Chapter 8 - Luminary System

17 2 0
                                    

CELESTINE

Sa totoo lang parang wala sa sarili akong tumango sa tanong niya kahit hindi naman talaga kami nagdi-date ni Vincent. I saw Vincent and Steve both made a wondering look because of my response.

Matapos ang ilang segundo mula nang ako ay tumango ay nakabalik ako sa ulirat at napag-desisyunang linawin ang sinabi ko.

"Ahm, actually we're not---" Vincent cut me short by nudging my arm.

"Yes. It's okay with us, right Mira?" tumingin sa 'kin si Vincent na nakataas ang dalawang kilay. Parang pinipilit akong sumagot ng "oo" sa sinabi niya.

"Y-yes. It's fine with me." sagot ko ng wala sa sarili.

"So, let's go?" yaya ni Candace.

Pumasok kaming apat sa canteen at umupo sa isang table. Magkatabi si Candace at Steve habang kami naman ni Vincent ang nasa harap nila.

"Ako na ang o-order. It's on me." Vincent said.

"Oh! Thanks Vincent!" Candace uttered flashing her charming smile.

"Sasama ko." sagot ko.

"No. Dito ka na lang Mira para makapag-usap tayo ng matagal." nakangiting sabi ni Candace. "Is it ok with you Vincent?" Tumango lang si Vincent bilang sagot.

"So, ano na ang mga order niyo?"

Magsasalita na sana ako pero nauna na sa 'kin si Steve. "Mine is chocolate drink and chocolate cupcake, and for Mira also." medyo nagulat ako sa sagot niya, paano niya nalaman ang mga favorite kong kainin? Stalker yata 'tong lalaking 'to e.

Nakita ko ang reaction ni Candace sa sinabi ni Steve, pumungay ang mga mata nito na parang malungkot. She pressed her lips together and looked at Vincent. "Ahm, gan'on na din ang akin."

Nakaramdam ako ng awkward atmosphere no'ng naiwan kaming tatlo. Si Candace lang ang patuloy na nagsasalita at kumakausap sa 'kin. Then, after our shallow conversation I was surprise by the topic she brought up.

"Anyway, one of my classmates told me that they've seen you hugging a girl. Is it true, Steve?"

I swallowed hard because of her question, di ko alam kung paano ito ipapaliwanag ni Steve. He gave me a very quick glance and return his eyes to Candace again.

"No, it isn't." pag-tanggi nito. Hindi ko alam, pero parang pinukpok ng bato ang puso ko nung narinig 'yon, akala ko ay aaminin niyang ako 'yon. Sa tingin ko ay mas mabuti na rin na hindi niya sinabi, dahil bakas sa mga mata ni Candace na may pagtingin pa rin siya kay Steve.

"Ah okay!" Candace response with sparkling eyes. "I know we're not together anymore, but I'm still your friend, so I want to know who you'll be dating soon." Isang tango lang ang naging sagot ni Steve.

"Oh! I'm sorry Mira if that made you uncomfortable." lumingon sa 'kin si Candace. Parang nakalimutan yata nitong nasa harapan nila ako.

Dumating na rin sa wakas si Vincent. Habang kumakain ay kitang-kita ko ang pag-aasikaso ni Candace kay Steve at kung paano nila tingnan ang mata ng isa't-isa. And that scene made my heart felt like it was being hit by a bullet for a thousand times.

"Sorry Steve and Candace, but I think we need to go, I almost forgot that we need to go somewhere." Vincent said while the four of us are still eating.

Walang nagawa ang dalawa naming kasama kung hindi ang pumayag sa gusto ni Vincent kaya tuluyan na kaming lumabas ng canteen. Ako naman ay parang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa ginawa niya.

Other EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon