Chapter 3 - Steve Lopez

30 4 0
                                    

CELESTINE

"Teka, paano mo ko nakilala? E Ngayon ko pa nga lang babanggitin ang pangalan ko!"

"Long story." walang kabuhay-buhay na sagot nito.

Nakatitig lang siya sa 'kin at walang imik. Looks like he is examining every detail of my face. Parang may gusto din siyang sabihin pero hindi niya maituloy ang pagbuka ng bibig niya.

Nagdududa na talaga ako sa isang ito. Bakit bigla siyang napahinto ngayon, e kanina lang sunod-sunod ang mga tanong niya sa 'kin. Hmmmm... hindi kaya nag-iisip pa siya ng sasabihing mga kasinungalingan?

Napapitlag ako sa kinauupuan ko nang maalala ang dalawang lalaking humahabol sa akin kahapon.

Hindi kaya kasamahan siya ng mga 'yon? Kung oo, siguradong nasa peligro ang buhay ko ngayon. Kailangan kong makaisip ng paraan para makatakas sa kanya hangga't hindi pa dumarating ang mga kasamahan niya.

Dahan-dahan akong tumayo ng hindi tumitingin kay Steve, diretso lang sa sahig ang paningin ko. Lalabas na sana ako ng classroom nang biglang may narinig akong mga yabag papalapit sa amin.

Agad akong hinigit sa bewang ng lalaking kasama ko ngayon papalapit sa kanya dahilan para mapatalikod ako sa pintuan at magkadikit ng sobra ang mga katawan namin. Nasa likod ko ang kaliwang kamay niya habang nakahawak naman ang kanan sa mukha ko. Parang pilit niyang itinatago ang itsura ko sa mga taong paparating. Mukha tuloy kaming magkayakap at naghahalikan kung makikita mo ang posisyon namin galing sa likuran ko.

"Si Steve nandito! Lumabas na tayo!" narinig kong sabi ng isang lalaki pagkapasok pa lang sa classroom kung nasaan kami ngayon.

"Pasensiya na Steve, ikaw pala ang nandito. Don't worry aalis na kami at hindi ka na gagambalain." sabi pa ng isa.

"Pare, akala ko ibang klaseng lalaki tong si Steve, katulad din pala natin." Ito ang mga salitang huling narinig ko habang papalayo ang apat na lalaking pumasok ng classroom kanina. Sumunod pa ang malakas nilang tawanan.

Bumalik sa normal ang lahat. Bigla kong naitulak si Steve palayo dahilan para ma-out of balance siya at mapaupo sa sahig. Nagulat kasi ako sa lapit ng mukha naming dalawa.

"Aray!" pagrereklamo niya habang pinipilit na tumayo. "Bakit mo naman ako itinulak?"

"Because you're taking advantage of the situation." halos lumabas na ang ugat ko sa leeg sa galit.

"Kelangan kong gawin 'yon para maprotektahan ka."

Natawa ako sa sinabi niya. "Talaga lang huh? Subukan mo lang gumawa ulit ng gano'ng eksena hindi lang 'yan ang matitikman mo."

"Sa tinagal-tagal ng panahon hindi ko akalaing para ka palang amasona." medyo natatawa niyang sabi. "I'm just kidding." pahabol niya.

"Ewan ko sa 'yo!" Anong pinagsasabi nitong sa tinagal-tagal ng panahon? Kung makapagsalita siya akala mo matagal niya na kong kilala. It's so impossible that we've already met before, because we're on the different world.

Nakakairita ang lalaking 'to. Hindi ako makapaniwalang totoo palang nabubuhay sa mundo ang mga simpleng manyak. Hindi porket gwapo siya magpapamanyak na lang ako sa kanya. Akala ko dati sa mga drama lang sa T.V. sila nag-e-exist. Wala pang lalaking naglakas loob na lumapit sa akin ng ganoon. Siya pa lang.

"Saan ka pupunta?" narinig kong tanong ni Steve na nasa likuran ko.

"May hinahanap ako at mukha namang wala kang maitutulong!" pagtataray ko sa kanya.

"Paano kapag sinabi ko sa 'yong alam ko kung nasaan ang hinahanap mo?" nakangising wika niya.

"Huh? Alam mo kung nasaan ang seatwork namin?" bulalas ko.

Other EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon