sa nalalapit na kasal nito at ni Junjun. Pati na rin ang napili ng mga ito na bridal car na ipo-provide nila ni Yuan. Pagkalipas ng isang oras ay saka dumating si Roni. At dahil hindi nito inaasahang pupunta siya roon ay nagulat ito pagkakita sa kanya.
Tumayo siya mula sa sofa. "Hi, babe!" bati niya rito.
"O, babe... Nandito ka pala. Kanina ka pa? Bakit hindi ka nagtext sa akin para naman umuwi agad ako?"
Hinalikan niya ito at pagkatapos ay kinuha niya rito ang bag nito.
"O, Roni, buti naman at dumating ka na. Kanina pa rito 'yang Papa Borj mo," sabi ni Jelai na abala sa pagtipa sa laptop nito.
"Actually, talagang hinintay kita, babe," sabi niya. "I know you're busy kaya dito na ako dumiretso. Mabuti na lang at nandito na si Jelai. Let's have dinner. Alam kong gutom ka na. Sumama ka na rin, Jelai. Saan n'yo gustong kumain?"
Patuloy pa rin si Jelai sa pagtipa sa laptop nang sumagot ito. "Kayo na lang ni Roni," tanggi nito. "May kailangan kasi akong tapusin, eh. At saka diet ako ngayon... Alam mo na... Baka hindi magkasya sa akin 'yong wedding gown ko."
Tiningnan niya ang kanyang nobya. Parang bigla itong tumamlay. "Babe? Are you okay? May sakit ka ba?" Hinaplos niya ang balikat nito.
She managed a weak smile. "Wala, babe. Pagod lang siguro ako."
"You don't look okay. Are you sure?"
Tumango lang ito bilang sagot.
"Sige, babe. Next time na lang tayo lumabas. Pagod ka, eh. Hintayin mo na lang ako rito. I'll go out and buy you food, okay?"
"Wag na, babe. Magluluto na lang ako ng pagkain natin. Kaya ko naman. Dito ka na lang kumain."
"You look tired. Next time mo na lang ako ipagluto. Mas mabilis kung bibili na lang ako sa labas. Okay? I insist. Wait for me."
Hindi na nakatanggi si Roni sa offer ni Borj. Pag-alis nito ay nagtungo siya sa kuwarto at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay bumalik siya sa sala. Huminto si Jelai sa pagtipa sa laptop at tiningnan siya nito.
"Uy, Roni! Are you okay? May sakit ka ba?"
"Wala. Pagod lang ako," sagot niya.
Jelai gave her a suspicious look. "May problema ba kayo ni Papa Borj? Ang sabi niya kanina, three days na kayong hindi nagkikita at madalang kang mag-text sa kanya. Is something wrong?"
Napabuntong-hininga siya. Her sister knew her too well. Tingnan lang siya nito ay alam na nitong may gumugulo sa isip niya.
"Wala naman kaming problema. I guess it's just me, Sis."
Jelai looked confused. "Ha? What about you? May problema ka ba kay Borj?"
He wants me to move in with him," matipid na sagot niya.
"Wow! Teka, parang ang bilis naman?"
Nagkibit-balikat lamang siya.
"Oh, well, hindi siguro talaga siya makapaghintay. Kunsabagay, okay lang 'yon. Tutal ay ikakasal na kayo next year, di ba? So, I don't think there's a problem with that. Kung komportable ka naman sa gano'n, why not, coconut?" pagpapatawa pa nito.
She bit her lip. Tiningnan niya ito ng diretso. "Sinabi rin niya sa akin na gusto niyang magkaanak. Alam mo naman ang kalagayan ko, di ba? I don't know how to tell him. Natatakot ako..."
Tumabi sa kanya si Jelai. "So, hindi pa pala niya alam. I thought you told him already. Ano'ng plano mo ngayon?"
