Groupmate

22 1 0
                                    

Music na namin.. Hay, medyo favorite ko naman kasi music lover ako haha.

"Okay guys. Go to your proper seats. We'll be having our groupings for your first activity project." Hay. Ang bilis naman. Activity project agad.

"Okay. 1-4 only alraight?" Sabi ni Ma'am sa amin.

Nagsimula ng magbilangan.. Group 3 ako

Eya-2

Yas-1

Sad. Di kami groupmates :(

"Okay.. The group 1 are Ms. Yas, Ms. Natalia, Mr. Jay, Ms. Jane, Mr. Liam, Mr. Brandon, and Ms. Rizza" Woah! Magkagroup si Yas at Brandon. Haha. What will gonna happen kaya?

"Group 2 will be Ms. Andrea, Ms. Nina, Ms. Jenna, Mr. Darius, Mr. Yuan and Mr. Rey" Andrea and Darius? OMG. War!

"Group 3 will be Ms. Kim, Ms. Joyce, Mr. Nico, Mr. Andrei, Ms. Leyn and Mr. Kean" Niceeeee! But WHAT?! Nico?! Shucks! Ang swerte ko naman -.- Gusto ko lumipat ng group.

"Group 4 are Mr. Walter, Mr. Troy, Mr. Olhiver, Ms. Faye and Ms. Aleyna" Nice group 4. Ang titino ah.

"Okay.. You need to create a band. Diskarte niyo yan kung may bass, guitar, drum o ano pang instrument. Basta you need to be great kasi mataas tong makukuha niyo rito. Okay. So go to your perspective groups and start to think your own ideas." Grabe. Kasama ko pa si asungot!

"Hi!" Sabay wink pa sakin. Tusukin ko mata niyan eh -.-

"Okay.. Hmm, sino sa drums?" Tanong ko sa kanila.. nagtaas naman ng kamay si Andrei. No doubt, mukang magaling nga naman magguitar. Nilista ko na sa 1/4 ang mga gagawin nila..

"Sa bass guitar?" Nagtaas naman si Kean.

"Sino ang magiisip ng kanta at ng gagawin?" Nagtaas ng kamay sila Joyce at Leyn. Hmm, mga matalino to at music lover. Mapagkakatiwalaan to.

"Nico, you'll play the guitar. Siguro naman marunong ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Magaling ako diyan. Mabibilib ka sakin ;)" Grrrr. Isang isa nalang mabubulag na yan!

"Kapal!" Sabi ko sakanya with irap pa.

"And you'll be the vocalist." Turo sakin ni Nico "Siguro naman maganda boses mo? Pag nagsasalita palang panalo na tayo." With matching ngiti pa sakin. Tss.

"Okay then, Joyce, Leyn. Isip na kayo ng kakantahin at gagawin okay? Hmm, piliin mo yung rock para astig tayo" Ngiti ko sa kanila. Sana mataas makuha namin.

"By the way guys.. Magaganap yan after Exam okay? Matagal pa yun so you have plenty of days to practice your piece okay?" Nako. Tagal pa pala. Pero its great kung ngayon palang magpapractice na.

"Nico, may guitar ka ba?" Tanong ko sakanya without any emotion.

"Oo naman babe. Acoustic, electric, o ako?" Gitara ka ba ha? Kalandi mo.

"Dalin mo muna yung acoustic. Try natin kung anong mas maganda." Sabi ko.

"Ikaw. Wala ng mas gaganda pa sayo ;)" Tutusukin ko na talaga mata nito. Nakakaasar!

"Pwede ba wag mo kong kinikindatan!" Sabay irap sakanya. "Andrei, may Drums ka?"

"Oo. Drumer kaya ako noh. Hehe" ambait nga talaga ni Andrei :)

"Kean, may bass guitar ka?"

"Wala. Pero meron yung pinsan ko. Hihiramin ko nalang." Nakangiting sagot niya. Atleast may magagamit. Duh!

"Okay. So okay na tayo? Wala ng problema?" Tanong ko sakanila.

"Sagutin mo muna ako para magkaroon ng 'Tayo' ;)" Kinurot ko siya ng malakas sa kamay niya. At napasigaw siya. Anong magagawa ko? Nakakabwisit eh!

"Epal ka!" Sabay irap sakanya "So yun. Basta ingatan niyo instruments niyo ha. Dapat may madala kayo sa pagpeperform natin."

"Class reminder lang. Buong DHU manunuod okay? So you must practice hard. Don't worry lahat naman ng 3rd year maggaganyan." Sabi ni Ma'am sa amin.

Whaaat! Buong DHU. Hala! Vocalist pa man din ako. Nahihiya ako. Pero duh. Aja!

"Kaya natin to guys. Trust lang okay? Walang hiya hiya. We need to be great. Mataas na grades to." Sabi ko sakanila .

"Basta ba ikaw ang kasama, mahihiya pa ba ako?" Bumanat nanaman tong Nico na to. Banatan ko to eh. Tss.

My first and soon to be my lastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon