Chapter 12 - Heartrending Confession

6 0 0
                                    

CELESTINE

"Steve." kumawala na ang luha sa mga mata ko. Kulang na lang ay magmakaawa ako sa kanya na huwag akong iwan.

My head becomes dizzy with delight after Steve drew me closer to him and started encircling me with his arms. Natulala ako sa ginawa niya. Parang sasabog ang puso ko sa bilis ng pagtibok nito. Ilang sandali rin ang lumipas bago ko ginantihan ang yakap niya. I leaned my head towards his chest to hear the rhythm of his heart. Kasing bilis din no'n ang akin.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakangiti para damhin pa ang yakap niya.

Nalungkot ako nang hindi ko na maramdaman ang init ng katawan niya, pagdilat ko ay wala na siya. Maaring hinigop na siya ng portal pabalik sa Earth 2.0. Ito ba ang sinasabi niyang hindi pwedeng maging kami kahit gusto namin ang isa't-isa? There is a space and time that hinder us to express our true feelings.

Napaluhod ako at nasapo ang mukha ko dahil sa katotohanang sumampal sa 'kin. That realization was extremely clear. Malabong maging kami dahil sa magkaibang mundong ginagalawan namin. Existing in different world is a sign that we are not destiny. So, it's better to stop the blazing desire of my heart until I still have the time to quench.

Dalawang araw ang lumipas na hindi kami nagkikita ni Steve. Sa tuwing pumupunta ako sa bahay niya ay si Vincent lang ang naaabutan ko para gawin ang paghahanap namin kay Daddy. Sa tingin ko ay sinasadya niyang hindi kami magkita dahil kahit maghintay ako ng ilang oras ay hindi siya dumadating. Kaya hindi ko na pinilit pa, kapag tapos na kami ni Vincent sa mga taong tinatawagan namin ay umuuwi na ako kaagad.

Sa tingin ko ay may kabutihang idudulot din ang ginagawa ni Steve ngayon. Inilalayo niya lang ang sarili namin sa mga posibleng problema sa hinaharap.

I was poking my fork at the mushroom stranded on the corner of my plate when someone calls out my alias.

"Mira, let's go." Vincent said as I glanced up from my tortured mushroom. I made a peek to my watch and it was half before 6pm.

Hinawakan ni Vincent ang braso ko nang makitang hindi pa rin ako tumatayo at hinila palabas ng Science club. Nasa hagdanan na kami paakyat ng second floor nang biglang may estudyanteng humarang sa amin at sinabing pinapatawag ng adviser ang kasama ko kaya nagpaalam siya sa akin na mauna na sa Auditorium. Ipinagpatuloy ko ang pag-akyat sa second floor. Wala nang tao sa mga hallway ng bawat room, mukhang karamihan ay nasa Auditorium na.

Huminto ang hakbang ko nang makarinig ng boses na pamilyar sa akin. Mabuti na lang ay nakatalikod ang dalawa sa akin kaya hindi nila nakitang paakyat ako. Umatras ako at siniguradong hindi nila matatanaw ang ulo ko mula sa kinaroroonan nila. Pero sinigurado kong makikita ko ang ginagawa nilang dalawa.

"Hold on Steve. Do you mind?" Lumapit si Candace kay Steve at tumingkayad para ayusin ang kwelyo nito. The face of the latter remain poker. Matapos maayos ang kwelyo ay humakbang ng isang beses paatras si Steve para tumalikod pero hinawakan ni Candace ang kamay nito. Steve halted.

"I want you to hold my hand. Like you always do before. Please?" she said in bewitching voice. His facial expression didn't change a bit.

"Candy, your director might be looking to you now. Let's go, sumabay ka na sa 'kin." he said in a matter-of-fact tone. Nagpatuloy sa paglakad si Steve na ngayon ay hawak na ang kamay ni Candace.

"NO! Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo binabalik ang trato mo sa 'kin katulad no'ng mga bata pa tayo!" Her voice has a combination of desperation and sadness. Matiim na nakatitig ang mga mata kay Steve.

Binitawan niya ang kamay ni Steve at niyakap mula sa likuran habang nagbabatis ang mga mata. Habang para namang nilalamukos na papel ang puso ko dahil sa napapanuod kong eksena. At matapos na lamukusin ay hindi man lang nagawang itapon sa basurahan kundi ibinato lang kung saan-saan.

Other EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon