Chapter 6 - CCTV Footage

17 3 0
                                    

CELESTINE

Halos masubsob sa sahig ang mukha ko dahil sa pagkakatulak ni Steve. Bwisit talaga yung lalaking 'yon!

Mabuti na lang hindi pa breaktime kaya walang tao kundi ang mga tinderang abala na lang sa pagliligpit ng mga paninda nila at pagbibilang ng kinitang pera.

Sinong babae kaya ang tumawag sa pangalan ni Steve? Baka girlfriend niya? Hayss! Sayang naman kung gan'on. Bigla kong binutakan ko ang sarili dahil sa pinagsasabi ko. Tumayo na lang ako at naglakad palabas.

"Ano ka ba Celestine, wala ka namang paki kung may girlfriend talaga ang mokong! Maganda nga 'yon para hindi mo na siya madalas makikita dahil busy na siya sa girlfriend niya." bulong ko sa sarili ko na kasabay din ng pagtango ko. Para na talaga akong baliw, sarili ko kinakausap ko.

Umakyat ako ng fourth floor para kunin ang naiwan kong bag sa classroom namin. Naabutan kong nag-uusap sa loob si Melody at Venus.

"Ate you're here! Saan ka ba nanggaling?" pambungad ni Venus.

"Beshie-ah alam mo bang alalang-alala kaming lahat sa'yo? Nagkakagulo na nga yung mga teacher kanina e! Kung di ka pa nga daw makita within 24 hours ire-report ka na as a missing person." nag-aalalang paliwanag sa 'kin ni Melody.

Ito ang malaking problema ko ngayon, paano ko sa kanila ipapaliwanag ang nangyari?

"Ano kasi.. ahmmm.. galing ako sa auditorium!" ginalingan ko ang acting ko para makumbinsi ang dalawa.

"Huh? Ano namang ginagawa mo dun, at bakit ang tagal mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Venus.

"Nakatulog ako do'n, ang lamig kasi kaya napahaba ang tulog ko!"I can see from their face that they aren't conviced. But I can't think of other reason. So, I have no choice.

"Ang weird mo ngayon huh! Parang di ko natatandaang naging ganyan ka dati." nakakunot ang kilay ni Melody." Anyway, let's go."

Sa ganitong kwento nagtapos ang araw ko.

Habang nakaupo ako sa study table ng room ko at gumagawa ng mga projects na ipapasa the day after tomorrow ay biglang may lumitaw na anino sa tabi ko.

Because of my astonishment I sprung up and rushed to the door without saying anything. Basta ang alam ko lang ay gusto ko nang makalabas ng kwarto. Ngunit dahil sa sobrang takot ay nabigo akong mabuksan kaagad ang pinto.

All hairs on my body stood on their ends the moment the shadow people suddenly grabbed my arm.

"KYAAAHHHHHHH......." sigaw ko.

"Celestine," the phantom utter my name shushed by putting covering my mouth using his right hand.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makilala ko kung kaninong boses 'yon. Boses ni Steve. Kusa akong kumalma dahil sa boses niya.

I guess the people in the house don't hear me screaming for they are entirely sound sleeper. Mabuti na lang.

Agad na inalis ni Steve ang kamay niya sa pagkakatakip sa bibig ko nang makitang nawala na ang pagkapraning ko.

"Abnormal ka talagang lalaki ka! Bakit bigla ka na lang lumilitaw ng hindi man lang nagsasalita! Akala ko tuloy isa ka sa mga killer ko!" walang tigil ko siyang pinagsusuntok sa braso habang pinapagalitan siya.

"Seryoso ka kasi kanina, baka gan'on pa rin ang naging reaksyon mo kung bigla akong magsasalita sa tabi mo. Ba't ba hindi ka marunong kumalma?" pagkontra niya sa sinabi ko.

Ang galing talaga nitong isang 'to, siya na nga ang mali may rason pa rin talaga siya ah!

"E ano ba kasing ginagawa mo dito? Bakit nandito ka pa dis-oras ng gabi?" nakakunot ang mga kilay na tanong ko.

Other EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon