Chapter 1 - Shadow People

61 7 0
                                    

Napaupo ako sa aking kama habang hinahabol ang aking paghinga. Pawis na pawis ang buong katawan ko. Ramdam ko rin ang pagtulo ng mga butil ng pawis mula sa aking noo papunta sa aking leeg. Dinig ko din ang malakas na pagtibok ng puso ko at panginginig ng buong katawan ko. Hindi ko rin mapigilan ang paggalaw ng mga daliri ng aking kamay sa sobrang nararamdamang takot.

Hanggang sa panaginip kasi ay nakikita ko ang mga hugis taong anino na hindi ko alam kung ano ba ang pakay sa akin. Oo, hindi lang sa panaginip ko sila nakikita, dahil hindi lamang sila parte ng bangungot ko. Hindi ko makakalimutan ang unang beses na nakita ko sila, that was almost seven years ago. But before that, isang anino pa lang ang nakikita ko. I think I was 11 years old that time. Hanggang sa napansin ko na lang na dumami na sila at madalas akong ginagambala lalo na sa gabing madilim at tahimik.

Hindi ko alam kung sila ba ay parte lang ng imahinasyon ko, mga multo? O nababaliw na ako? Pero hindi! Alam kung totoo sila! Ayoko talagang isipin na meron akong "third eye" kaya nakakakita ako ng ganitong klaseng bagay. Matatakutin kasi talaga ako kaya kahit marami akong naririnig na mga hindi pangkaraniwang kwento ay mas pinipili kong hidi paniwalaan. Ano ba naman ang mapapala ko kung maniniwala ako hindi ba? Ang mapapala ko lang panigurado ay ang magkasakit sa puso.

Hindi ko namalayan na isang oras na pala ang nakalipas magmula nang magising ako kanina, 07:15am na pala.

Napansin ko na lang na may tumulong luha mula sa mga mata ko, naalala ko na naman kasi si Papa. Kahit magsasampung taon na mula nang mamatay siya ay wala ni isang araw na lumipas na hindi ko siya inalala. Kung nandito pa rin sana siya ngayon kasama namin ay hindi siguro ako magkakaganito.

Nakayuko at nakatulala ako sa kumot na nakabalot sa aking katawan ng biglang bumukas ang pinto. Hindi naman ako nagulat dahil alam kong ang bastos kong kapatid lamang iyon na hindi marunong kumatok ng pinto. Gawain niya na kasi ang guluhin ako sa halos araw-araw na magkasama kami.

"Ate, gising ka na pala? Good morning! Pwede ko bang mahiram yung rubber shoes na binigay sa'yo ni Mama kahapon?" Inilibot ni Venus ang mata niya sa kwarto ko. Nakasuot ito ng kulay pink mini skirt at white t-shirt. Alas-siyete pa lang ng umaga pero mukhang gagala na naman ito kasama ang mga barkada niya. Sabado ngayon, kaya imposibleng sa Northridge Integrated School ang punta nito.

Napangiti ako ng sarkastiko. "Venus, ni hindi ko pa nga naiisusuot 'yon tapos hihiramin mo agad?" sagot ko. "Tsaka hindi ka talaga marunong kumatok ng pinto, balak mo sigurong kunin na lang kung tulog pa ko 'no?" dugtong ko pa.

"Ate Tin, hindi naman sa gano'n. Pero kung tulog ka pa nga, talagang kukunin ko na lang para hindi na kita magising pa." nakangiting abot tengang sagot nito.

"Kunin mo na." Itinuro ko ang shoe rack na nasa tabi lang ng pintuan.

"Honestly ate, hindi naman ako papapasok basta-basta kung nag-la-lock ka sana ng pinto mo. Open door means you're giving people a permission to get inside your room." Sagot nito habang hinahanap ang pakay niya.

"Napakatalinong dahilan." bulong ko sa aking sarili. "Oo nga pala, 'di ba Satuday ngayon? Sa'n ang lakad mo?" magkasalubong ang kilay na tanong ko.

"Hulaan mo!" nakangiting sagot nito na parang nang-aasar.

"Venus, pwede bang sagutin mo ako ng maayos? Hindi ako nakikipagbiruan." nagtitimpi ang boses ko.

"Okay, okay. Sa church ang punta ko, meron kaming service ngayong araw. Pakisabi kay Mama ah, hindi na kasi ako nakapagpaalam kagabi tulog na kasi siya pag-uwi ko."

"Wow Venus! Kelan ka pa natutong pumunta sa Church at sumama sa service. Like, really?" natawa ako ng mahina at nanunuya. "I'm sorry Venus, patawarin sana ako ng D'yos pero hindi talaga bagay sa'yo."

Other EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon