Yes! Di ako late ngayon. Actually ang aga nga eh. Haha! Andito narin naman si Eya kaya okay narin. Peaceful ang room dahil wala pa si asungot! -.-
Palabas na sana kami para puntahan si Dayne ng biglang may kamay na humarang sa pinto.
"Where are you going loves?" Si Nico nanaman!!!
I pinched his arm. "Aalis ka sa daan ko o puputulin ko pa yang kamay mo?!"
"Aray aray! Oo na aalis na! Ang init ng ulo ang aga aga eh. Smile lang, papangit ka niyan :P Hahahahaha" aba't nangasar pa?! Tch.
Habang papunta kami kay Dayne, nakita namin si Yas kasama si Dayne..
"Dayne, Yas! Where are you going?" Tanong ko sakanila.
"Hi Yaaaaas!" Bati ni Eya kay yas with hug.
"2nd section daw si Yas. Emeghed. Ako lang nahiwalay :(" Sabay pout pa ni Dayne.
"Talino ka kasi masyado! Haha. Tara na nga. Hatid muna natin si Yas sa room para maibaba na niya bag niya.." sabi ko.
Kaso pagdating sa room, nanggugulo nanaman ang asungot with his friends. Bully as ever!
"Oh. My loves! Sino yang chix na kasama mo?" Babaero talaga sht!
"Don't block our way. You don't need to know." Mataray kong sagot sakanya.
Nagbell na at saktong dumating si Ma'am. Napansin ni Ma'am na may bago sa klase kaya tinawag niya ito at inintroduce ang sarili sa harap.
"Good Morning everyone :) Im Yassy Ellaine Cruz 'yas' for short. Im 15 years old. That's all, Thank you." Pagkatapos niya magsalita, biglang may nag-witwew! At nakita ko, si Lyndon pala. Crush niya si Yas? Well, he chose the wrong girl. Si Yas kasi, alam ko mga tipo niyan. Yung tipong, pogi na cute, sporty, macho, real man, at hindi PLAYBOY.
Naupo na si Yas sa tabi namin ni Eya.
"Girls, who's that guy who whistle when Im introducing myself?" Sabay turo kay Lyndon. At si Lyndon naman, may pakindat kindat pa kay Yas pero iniirapan lang ni Yas ito.
"Oh, he's Lyndon. Friend of the asungot -.-" Grr. Naalala ko nanaman yung asungot na yun! Huh? Teka, bat wala siya ngayon dito? Asaan kaya yun? Teka. Bakit ko nga ba hinahanap. As if I care.
Nagbell na at nagpunta na kaming magkakaibigan sa cafeteria para kumain. Oh, Im so hungry.
"Bae, what's yours?" Tanong ni Eya sakin. Aba! Automatic tong babaeng to ah.
"Gaya nalang ng dati." Sagot ko. Nawawalan ako ng gana ngayon. Bakit kaya?
Ng papunta na kami sa table namin, nakita ko si asungot ng... May kasamang BABAE?! Babaero talaga! May magkakagusto pa pala dyan. Mga may catarata na yata yung mga nagkakagusto sa mokong na to.
"Huy!" Sabay point sa noo ko. Uggh! Natutulala nanaman ako.
"Oh?!" Naiirita kong sagot.
"Sino bang tinitignan mo diyan? Kumain ka na! Lilibot nalang tayo sa buong school mamaya ng may magawa tayo." Sabi ni Yas sakin. Grabe ha kagagaling niya lang sa sakit pero lakad na ng lakad. Haha
"Wala wala." Kinain ko na yung inorder ko pero di ko naubos. Wala talaga akong gana ngayon. Anong nangyari sakin :(
Naglakad lakad na kami at nagkwentuhan ng konti. Nagulat nalang ako ng may biglang nanggulat sa mga likod namin.
"LOVES!" Gulat sakin ni Nico. Tss. Siya nanaman. Jusko! Ilayo niyo sakin to at baka maibaon ko ng buhay sa lupa ito!
"Bakit ba?!" Naiirita na talaga ako sakanya.
"Pwede ba tayong maging friends? Wag ka ng magsungit sakin." Nagpapa-cute pa siya. Well, di siya cute. Pangit parin!
"No!" Sabay irap ko sakanya.
"Please?" With pout pa. Yuck! Ampangit niya swear -.-
"I said no! Back off. Don't block our way. Dun ka sa babae mo." Bigla na kaming lumiko para di nila sundan. Tss kasi naman eh! Ako nanaman sinusundan.
"BAE! Who's that?" Nakangiting tanong sakin ni Yas. Kinikilig yata to -.-
"Why? Your crush?" If he is her crush, well, she chose the super duper wrong guy!
"Hmm. Not really. He's handsome!" Lumalantod nanaman to. Mapapatay ko to eh.
"Uggh! Use your glasses. Labo ng mata mo!" Sigaw ko saknya at hinatak na si Eya para mauna kaming maglakad.
"Uy! Eya! Kanina ka pa walang imik ah?" Sabi ko kay Eya.
"Ah, huh? Wala wala." With her fabulous FAKE SMILE. May galit kaya sakin to? Tsh.
Bumalik na kami sa room para hindi malate sa next class. Pero nung pagpasok na pagpasok namin nakita namin yung board na may nakasulat na..
"Kim... Will you be my friend? Please?" At nakita ko naman si Nico papunta sakin na nanggaling sa likod. May hawak pang isang rose? Ano to? Nililigawan ako?
"Kim, I want you to be my friend. So, will you be my friend?" Seryosong tanong sakin.
Di ko alam isasagot ko. Naguguluhan ako. Tumingin naman ako sa direksyon nila Yas para humingi ng tulong kung oo ba o hindi kaso nakita ko si Eya na umirap samin no Nico. Nagseselos kaya siya? Nako. Wag naman sana.
"Oh, daig pa nililigawan. Nico chose the ugly girl pa huh?" -Girl 1
"Ako nalang sana. Im much better than her." -girl2
"Magiging ambisyosa na yan." -Girl 3
Hay.. Rumors everywhere. Pero as a revenge..
"Okay." Um-oo ako kay Nico. Tss, we're now friends. Pero naisip ko rin naman na friends lang. Wala namang malisya dun diba?
"God. Thank you!" Yayakap na sana siya pero pinigilan ko. Bakit? Kami ba? Duh.
Bumalik na ako sa upuan ko para narin ilagay yung rose sa likod ng bag ko. Kaso si Eya, di niya ko pinapansin. Papansinin niya lang ako, kung may itatanong ako saknya. Hah, ayaw naman kasi magshare sakin eh.
-———————————–—
A/N: Boring po ba? Sorrryyyy. Babawi ako :)
BINABASA MO ANG
My first and soon to be my last
RomanceWhat will might happen if a MANHATER and a PLAYBOY collide?