Chapter 5 - The Investigation

12 3 0
                                    

CELESTINE

Naalimputangatan ako dahil sa nangangamoy na sunog na niluluto. Tumingin ako sa alarm clock ko, it's 05:15am.

Napabalikwas ako ng higaan nang marealize na madalas ganitong oras umaalis si Mama kaya bakit nagluluto pa siya ngayon?

Inayos ko ang sarili ko at bumaba. Halos lumuwa ang dalawang mata ko sa gulat pagpasok ko ng kusina. Nakita kong busy sa pagluluto si Venus. Anong himala ang nangyari at nandito 'tong babaeng 'to?

"Venus, tuluyan ka na bang nagkatoyo sa utak?" pang-aasar ko.

"Ate, good morning! Nagluto ako ng itlog at garlic rice!" excited na ngumiti sa akin si Venus.

Inayos niya sa mesa ang mga plato at kubyertos. Proud na proud niya sa 'king inalok ang sunog na itlog at garlic rice.

"Oh,ito ba yung inihanda mo sa 'kin?" nangungutya ang boses ko.

"Grabe naman this Girl! Ang sakit mo talagang magsalita! Huwag mo na lang kainin 'yang egg, eto o, nagprito ako ng bago." inilagay niya sa plato ko ang sobrang malasadong itlog.

"Bakit ang aga mo yatang nagising?" tanong ko.

"E kasi naman hindi ako nakatulog kagabi dahil sa sinabi ni Mama." sagot ni Venus. "Ikaw ba ate nakatulog ka matapos niyang sabihing galing sa ibang mundo si Daddy. Di ba nakakatawa?" umiiling na sagot pa na dugtong ni Venus.

Marahil para kay Venus na walang ideya tungkol sa ibang mundo ay imposible at nakakatawa ang bagay na iyon. Pero para sa akin na naranasang makapunta at makausap ang mga tao sa ibang mundo, ay mas lalong naging malaking palaisipan ang pagkatao ni Daddy. Posible nga kayang galing siya doon?

"Walang nakakatawa sa sinabi ni Mama." walang emosyong sagot ko.

"Baka naman iba lang ang pagkakaintindi natin sa sinabi niya? Or baka iba ang sinabi sa kanya ni Daddy pero 'yon ang pagkakarinig niya? Sa'n kaya sa dalawa?" she asked while her brows knitted.

Hindi ko pinansin ang pinagsasabi ni Venus. Malakas ang kutob ko na totoo ang sinabi ni Mama, that Daddy came from another world. Kutob ko rin na baka galing siya sa mundo kung saan nakapunta na ako ng dalawang beses.

Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ang mga nangyayari ngayon: una, nakita ko ang lalaking nakasakay sa kotse, pangalawa ay nalaman ko ang katotohanan tungkol kay Daddy.

Iniisip ko rin na kaya ba sa dami ng pwedeng puntahan kong dimensyon ay doon ako napadpad, dahil baka naroon si Daddy. Kung ganoon, kailangan kong makabalik ulit sa mundo nila Steve para mahanap ang matandang lalaking iyon.

Venus suddenly snapped her finger over my face that made me back to reality.

"Kanina pa ko salita ng salita dito tapos hindi ka naman nakikinig!" inis na sambit ni Venus.

"Ano bang sinasabi mo?" sagot ko sabay subo ng kanin.

"Sabi ko kaya rin ako gumising ng maaga para talaga magluto. Simula ngayon ako na ang magluluto dito sa bahay."

Nabilaukan ako sa sinabi niya. Buti na lang ay mabilis na inabutan niya ako ng isang basong tubig.

"Kelan ka pa nagka-interes na matutong magluto?" naluluha ang mata na tanong ko dahil sa pagkakasamid.

"E kasi, sabi ng crush ko sa church ideal type niya daw ay babaeng marunong magluto." kinikilig na sabi ni Venus. Hinawakan niya pa ang sandok gamit ang dalawang kamay at parang nag-iimagine dahil nakatingin sa kawalan ang mga mata niya.

"Adik." umirap ang mata ko.

"At isa pa para naman hindi nakakahiya sa magiging mother-in-law ko. Di ba may kasabihan nga 'Ang babaeng di marunong magluto, dapat humanap ng lalaking di marunong kumain.' e wala namang ganoong lalaki," nakasimangot na sabi ni Venus, "kaya ako na ang mag-a-adjust." dugtong niya pa.

Other EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon