The Transferee

14 1 0
                                    

Nalate ako ng pasok ngayon. Ewan ko ba, napuyat ako kagabi dahil kung ano-anong naiisip ko. Haay.

"Sino kaya yung bagong transferee?" -Girl 1

"Bessy, ang pogi kaya!" -Girl 2

"Duh! Akin lang yun noh!" -Girl 3
"Asa ka naman no. Di kayo bagay!" -Girl 1&2

Transferee? Sino kaya yun?

"Bae!" Asdfghjkl! Kung may sakit lang ako sa puso malamang sinugod na ko sa ospital ngayon. Grabe makagulat tong Eya na to -.-

"Kalma! Nakakagulat ka naman." Sabay irap ko sakanya.

"Wow! Antaray teh. By the way, kilala mo ba yung transferee? Gwapo daw ah?" Hay. May crush nanaman to.

"So? Ano ngayon? Tss. Nasa room na ba sila Yas?" Pagiiba ko sa usapan namin.

"Oo *staight face* tara na nga!" Nabwisit yata dahil iniba ko ang usapan. HAHA. Habang papasok kami ng room sinalubong naman kami ni Yas.

"Bae! Kilala mo ba yung bagong transferee?" Hanggang sa pagsalubong ba naman sakin TRANSFEREE pa rin? Hindi ba pwedeng Good Morning, Hi, Kamusta ka na. Sa dinami-daming pwedeng itanong yun pa. Ano bang koneksyon ko sa transferee at lagi saking tinatanong?

"Change the question. So annoying -.-" pumunta nalang ako sa upuan ko at umupo. Ng biglang may mga babaeng nagkukumpulan sa labas. Siguro yun na yung transferee. So what naman. Bigla nalang nagbell. Hay salamat. Pumasok na ang lahat sa klase. At dumating na rin ang teacher namin na may kasamang isang lalaki. Huh? Sino to? Eto kaya yung transferee? At talagang dito pa sa room namin papasok? Wow!

"Good Morning class. This is your new classmate. Introduce yourself in front." Sabay upo ni Ma'am.

"Hi guys. Im just new here at DHU. By the way, Im Nathan Noel Chua. You can call me Nathan or Nate if you want. I'll be kind" sabay ngiti. Grabe. Ang gwapo nga!

"Okay Nathan. Where do you wanna seat?" Tumingin naman ako sa paligid kung saan may bakanteng upuan. Isa sa tabi ko, isa sa tabi nung nerd.

"There Ma'am" Sabay turo sa tabi ko. Wait. Sa TABI KO?! Heaveeeen!

"Okay then go to your seat now." Nagsulat naman ang teacher namin sa board.

"Hi. Im Nathan and what's your name by the way?" Nagulat nalang ako jung kinausap na ko ni Nathan. Hmm, madaldal din pala to buti nalang gwapo. Hihi.

"Hello *smile* Im Princess Kim Soo but you can call me Kim." Kinikilig akoooo.

"Can I call you 'Princess'?" OMG.

"Ahm, Only special person in my life call me Princess but you can" sabay ngiti ko sakanya. Gwabe! Ang cute niya ngumiti.

"Oh. Nice to meet you Princess" Sabay ngiti niya uli. Wait, mag straight face ka muna. Mamamatay ako sa kilig! Boring ang klase pero buti nalang tumabi sakin tong Nathan na to. Masarap siyang kausap. Inaasar ko siya pero di siya naaasar, tawa lang siya ng tawa. Napapatingin naman samin lahat dahil ang ingay namin kaya napagalitan kami ni Ma'am. Tss. E masaya eh sarreh! Nagbell na at nagmeryenda na kami.

"Bae. Ikaw ha. Ayieee!" Sabay sabi ni EYA sakin. Haha.

"Kayanga. Haba talaga ng hair bae! Rapunzel. Daig pa kamo!" Patawa talaga tong madaldal na to. Wahaha! Si Yas may sabi niyan. Haha.

"Kayo talaga! Kumain nalang tay--" biglang naputol ng may sumingit sa pagsasalita ko.

"Can I go with you? Wala kasi akong kasabay. Tutal naman at friends na tayo eh." Tanong ni Nathan sakin.

"Oh, you can. Sabay-sabay na tayo" sabay pa-cute ni Eya. Grabe tong babaeng to ha. Haha.

"Yes. Sabay ka na samin. Tara?" Sabi naman ni Yas. Wew. Grabe tong mga to. Ng makaupo naman kami, unang dumaldal tong si Eya at si Yas. Ang kulit nila.

"Nathan, may lahi ka ba?" Tanong ni Eya.

"Hmm, yeah. Im half Japanese half Filipino. My father is Japanese" sabay ngiti niya. Ang bait niya talaga. Nakaka-turn on.

"E saan ka galing na school?" Tanong ni Yas.

"Im from Frankeinstein University." Sagot niya.

"Bakit ang fluent mo magtagalog?" Tanong ni Eya. Nako jusko! Mukhang di sila mauubusan ng tanong. Sunod sunod mga bibig nila.

"Cause my mom train me how. Gusto niya daw kasi na pag dito na ako tumira ay makakaintindi na ako ng language niyo para naman daw di ako mahuhuli sa klase at para hindi ako mabully." Ang haba ng sagot niya ha. Sabi sa inyo eh, di siya boring kasama.

"Oh. Only child ka?" Tanong ni Yas.

"No. I have one older sister and one Younger brother. Tatlo kami." Sabi niya.

"Ah. Anong pang--" pinutol ko na ang sasabihin ni Eya bago pa humaba. Nakakahiya kaya ang daldal nila.

"O tama na Eya. Nakakahiya na noh. Wag niyo na tanungin yung personal na buhay." Sabi ko sakanya.

"Oh no no no. Its okay" Sabay ngiti niya sakin.

"Hoy!" Biglang sigaw ng isang lalaki

"*lingon sa lalaking sumigaw* Oh? Makahoy ka naman. Bakit ka nandito?" Pagtataray ko kay NICO!

"Hoy ikaw Nathan. Dumadamoves ka diyan kay Kim!" Sigaw ni Nico kay Nathan. Hay, magiiskandalo pa yata tong lalaking to dito.

"Nico tumigil ka nga!" Sigaw ko kay Nico.

"Baka mamaya ligawan ka na niyan. Yan yung mga galawang cheap eh." Sabay alis ni Nico. Bastos talaga yung lalaking yun. Ang siga.

"Boyfriend mo?" Tanong naman ni Nathan.

"No. Yuck! Kahit sa imagination, ayoko parin. Ang siga siga tapos magiging boyfriend ko? No way!" Sabay irap ko sa sobrang inis.

"Ah. Lalayo nalang siguro ako para di na siya magalit sakin." Sabi ni Nathan sabay tayo at umalis na. Bwisit talaga yung Nico na yun! Imbis na may bagong kaibigan eh -.-

————————--——————-——————-————

A/N: Nagseselos kaya si Nico? Emeghed. War kaya ito? Abangan.

My first and soon to be my lastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon