SINAMAHAN ni Borj sina Roni at Jelai sa bridal shop para sa fitting ng gown ng mga ito. Hindi na pinasama ni Jelai si Junjun dahil ayaw daw nitong makita ng fiance ang wedding gown nito. Jelai wanted to surprise Junjun on their special day.
Kung gaano ka excited ang mga ito ay ganoon din ang excitement na nakikita niya kay Roni para sa kasal nina Jelai at Junjun. Ilang buwan na lang at darating na ang pinakahihintay na araw ng dalawa. Lalong naging busy ang mga ito sa pag-aasikaso ng iba't ibang detalye ng kasal. Bukod sa pagiging maid of honor ay naging abala rin si Roni sa pagtulong sa mga ito.
Tapos nang mag-fitting si Jelai at maganda ang lapat ng gown sa katawan nito. Eksaktung-eksakto iyon dito. Finishing touches na lang ang kulang sa gown nito. Samantalang ang gown ni Roni ay medyo maluwag kaya kinuha uli ng couturier ang measurement nito para mai-adjust ang sukat ng gown. Habang tiningnan nito ang sarili sa harap ng salamin ay pinapanood niya ito. Manghang-mangha siya sa kagandahan nito.
"Hoy!" pukaw sa kanya ni Jelai. Tinabihan siya nito sa couch. "Alam mo kung ano ang ibig sabihin ng mga titig na ganyan. Obviously, ini-imagine mo na bride si Roni at ikaw ang groom niya. Umamin ka," tukso nito, sabay hampas sa braso niya.
"Halata ba?" nakangiting tanong niya.
"Kailan n'yo ba balak na magpakasal ni Roni? O may balak ka bang pakasalan siya?"
"Actually, I've been thinking about that these past few days. Sa tingin mo ba, papayag ang kakambal mo kapag niyaya ko na siya magpakasal?"
"Hmm... Malay natin. Baka nga hinihintay lang niya na mag-propose ka."
Ilang sandaling nag-isip siya. Paano ba niya uumpisahan ang pagtatanong dito? "Jelai... 'yong last boyfriend ni Roni... B-bakit sila naghiwalay? I'm just curious."
Medyo natigilan ito pero agad ding sinagot nito ang tanong niya. "Ah... si Basti? Actually, mahabang istorya, Borj. Ang mabuti pa siguro'y si Roni na lang ang tanungin mo."
"Okay." May pakiramdam siya na sinadya nitong iwasang sagutin ang tanong niya. Bakit kaya? Mahirap bang sagutin ang tanong niya? Anyway, it was a nonsense question. Ano pa ba ang pakialam niya sa past relationship ni Roni? Hindi niya kailangang ungkatin pa ang nakaraan nito. Ang mahalaga sa kanya ay siya na ang nagmamay-ari ng puso nito.
PALABAS na ng eskuwelahan si Roni nang mapansin niya ang humintong black limousine sa tapat ng gate. Noong una ay hindi niya pinansin iyon. Pero nakuha ang atensiyon niya ng bumabang lalaki mula roon na nakasuot ng uniform ng isang chauffeur. Nilapitan siya nito at iniabot sa kanya ang isang maliit na envelope.
"I'm sorry pero baka nagkakamali kayo," sabi niya. Hindi niya kinuha ang envelope. Akmang lalakad na uli siya nang tawagin siya ng lalaki.
"Miss Ronalisa Rivera?"
Napahinto siya at humarap uli rito. "Sino ka? Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.
"Wag po kayong mag-alala, hindi ako masamang tao. Pinapunta lang ho ako rito ni Mr. Borj Jimenez para sunduin kayo. Ipinabibigay nga ho niya sa inyo itong bulaklak."
Pagkarinig niya sa pangalan ni Borj ay saka lamang niya kinuha ang envelope. Binuksan niya iyon at nakita ang isang papel. Binasa niya ang nakasulat doon na nakilala niyang handwritting ni Borj.
My queen,
Na-surprise ka ba? Well, brace yourself. I haven't even began yet. I'll see you in a while, babe.
-Borj
Nalaglag ang mga panga niya sa nabasa. Oh, my God... Ano na naman kaya ito?
Binuksan na ng chauffeur ang pinto ng limousine at inanyayahan na siyang sumakay nito roon. Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman niya nang sumakay siya sa loob ng magarang sasakyan. Sa totoo lang ay first time niyang sumakay sa limousine. Borj definitely knew how to surprise her. Masarap ang pagkakaupo niya habang bumibiyahe. Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa.
BINABASA MO ANG
My Missing Puzzle Piece
RomansaRoni thought she had found the man of her dreams. Iyon ay sa katauhan ni Basti. Pero nawasak ang pangarap niya nang tuluyang iwan siya nito. Then, under a very unexpected circumstances, she met Borj Jimenez. Sa una palang nilang pagkikita ay hindi n...
