First day of the week. Haaaay, flag ceremony nanaman. Kailangan kong agahan ngayon.. Binilisan kong maligo, magbihis at kumain. Sabay naman kami ni kuya na pumasok.
"Hi Bae's!!!" Bati ko sa tatlo. Naunahan pa nila ko. Ang aga naman nila pumasok ano yun 5:30 palang andito na sila? Psh.
"Hello :) Tara na sa room? Dayne, sama ka muna samin sa room?" Aya ni Yas kay Dayne.
"Sure."
Habang papasok kami sa room, may nakita akong letter sa chair ko. Kakaiba yung letter, actually may kasamang isang mahabang box na maliit.. Binuksan ko yung box at nakita ko ang kwintas. Ang cuuuuteeee! Microphone yung pendant.
"Like it?" May lalaking nagsalita sa likod ko. Tumalikod ako para makita ko siya..
"Nico?"
"Yeah. Thank you gift ko yan sayo" sabay ngiti niya sakin. Grabe, ang gaan na ng loob ko talaga sakanya.
"Para saan?" Tanong ko sakanya.. Lumapit naman siya sakin at may ibinulong..
"Sa date natin nung saturday" sabay wink.
"Wala yun. Thank you dito ha. Ang cute nung pendant" ngiti ko sakanya.
Pumunta na kami sa field para mag flag cem. Ang init. Hay!
————————-—-—————————-———
Uwian naaaaa. Ordinary day lang ang nangyari. Nakatulog nga lang ako sa isang subject. Hihi. Pano ba naman, ang boring nung teacher -.-
Nagaayos na ako ng gamit ng magpaalam sakin si Yas at Eya dahil may pupunta daw silang Book store. Naiwan naman ako sa room at papalabas na sana kaso may biglang humarang sa pinto.
"Shoo!" Pagtataboy ko kay Nico. Inabot niya sakin yung phone niya
"Number mo, please? Friends naman na tayo eh" Nagisip pa ko kunyari. Haha!
0936******* "Oh, ayan. Satisfied? Now, get out of my way" pagtataray ko sakanya.
"Hmm, hatid na kita sa gate?" Aba. Gentleman alert nanaman to.
"Hmm, okay." Naglakad na kami papuntang gate ng bigla naming makasalubong si Kuya.
"K-kuya?" Nauutal nanaman akesh.
"Let's go home. Mom's waiting for us." Di yata galit si Kuya ngayon? Bakit kaya? Sumakay na ko sa sasakyan kasama si Kuya. Hmm, nagtataka parin ako kay Kuya. Biglang bumait kay Nico.
Nang makarating kami ng bahay, umakyat agad ako sa taas para makapagpalit ng damit, makapagrest at makagawa ng assignments. Ilalabas ko na sana book ko ng biglang nagvibrate phone ko..
Calling...
+63915******Sino kaya to? Sinagot ko yung call.
"Hello? Sino po ito?" Magalang na tanong ko.
"Loves" Huh?
"Huh? Sino po ito? Sorry po but I don't talk to strangers" actually im talking to na nga eh. Hahaha.
"Si Nico to" NICO?! Ay nga pala, binigay ko nga pala number ko :D
"Oh? Bakit? Anong kailangan mo?" Pagtataray ko sakanya.
"Kakamustahin lang eh. Bat ba ang sungit mo sakin?" Tanong niya.
"Simple lang. Bully ka kasi, feeling, at PLAYBOY!" In-emphasize ko talaga yung 'Playboy' hahaha.
"Huh? Iisa nga lang ang mahal ko eh" Nagpapaka-stick to one naman to -.-
"So? Dami mo kasing kasamang babae kaya napaghahalataan ka. Teka nga, kung wala kang magandang sasabihin patayin mo nalang. Gumagawa pa ako ng assignments eh!" Sigaw ko sakanya.
"Chill lang babe. Oo na. Bye see you tomorrow. Mwah!" Kiss? Tss. Babaero ka! Para kang bluetooth na visible to all devices!
Call ended
Kadaldal talaga nung PLAYBOY na yun. Pero hindi boring kausap :) Hay, ano nanaman ba tong iniisip ko. Pero realtalk, nafa-fall na yata ako sa maling tao.
BINABASA MO ANG
My first and soon to be my last
RomanceWhat will might happen if a MANHATER and a PLAYBOY collide?