"Hindi ko alam. But I know I have to tell him the truth. I didn't have a chance to tell him before dahil hindi ko naman alam na aabot agad kami sa ganito." Napailing siya habang hinahaplus-haplos niya ang kanyang noo. "Saka paano ko naman masasabi sa kanya? He told me straight to my face na gusto na uli niyang magkaanak. Ramdam na ramdam ko ang desire niyang bumuo ng bagong pamilya. How can I possibly tell him sa ganoong sitwasyon? Naduwag ako, Jelai... He wanted it so bad. I feel so useless dahil alam kong hindi ko 'yon kayang ibigay sa kanya. I'm sure he will be disappointed."
"Sshh... Ano ka ba? You're taking it too hard. Di kausapin mo siya at sabihin mo sa kanya ang totoo. I think this is the right time to tell him. Hindi natin malalaman ang magiging reception niya hangga't hindi niya nalalaman ang totoo. Isa pa, kung talagang mahal ka niya, tatanggapin niya ang mga pagkukulang mo." Hinagud-hagod nito ang likod niya.
"Pero natatakot pa rin ako. What if he can't accept it? I don't want to lose him the way I lost Basti," aniya sa nanginginig na boses. "Alam mo naman ang dahilan kung bakit niya ako iniwan noon, di ba?" She was starting to get emotional and Jelai was trying to calm her down.
"Sshh... Look, Roni. You and Borj are both matured people. Magkaiba naman sila ni Basti. Saka puwede n'yo naman 'yang pag-usapan nang masinsinan. 'Wag ka munang magpaka-nega riyan."
She remained silent for a few seconds. Siguro nga ay nagiging paranoid na siya sa sobrang pag-iisip. "I'm sorry, Jelai. I know I'm sort of overreacting pero nag-aalala lang talaga ako. I don't want to disappoint Borj. Gaano tayo kasigurado na hindi niya ako iiwan kapag nalaman niyang hindi ko siya kayang bigyan ng anak? All men want kids."
"Huwag mo munang i-judge si Borj. Isa pa, hindi naman por que hindi ka magbubuntis, eh, end of the world na ang ibig sabihin n'on. I mean you have other options. Puwede naman kayong mag-adopt."
Nag-init na ang mga mata niya hanggang sa tuluyan na siyang napaiyak. "Hindi ko na alam, Jelai. I don't even know kung itutuloy pa niya ang pagpapakasal sa akin kapag nalaman niyang baog ako," malungkot pa ring sabi niya.
Pinahid nito ang mga luha niya. "Hay... Alam mo, masyado kang nagiging malupit sa sarili mo. Hindi por que hindi ka magkakaanak ay wala nang lalaking tatanggap sa 'yo. Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin. You're a vibrant, beautiful, and desirable woman who deserves to be loved and to be happy. It doesn't make you less of a person kung wala kang kakayahang magka-baby. Hindi lang naman iyon ang importante sa isang relasyon. Hindi lang ang pagkakaroon ng anak ang basehan ng kaligayahan ng mag-asawa. Saka alam mo, knowing Borj, sa tingin ko naman ay maiintindihan ka niya. Just trust him, Roni. Ang importante ay nagpaka-honest ka sa kanya."
Napabuntung-hininga siya. Tama ang kapatid niya sa sinabi nito na kailangan niyang magpakatotoo. She didn't want to give Borj false hopes. There was no other way but to tell him the truth. Hindi na niya puwedeng iwasan iyon. Kahit paano ay lumuwag ang dibdib niya sa mga payo ng kapatid niya. She was relying on her more than she was with her. Gayunman ay nagpapasalamat siya dahil nasa tabi niya ito. Naliwanagan na ang isip niya at mas alam na niya kung paano magpapaliwanag kay Borj. Hahanap siya ng magandang tiyempo para kausapin ito nang sarilinan. Sa totoo lang ay hindi niya alam ang magiging reaksiyon nito, but she was hoping that he would accept her.
She could only hope so.
------- End of Chapter 10 -------
Please hit the 🌟 if you really enjoy the story. Thanks. 😊
BINABASA MO ANG
My Missing Puzzle Piece
RomanceRoni thought she had found the man of her dreams. Iyon ay sa katauhan ni Basti. Pero nawasak ang pangarap niya nang tuluyang iwan siya nito. Then, under a very unexpected circumstances, she met Borj Jimenez. Sa una palang nilang pagkikita ay hindi n...