Chapter 7 - Ravishing Beauty

16 3 0
                                    

CELESTINE

Patuloy pa ring tumatakbo sa isip ko ang sinabi nila Steve at Vincent. Nalilito na tuloy ako. Nabuhayan talaga ako ng loob no'ng araw na nalaman ko kay Mama na buhay pa si Dad at sakto namang na-realize kong pamilyar sa akin ang matandang lalaki na nakita ko sa Earth 2.0. Akala ko talaga ay si Dad na 'yon. Nag-iisip akong kunin ulit ang diary ni Mama at basahin, baka kasi may mga bagay siya na hindi pa rin sinasabi sa amin.

Habang tahimik at busy ang buong klase dahil sa short test na pinapagawa ng teacher namin sa Math ay naramdaman kong biglang umikot ang paningin ko. I feel like I might pass out. Hindi ko makontrol ang ulo ko na sumubsob sa desk ko at nabitawan ko ang hawak kong ballpen dahilan para makalikha ito ng ingay at mapunta sa 'kin ang atensyon ng buong klase. Everyone's sight is on me while I'm crawling in difficulty because of light-headedness.

"Oh my gosh! Si Celestine nahimatay!". Kahit nahihilo ay narinig ko ang malakas na sigaw ng class president namin.

"Omo! Beshie-ah! Are you okay? Kahit mag-panggap kang mahihimatay hindi ika-cancel ni Ma'am ang short test para sa 'yo!" nag-aalalang lumapit sa akin ang abnormal kong kaibigan na si Melody. Kahit nakita niya na ang kalagayan ko ay nagawa pa niyang magbiro. "My gosh! Hindi lang ikaw ang nahihirapan sa Math beshie, lahat tayo! Kaya gumising ka na please." Nagpatulong siya sa isa kong kaklase para maitayo ako. Pagkatapos ay nakita ko siyang yumuko at pinulot ang ballpen ko habang hinihingal.

"What's happening here?" Tanong ng teacher namin sa Math habang hinahawi ang mga nagkukumpulan kong kaklase sa harapan ko. "Oh my God! Ms. David are you okay?"

"Kaya mo bang maglakad Hija? Or do you want someone to carry you to the clinic?" Sunod-sunod na tanong nito habang pahina ng pahina ang pandinig ko.

Agad naman akong sumagot ng "Hindi" kahit hindi ako sigurado, ayoko na kasing mag-alala sa 'kin ang buong klase at lalong ayoko ng atensyon na nararanasan ko ngayon. Sinamahan ako ni Melody papunta sa clinic pero nang inasikaso na ako ng Nurse ay iniwan niya rin akong nakahiga sa kama. Kailangan kasi niyang bumalik para tapusin ang short test namin.

Narinig ko sa usapan ni Melody at ng Nurse kanina na napakataas daw ng lagnat ko kaya mas mabuting dito muna ako sa clinic para makapagpahinga. Nang makainom na ako ng gamot ay hindi na ako binalikan ng Nurse. Pumikit na lamang ako pero hindi ako natulog dahil hindi naman talaga ko inaantok kahit na nahihilo ako.

After ten minutes ng pagkakapikit ko ay nabored ako kaya inilabas ang cellphone ko na nasa loob ng body bag ko. Honestly I felt gloomy and depressed today, why?: first, dahil sa balita kahapon.

Second: dahil sa nararamdaman kong panghihina and third, dahil wala akong kaibigan na kasama ngayon

Sobrang nakakalungkot ang makulong sa apat na puting sulok na wala kang ibang marinig kundi ang nakakabinging katahimikan. Pakiramdam ko sa halip na bumaba ang lagnat ko ay lalo itong tataas.

Gusto ko sanang i-text si Mama kaso hindi ko na lang ginawa dahil medyo paranoid siya pagdating sa aming magkakapatid. Kapag nalaman niyang nasa clinic ako at nahimatay ay baka bigla siyang bumiyahe pauwi. Ayokong maabala pa siya. May klase din ngayon si Venus at siguradong tulog pa ng ganitong oras si Sirius. Hindi ko naman matawagan si Riel dahil baka maging tampulan kami ng tsismis paglabas ng clinic mamaya, simula kasi nung naging varsity player siya ay naging famous siya especially among girls.

Naisip ko tuloy kung sakaling taga dito talaga sina Steve at Vincent baka may kaibigan akong matatawagan ngayon para puntahan ako dito sa Clinic. Kahit si Steve man lang dahil mukha namang wala siyang girlfriend na pinagkakaabalahan, hindi katulad ni Vincent na bigla na lang umaalis dahil may date o madalas may lakad kasama ang Mommy niya. But that's impossible, we're in a different world.

Other EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon