Chapter 5

454 36 0
                                    

MULA nang araw na sinagot ni Roni si Borj ay ipinaramdam nito sa kanya kung gaano siya kamahal at kaimportante rito. He showered her with gifts. Tuwing umaga ay may natatanggap siyang mga bulaklak mula rito. Mahilig itong mag-compose ng tula kaya madalas ay binibigyan din siya nito ng mga iyon. No matter how busy he was, he would always find ways to surprise her in his own little way. Kaya habang tumatagal ay lalong nahuhulog ang loob niya rito.

Araw-araw siyang sinusundo nito sa eskuwelahan. Namamasyal sila at kumakain sa labas. Paminsan-minsan ay nakakasama nila si Camille. Days passed by so fast. Kaarawan na niya. Nataon pa na ikatlong buwang anibersaryo nila ni Borj. Napagkasunduan nilang mag-dinner sa labas kasama sina Jelai at Junjun. Madaling natanggap ni Jelai si Borj bilang bagong nobyo niya. Ang pinakamahalaga raw sa lahat ay napapasaya siya ni Borj. Sana raw ay si Borj na ang lalaking inilaan para sa kanya at makatuluyan niya.

Nang tumunog ang doorbell ay bumaba na siya ng bahay at binuksan niya ang pinto.

"Hi!" bati sa kanya ni Borj. Natulala ito pagkakita sa kanya.

"So, what can you say?" tanong niya. She wore a dark blue floral dress. Umikot-ikot pa siya sa harap nito.

"You're breathtakingly beautiful. Perfect..." punung-puno ng paghanga ang mga mata niya. Niyakap siya nito at hinalikan.

"Oy, tama na muna 'yang lambingan," awat sa kanila ni Jelai. "Late na tayo. Kanina pa naghihintay si Junjun sa meeting place natin."

Nagtinginan sila ni Borj at sabay na tumawa. Umalis na sila at nagtungo sa yate na nirentahan ni Borj especially for her birthday. It was a sweet and intimate evening for the four of them. Halatang nag-research si Borj dahil pulos paboritong kanta niya ang tinutugtog ng violinist. Pagkatapos nilang mag-dinner at ilang sandaling pagku-cruise sa Manila Bay ay dinala sila ni Borj sa isang acoustic concert. Nasa kalagitnaan pa lamang ang concert ay nagpaalam na sina Jelai at Junjun. Kilala niya ang kanyang kapatid. Hindi totoong inaantok ito gaya ng idinahilan nito. Sinadya nitong umalis para bigyan sila ni Borj ng private time.

"I hope you had a great time," sabi sa kanya ni Borj. Nakahinto na ang kotseng sinasakyan nila sa tapat ng bahay nila.

"I did. Thank you so much. This is the best birthday I've ever had."

"I have something to give you." Kinuha nito mula sa backseat ang isang red velvet box at ibinigay nito iyon sa kanya.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong niya. Hindi niya maiwasang kiligin. Kung tratuhin siya nito ay para siyang isang prinsesa.

"Open it."

Tumalima siya. Nanginginig ang mga kamay niya habang binubuksan niya ang kahon. Tumambad sa kanya ang isang magandang white gold necklace na may three-star pendant. "Borj, sobra-sobra na ito. I don't think I can --"

Magpoprotesta pa sana siya nang kunin nito sa kanya ang kuwintas at isuot nito iyon sa kanya. "It looks good on you. Happy Birthday, Roni. I love you." Hinawakan nito ang kamay niya at masuyong hinalikan. "You're beautiful I can't take my eyes off you."

Pakiramdam niya ay hihimatayin siya sa sobrang kilig. Siya na yata ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo. It had been too long since a man made her feel that way. Halos makalimutan na nga niya ang ganoong pakiramdam dahil hindi na niya inaasahang magmamahal pa uli siya. But Borj taught her how to be happy again. He made her feel things she thought she could never feel again. He made her feel alive again. She felt it was her turn to surprise him.

Kumapit siya sa mga balikat nito at walang sabi-sabing hinalikan ito sa mga labi. She kissed him sweetly and passionately until he was breathless. Lumayo siya at tiningnan ito sa mga mata. "I love you, Borj. Thank you for making me live again."

And they kissed again.


MAAGANG sinundo ni Borj si Camille sa bahay nina Bea. He looked forward to this day. Excited na kasi siyang makasama uli ang kanyang anak. Maging si Roni din ay nami-miss na rin si Camille. Isinakay na muna niya ito sa kotse bago niya binalikan ang mga gamit nito. Palabas na uli siya ng gate nang tawagin siya ni Bea.

"Borj, sandali lang. I think we need to talk."

Nilingon niya ito. Nagtaka siya dahil seryoso ang boses nito. "Tungkol saan?"

"About Camille."

"What about her? May problema ba?" Lalong naging kapansin-pansin ang pagiging balisa nito. Nahihirapan siyang basahin ang ekspresyon nito.

She took a deep breath and looked at him intently. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin sa 'yo. But I know you will find out about it eventually kaya mas mabuting sa akin mo na marinig.

Hindi siya nagsalita. Hinintay niyang magpatuloy ito.

"Last week ay na-promote sa trabaho si Tonsy. Ipapadala na siya sa Amerika ng company nila. And I'm going with him. Nag-usap kami at napagpasiyahan naming doon na magpakasal at manirahan. I-isasama na rin namin si Camille."

Umiling-iling siya. Nagulat siya sa sinabi nito. "What? Biglaan naman yata ito, Bea?" aniya sa mataas na boses. "Paano kami magkikita ng anak ko?"

"Daddy!"

Tiningnan niya si Camille. Marahil ay narinig nito ang pagtaas ng boses niya. Hinawakan niya si Bea sa braso at pumasok uli sila sa loob ng bahay. Ayaw na niyang masaksihan ng kanilang anak ang pagtatalo nila.

"Borj, will you please calm down?"

"Calm down? Paano ako magka-calm down kung ilalayo mo sa akin ang anak ko?"

Huminga ito ng malalim. "I'm so sorry, Borj. I know this is hard. Pero ano ang gagawin ko? Mas hindi ko maatim na iwan ko siya rito. Ako ang nanay niya. Kung nasaan ako, dapat ay nandoon din siya. Besides, mas mabibigyan ko siya roon ng magandang kinabukasan. I just want the best for her. So, please, try to understand."

"Paano naman ako? Anak ko rin siya kaya may karapatan din ako sa kanya. Noong sa 'yo napunta ang full custody ni Camille, tinanggap ko 'yon Bea. Pero ito... Iniisip mo ba na tatanggapin ko na lang 'to nang basta-basta? Hindi ganoon kadali 'yon, Bea. You're being selfish!"

"Borj, please. Try to understand. Alam kong biglaan ito. Kaya ko nga sinabi agad sa 'yo so that we can discuss your options and work something out. Puwede pa rin naman siyang magbakasyon sa 'yo. Puwede mo rin siyang bisitahin sa Amerika. Maniwala ka, Borj. Hindi ko gustong ilayo sa 'yo ang anak mo. Kaya lang ay wala akong choice." Hindi na siguro nito napigil ang emosyon kaya napaiyak ito.

"Mommy, Daddy, are you fighting? Bakit ka umiiyak, Mommy?"

Napatingin siya sa pinto. Nakatayo roon si Camille at matamang nakatingin sa kanila.

Agad na nilapitan ito ni Bea at niyakap. "No, baby. Nag-uusap lang kami ni Daddy."

Ilang sandaling nag-isip siya bago siya nakagawa ng desisyon. Kahit magwala siya sa galit ay wala ring magandang maidudulot iyon. Ayaw rin niyang makita ni Camille na nagtatalo sila ng Mommy nito kaya nagpasya siyang sa ibang araw na lang ituloy ang pakikipag-usap kay Bea, kapag mas kaya na niyang tanggapin ang mga sinabi nito.

Nilapitan niya si Camille at hinaplos niya ang buhok nito. "Sige na, baby. Hintayin mo na lang si Daddy sa kotse. Susunod na ako ro'n. Magpapaalam lang ako kay Mommy."

"Okay." Humalik ito kay Bea at saka dali-dali nang bumalik sa kotse.

Hinarap uli niya si Bea. "I'm sorry, Bea. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko. You know how much I love Camille. But I'm the one who is always left with no choice. Hindi ako basta-basta makakapayag sa gusto mo. Aalis na muna kami. Saka na lang tayo mag-usap. I've had enough today."

Wala na itong nagawa nang talikuran na niya ito.

------- End of Chapter 5 -------

Please hit the 🌟 if you really enjoy the story. Thanks 😊

My Missing Puzzle PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon