Chapter 11

445 38 3
                                        

NANG sumunod na araw ay si Roni naman ang nag-surprise visit kay Borj. Inabot niya ito sa opisina na may kausap na isang lalaki.

"Babe! What a pleasant surprise!" tuwang-tuwang sabi nito. Sinalubong siya nito at hinalikan sa mga labi. Pagkatapos ay ipinakilala siya nito sa lalaking kausap nito. "This is Yuan. Siya ang business partner ko rito. Kababalik lang niya from Cebu."

"Yeah, I remember. Siya pala 'yong kaibigan mo na lagi mong ikinukuwento sa akin."

"Wow! Hi, Roni! It's nice to finally meet you," sabi sa kanya ni Yuan. Inilahad nito sa kanya ang kanang kamay nito. "Now, I can tell why Borj is so crazy about you."

Nginitian niya ito nang tipid. Hindi niya pinansin ang panunudyo nito, bagkus ay tinanggap lang niya ang pakikipagkamay nito. "Thank you. Nice meeting you, too, Yuan." She could tell Yuan was a nice guy.

"Sige, pare. Maiwan ko muna kayo. I have a meeting in twenty minutes. Kailangan ko nang  umalis." Nilingon siya ni Yuan. "Maybe some other time we should go out and have coffee together. Tiyak na magkakasundo kayo ng wife ko na si Missy. Nice meeting you again, Roni!" Kinindatan pa nito si Borj bago ito tuluyang lumabas ng opisina.

Nang wala na ito ay agad siyang binalingan ni Borj.

Hinapit siya nito sa baywang at pinakatitigan. "So, what brings you here, babe? Akala ko ba, busy ka sa school?"

"I just want to see you. Masama ba?" She caressed his face and looked straight into his eyes.

Tumawa ito. "Of course not. Actually, I'm expecting this. Alam ko namang hindi ka makakatagal na hindi mo ako nakikita kasi masyado mo akong mahal at lagi mo rin akong nami-miss."

"Yabang..." natatawa pero kinikilig na sabi niya. "Are you busy?"

"Hindi naman. Why? Do you wanna go out? Yuan will be back in an hour kaya puwede akong umalis," sagot nito.

"Let's go somewhere private, babe."

Nagulat ito pero agad ding nakabawi. "Private? Gaano ka-private ba ang gusto mo?" he teased her. His eyes were full of passion.

"It's not what you think, Borj. We need to talk."

"About what?"

"Basta. Malalaman mo rin mamaya."

"Ang babe ko, pa-suspense effect pa. Sige na nga!"

They ended up in his condominium unit. Noong una ay gusto nito na sa isang coffee shop sila pumunta. But she insisted to go somewhere more quiet. Hindi sila makakapag-usap nang mabuti kapag nasa public place sila. Isa pa, kapag naging emosyonal siya habang nag-uusap sila ay ayaw niyang maging center of attention ng mga tao sa paligid. Pagdating nila sa condo ay agad siyang umupo sa sofa. Desidido na siya sa gagawin niyang pagtatapat dito. Hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa.

Tumabi sa kanya si Borj. "Babe, you seem distant. May problema ba tayo? Puwede mo na siguro ngayong sabihin sa akin kung ano 'yong sasabihin mo. Tayong dalawa lang ang tao rito. Ilang araw ko na ring napapansin na wala kang kibo. What is it?"

She looked at him. 'Wag kang matulala, Roni. Sabihin mo na sa kanya! udyok ng isang bahagi ng kanyang isip. "I need to tell you something, Borj. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon mo sa mga sasabihin ko." She heaved a sigh and held his hands. "Remember when you asked me to marry you and I said 'yes'?"

Tumango ito, tila naguguluhan na sa kanya. "Then a few days ago, you asked me to move in with you."

Tumango lang uli ito.

"Things are happening too fast an---"

"Are you saying you don't want to marry me, babe?" Borj met her gaze, looking more confused than ever.

She felt the pain in his voice. Nabanaag din niya ang pag-aalala at pagtutol sa mga mata nito. Agad siyang umiling. Pilit na nilalabanan niya ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. "No... In fact, I would love to be your wife. Gusto ko rin sanang bumuo tayo ng pamilya natin at maging masaya.

"Then what's wrong? Hindi naman imposible 'yon. You know how much I love you, Roni. But I think something is bothering you. Ano ba 'yon? Am I being too fast? O may kulang pa ba sa mga ginagawa ko? Tell me."

Hindi na niya napigilan ang kanyang emosyon. Pumatak na ang mga luha niya at agad niyang pinahid ang mga iyon. "Tama ka, ako ang may problema... Hindi ikaw..." napahikbi na siya. "I can't make you happy... I can't give you what you want..."

Naramdaman niya nang tumigas ang kalamnan nito. Binitiwan na nito ang mga kamay niya. "Ano ba'ng pinagsasabi mo, Roni? Masaya ako sa 'yo. Hindi mo ba nakikita 'yon? You're the only one that keeps me going, lalo na noong mawala si Camille. Believe me. You're everything I've ever wanted," sabi nitong titig na titig sa kanya.

She knew he meant every word. Lalo tuloy siyang nahirapang magsalita. Hindi niya gustong pasakitan ito. She wished they could just forget this moment at ikulong na lang siya nito sa mga bisig nito at kalimutan ang lahat. But she had to tell him the truth. "No, I'm not..." She tried to sound calm but she failed. "Borj, I can't give you a family. K-kahit kailan ay hindi kita mabibigyan ng anak. Baog ako. I know how much you want to have kids. Ramdam na ramdam ko 'yon, Borj. I was afraid to tell you kasi alam kong madi-disappoint ka sa akin."

Sandaling huminto siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Last year, I went through a very difficult situation because of that. Basti and I were already engage that time. Pero nang malaman niyang hindi ko siya mabibigyan ng anak, hindi niya 'yon natanggap. Iniwan niya ako. And I hated myself for that... I felt so inadequate and useless! I can't help it! Kahit ilang beses kong isaksak sa isip ko na magkaiba kayo ni Basti, hindi ko pa rin maiwasang matakot at ma-paranoid. Natatakot ako, Borj, na baka magbago ang tingin mo sa akin. Darating at darating ang araw na mapapagod ka sa kakahintay na magkaroon tayo ng anak. Ayokong mangyari 'yon. I want to be honest with you. You deserved to know the truth. Ngayon mo sa akin sabihin na masaya ka pa sa piling ko. Knowing all your life na hindi ko maibibigay sa 'yo ang fulfillment ng pagiging isang ama? I can't make you happy, Borj."

She broke down into tears. Yumuko siya. Hindi na niya pinigilan ang bawat luhang umagos mula sa kanyang mga mata hanggang sa pakiramdam niya ay nalunod na ng mga iyon ang lungkot na pumupuno sa puso niya. Hindi na rin niyang makuhang tingnan si Borj. She was afraid to see regret, disappointment, and sadness in his eyes. Pero hinagud-hagod nito ang kanyang likod. Kapagkuwan ay tumayo ito at nagtungo sa kusina. Pagbalik nito ay iniabot nito sa kanya ang isang basong tubig. Hindi ito nagsalita. Wala itong sinabi na anuman. He just sat beside her, hugged her close, and stroke her back. Bahagya naman siyang kumalma.

"Aaminin kong ---" Bago pa niya maituloy ang sasabihin ay inilapat nito ang dalawang daliri sa ibabaw ng mga labi niya.

"Sshh... Save it. Let's not talk about it right now."

Tinitigan niya ito, as if it was the last time she would ever get to see his handsome face. "I'm sorry. Masyado akong naging iyakin... But I want to be honest with you, Borj. Ayokong dumating ang araw na sisihin mo ako dahil hindi ko ipinagtapat sa 'yo ang totoo. Hindi mo kailangang magdesisyon ngayon. Bibigyan kita ng panahon na mag-isip. Think about the wedding, our relationship, our future. Kapag nakapag-decide ka na, saka mo uli ako puntahan. Alam mo naman kung saan mo ako matatagpuan."

She was not shaking anymore, so was her voice. Hindi niya alam kung saan niya nahugot ang lakas ng loob para masabi niya ang mga iyon. Niyakap niya si Borj. And for the last time, she kissed him passionately. With one last look, she said. "I love you." Parang nabigla ito sa mga pangyayari kaya hindi ito nakahuma. Hindi siya pinigilan nito nang tumayo na siya at lumabas ng condo nito. Habang naglalakad siya sa hallway, pakiramdam niya ay lumulutang siya. Iyon na yata ang pinakamahabang paglalakad na ginawa niya sa tanang buhay niya gayong malapit lamang ang elevator sa unit ni Borj.

Ayaw niyang isipin na iyon na ang huling pagkakataong makikita niya ang condo nito. Pero habang palayo siya nang palayo sa unit nito ay unti-unting binabalot ng lungkot ang buong pagkatao niya. Iisa lamang ang tanong sa puso niya: Will he ever come back to me? Hindi niya alam kung ano ang sagot sa tanong na iyon. Ang tanging alam niya ay tama ang ginawa niya. Tama lang na malaman ni Borj ang totoo.



------- End of Chapter 11 -------

Please hit the 🌟 if you really enjoy the story. Thanks. 😊

My Missing Puzzle PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon