Chapter 9

421 42 2
                                    

RONI AND BORJ were inseparable. Wala nang mahihiling pa si Roni. Mula nang maghiwalay sila ni Basti ay noon lamang uli niya naramdaman ang walang katulad na kaligayahan. At iyon ay dahil kay Borj.

Ipinakilala siya nito sa pamilya nito. Nang sabihin nila sa mga ito ang balak nilang pagpapakasal ay hindi tumutol ang mga ito. Asahan daw nila ang suporta ng mga ito.

Jelai was more than happy for her, too. Nagbiro pa nga ito na hindi na ito nagulat sa sinabi niya dahil nararamdaman nito na doon din sila patungo ni Borj. Everything seemed to go well for both of them. Kumpleto na sana ang kaligayahan nila kung kasama nila si Camille. In a few days ay aalis na ito papunta sa Amerika. Nang huling makasama nila ito ay sinabi na nila rito ang tungkol sa plano nilang pagpapakasal. As expected, natuwa ito. Botong-boto raw ito sa kanya para sa daddy nito. Mas magiging memorable sana ang kanilang kasal kung naroon si Camille. Kaya lamang ay kailangan nang umalis nito.

Isinama siya ni Borj sa paghahatid kay Camille sa airport. Pagkakataon na rin niya iyon para makapagpaalam kay Bea. Nais niyang batiin ito dahil sa magandang pagpapalaki nito kay Camille.

Borj kissed Camille good-bye. "Mami-miss ka ni Daddy. Tatawagan kita palagi, ha?" Niyakap nito nang mahigpit ang anak. Parang ayaw nitong matapos ang sandaling iyon.

"Mami-miss din kita, Daddy. Promise, I will come back to see you again." Pagkasabi niyon ay niyakap at hinalikan din siya nito. "Mami-miss din kita, Tita Roni. Please take care of my daddy."

Gumanti siya ng yakap at halik. "Ako rin, mami-miss kita." Sa sandaling panahong nakasama niya ito ay napamahal na ito sa kanya. "Promise, tatawagan ka namin lagi ng daddy mo. Take good care of yourself."

Lumapit sa kanila si Bea. "I know this is hard for you, Borj but thank you for your understanding. I promise palagi ko siyang patatawagan sa 'yo. I'll give you my Skype account para makapag-chat din kayo regularly."

Tiningnan ito ni Borj. "Well, what can I say? I guess you won," pabirong sabi nito. He was trying not to sound emotional. "I know you'll take good care of our daughter. As long as I know that Camille is okay and happy, okay na rin ako."

"Thank you. You don't know how much this means to me, Borj. Congratulations nga rin pala sa inyo ni Roni. I'm really happy for the both of you." Bea turned to her. "Thank you, Roni. Best wishes on your upcoming wedding. I wish you both all the happiness and happy marriage."

Ngumiti at tumango siya bilang sagot. Naramdaman niya ang sincerity nito. Weird pero magaan ang loob niya rito. Hanga siya sa pagiging open-minded nito. Open din naman kasi sila ni Borj sa isa't isa. They weren't afraid to talk about things. Lalo na kapag tungkol kay Camille. She totally understood the kind of relationship Borj and Bea had. Posible pala talaga na maging magkaibigan ang dating mag-asawa. She admired them both dahil na maintain ng mga ito ang isang magandang relasyon sa kabila ng hiwalayan ng mga ito. She hugged Bea and said "thank you." After a few minutes ay umalis na sila ni Borj ng airport.


RAMDAM na ramdam ni Roni ang pangungulila ni Borj sa anak nito. He terribly missed his baby girl. Pero gaya ng ipinangako ni Bea, madalas naman itong tumatawag at ipinapakausap kay Borj si Camille. Ilang beses na ring nag-usap sa Skype ang mag-ama. Pero siyempre, iba pa rin kapag nahahawakan at nayayakap nito nang personal si Camille.

As Borj's girlfriend, she made sure she was always there for him. Every time he felt sad, she would go to his condominium unit and spend the night with him. Habang tumatagal ay lalong gumaganda ang takbo ng kanilang relasyon. She just couldn't imagine life without him.

"Babe?" He snuggled closer to her.

"Hmm? Bakit?" tanong niya. Hindi niya inaalis ang tingin sa pinapanood nilang action movie na Salt kung saan si Angelina Jolie ang bida.

My Missing Puzzle PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon