Chapter 4 - The Truth

29 4 0
                                    

CELESTINE

Pagtayo ko mula sa pag-tatali ng sintas ko ay napalingon ako sa labas ng gate dahil sa dumaan na kotse, nakita ko ang medyo may katandaan nang lalaki na nakasakay sa driver seat nito. Saglit ko lang natitigan ang mukha nito at hindi rin ito nakatingin sa kinaroroonan ko dahil sa pagmamaneho.

Sa ilang segundong pagkakatitig ko sa mukha ng lalaking nagmamaneho ay namalayan ko na lang na tumutulo ang mga luha sa mata ko.

Binuksan ko ang gate at hinabol ang kotseng sinasakyan ng lalaki. I felt a sharp pain sear through my heart as I saw the car drove away from where I'm standing. Hindi ko maintindihan ang pangungulilang nararamdaman ko ngayon, parang nangyari na ito dati. Then suddenly, I heard myself screaming...

"Daddy," ilang beses kong binanggit ang katagang ito na matagal ko na ring hindi nagamit, "why are you leaving me again?"

Takbo ako ng takbo para mahabol ang kotse pero hindi ko na ito naabutan. Napaupo na lang ako sa pavement sa sobrang pagod at sakit na nararamdaman ng puso ko. Sobrang na-miss ko talaga siya. I really missed Dad! Patuloy ang pagtulo ng luha ko at halos hindi na ko makahinga ng maayos.

Inaantay kong lumabas ng bahay si Steve para tulungan akong tumayo pero sampung minuto na ata akong umiiyak dito sa labas ay wala pa ring Steve na lumilitaw.

"CELESTINE!"

Narinig kong may tumawag sa pangalan ko, ngunit pagharap ko ay isang malakas na sampal sa noo ang sumalubong sakin.

"Ouch!" Bwisit talaga ang lalaking 'yon!

"Beshie-ah! Good morninggg!!!" nagulat ako nang makita si Melody na nakaupo sa kama ko.

Nananaginip lang pala ako, akala ko totoo ang lahat... Kaya pala hindi ako nagawang tulungan ni Steve.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Melody habang kinukusot ang mga mata ko.

"Siyempre ginigising ka para sabay tayong pumasok. Ang aga ko kasing nagising, hindi na ako nakatulog kaya sumabay na lang ako pag-alis ni Mommy at nagpahatid dito sa inyo."

"Wew! Totoo ba? O may iba ka pang pakay?"

"Pakay? Syempre wala na, sino pa bang pakay ko dito sa bahay niyo?"

Knowing Melody, may taglay din itong kaharutan. Based on my recollection may crush siya sa kapatid kong si Sirius. First time niya pa lang makita si Sirius ay na-love at first sight na daw siya dito. Bagay na hindi nakakapagtaka kay Melody dahil lahat naman yata ng lalaking gwapo na makita niya sa campus ay nagiging crush niya. Feeling ko kahit poste basta naglalakad ay magugustuhan nitong kaibigan ko!

Pero, sorry na lang siya. Pagdating sa usapang "pag-ibig" walang pakialam si Sirius kaya karamihan sa mga girls sa school ay umuuwing luhaan.

"Paano ka nakapasok dito?" tanong ko kay Melody habang inaayos ang higaan ko.

"Ah, si Tita Miranda. Nakasalubong ko siyang papalabas ng bahay nung papaalis siya."

Oo nga pala, ganitong oras umaalis si Mama para hindi maabutan ng traffic sa commonwealth at EDSA.

"Beshie-ah, bakit parang umiiyak ka kanina nung ginigising kita? Dahil ba 'yon sa panaginip mo or broken hearted ka?" Napatigil ako sa pag-aayos ng kumot at napatingin kay Melody. Bigla na lang nagbago ang timpla ng mukha niya at tinakpan ang bibig niya na animo'y gulat na gulat. "Oh my gee! Huwag mong sabihing break na kayo ng boyfriend mo?"

Other EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon