Chapter 14 - My Friend's Betrayal

7 0 0
                                    

CELESTINE

"I'm sorry Candace if I'm hurting you." Nakapikit ako habang umiiyak din. Hindi ko siya masisi kung bakit ganito siya kadesperada. Maybe, she really loved Steve that much.

But how about me? Hindi ko alam kung anong nakita ko kay Steve, pero alam kong hindi lang simpleng pagkagusto ito. Hindi ko rin masasabing love because it's too early to say that. But what I knew in my mind is that he's worth the fight.

Matagal ding nangibabaw sa paligid ang iyak ni Candace. Medyo kinakabahan pa ako dahil sa mga sasabihin niya kapag nagsimula na siyang magsalita ulit. Baka maglabas siya ng sama ng loob at saktan niya ko ng pisikal.

I heard Candace sniffed, still wrapping her hands around me before saying this. "It's okay. I'm okay Mira. Don't worry with me. I should really accept the reality that I am Steve's past and you are his present... And maybe his future too." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Para sa akin ay wala ako sa lugar na i-comfort siya dahil ako ang dahilan ng paghihirap niya. Nahihiya ako sa kanya, pero kailangan niyang harapin ang masakit na katotohanan na 'to.

Kung alam ko lang na mahal niya pa si Steve ay hindi ko sana hinayaan ang loob ko na mahulog sa lalaking 'yon. Pero anong magagawa ko, nangyari na at mukhang di na ko makakatakas pa. Siguro kung hindi ako naligaw sa mundong 'to ay walang Candace Rio na umiiyak ngayon dito sa Earth dahil walang Steve na magkakagusto sa isang Celestine na galing sa ibang Daigdig.

Biglang tumigil sa pag-iyak si Candace at binuwag ang sarili sa pagkakayakap sa 'kin. Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa likuran ko. Narinig ko rin ang pagbagsak ng maliit na bagay galing sa likod ko. Ilang hakbang paatras din ang ginawa niya na animo'y nakakita ng multo sa likuran ko.

"How long did you get there?" Candace eyes larges with disbelief.

"I was here for about ten minutes, I guess?" I turned around to see who's talking from behind and it's Tiffany picking up a pen.

"Where's that thing came from?" I asked Tiffany as she handed the pen over me.

"That's n---" Tiffany cut Candace shortly.

"I saw you drop this thing while hugging Mira earlier." Tiffany said while giving Candace a sharp look.

"Oh, you're having a wrong idea Tiffany, if that is what you're thinking of." Candace speaks softly as the puppy look in her eyes becomes visible.

Umiling-iling si Tiffany bago sumagot. She then faced us and made a confusing grin to Candace. "Are you trying to stab Mira?" A long and loud silence spread the surroundings. Walang gustong umimik sa 'min at nanatiling tikom ang aming mga bibig ng ilang segundo. Kahit ako ay nagulat ng sobra sa sinabi ni niya. Napatingin ako ng bahagya kay Candace na kasalukuyang nakatuon ang mga mata sa sahig. I noticed the slight clenching of her fist.

"What did you say?" Candace answered in a gloomy voice.

"Are you trying to kill Mira?" Tiffany state the question so clear this time. She walks slowly toward Candace while crossing her arms. I used my arms to blocked Tiffany.

"Tiff-" napatigil ako dahil sa pagsasalita ni Candace.

"Why would I do that to Mira?" Candace cried again. Nakita kong isa-isang pumapatak ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi. "Why would I do such thing to a friend?" Napatigilan si Tiffany at tiningnan ng matalim si Candace. Pareho kaming nagtaka ni Candace nang marinig ang malakas na pagtawa nito.

"Oh my Candace, I didn't know that you're that sensitive!" My jaw dropped because of her statement. Sobra ang kaba ko kanina dahil sa tensyon na namagitan sa kanilang dalawa. Nakahinga ako ng maluwag sa wakas, bagay na napansin ni Tiffany. "You look too worried Mira? Why?" Tanong ni Tiffany habang nakangisi.

Other EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon