Chapter 11 - Enigma of Love

12 0 0
                                    

CELESTINE

Malabo. 'Yan ang paningin ko habang unti-unti kong idinidilat ang mga mata ko. Kumurap-kurap pa ako para maging malinaw ang lahat pero walang nagbago. Mukhang napahaba yata ang tulog ko kaya matagal bago nakapag-adjust ang mga mata ko.

I slowly sit up while holding the blanket tightly. I was shocked when I noticed the color of the bed sheet. Why it is black? Kailan pa ako nagkaroon ng bed sheet na color black? I'm afraid of the phantoms kaya ayoko ng kulay na 'to sa kwarto ko.

Hindi ko pa naranasang mag-droga sa buong buhay ko pero pakiramdam ko ay wala ako sa aking sarili na ngayon ay pagewang-gewang na nakatayo. Iginala ko ang mata ko sa kwarto para makita kung may kasama akong ibang tao.

Pakiramdam ko ay lumundag palabas ang puso ko nang bumukas ang pintuan at pumasok si Steve. I was thunderstruck to see his actual form in my room. He is not a phantom anymore. Paano nangyari ito? Nakakita na ba sila ng mas hi-tech na teleportation machine? Kelan pa? Ba't parang ang bilis naman yata.

"Steve, nakikita na kita."

"Huh? Are you okay? Nilalagnat ka pa rin ba?" Lumapit siya sa akin at naupo sa gilid ng kama. Hinipo niya ang noo ko. "Wala naman na. Are you hungry?" Nagtataka siyang tumingin sa akin.

"I said I'M A-BLE-TO-SEE-YOU." Dinahan-dahan at pinagpantig-pantig ko pa ang mga salita para maintindihan niya. Hinawakan ko ang mukha niya para makasigurado "Are you for real or this is a dream?" Kumurap-kurap ang mata ni Steve at kitang-kita ko na lumaki ang iris ng mata niya.

"What's happening to you Celestine?" tanong niya. His cheeks turned red and it didn't escape from my sight. I guess nailang siya sa ginawa ko. Inirapan ko rin siya bago tuluyang tumayo.

"Bakit parang nag-iba ang posisyon ng kama ko at design ng buong kwarto?" I asked looking at the door at saka humarap sa kanya. "Sandali nga, lumabas ka 'di ba?"

"Oo." nakakunot ang noo na sagot niya.

"Hindi ka ba nakita ni Venus?"

Umiling siya ng mabagal at nagsalita. "There's no Venus here... Uhm wait.." Matagal na nanatili ang mata niya sa akin at saka pumalakpak ng malakas ng tatlong beses. "Are you thinking this is your room?" At pagkatapos ay tumawa siya ng malakas habang hawak ang tiyan.

"D-do you mean this is not my room? Kung gano'n nasaan ako?"

Tumigil siya sa paghalakhak. "You're in my room." Nagpatuloy ulit ang malakas at parang walang bukas niyang tawa.

"Ano?! Bakit mo ko dinala dito?" Naiinis na ako sa kanya dahil hindi siya tumitigil sa pagtawa. Mas lalo pa akong nagliyab sa galit nang mapansin ko ang isang bagay. Nilapitan ko siya at sinampal.

PAK.

"Ouch!" Napatigil siya sa pagtawa at gulat na napatingin sa akin. Parang nakonsensya ako nang makita ko ang pamumula ng kanang pisngi niya. Pero hindi ako nagpatinag sa awa ko sa kanya at pinanatili ang galit sa mukha ko.

"What was that for?" walang kamuwang-muwang na tanong nito. Saglit siyang tumahimik at yumuko habang sapo ng isang palad niya ang kanyang pisngi. "I'm sorry, kung napikon ka sa ginawa ko."

"No. Hindi 'yon para do'n. That's for changing my clothes while I was asleep."

"Huh? H-hindi ako ang may gawa niyan." Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko kaya natameme ako.

"K-Kung gano'n, sino?"

"Si Candace." He sprang from his chair and stride to the door. Parang gusto kong malusaw ng parang yelo sa kinatatayuan ko. Hindi na ako nagsayang pa ng segundo at pinigilan ko siyang makalabas ng kwarto.

Other EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon