*kriiiing* *kriiiiing* (alarm yan. Hahaha)
Hmmmm.. "GOOD MORNING WORLD!!!" Ang ganda ng gising ko hihi. Maaga akong nagising, maaga din akong makakapasok, YES! Achievement :D Gumayak na ako at bumaba para kumain. Nakita ko naman si Mommy na kausap si Kuya habang kumakain sila..
"Basta wag mo nalang ipahalata asdfghklj.." Di ko na narinig sinabi ni mommy kay kuya kasi mahina yung boses ni Mommy.
"Oh, Princess. Kain na at sabay na kayo ni Prince pumasok." Sabi ni mommy sakin at kumain narin ako para makasabay kay Kuya.
Teka, napakilala ko na ba si Kuya? BTW, His name is Prince Sue Young Rodriguez. 17 years old and TAKEN. Hahahaha! May girlfriend siya, si Ate Joanne Christine Padilla. Mabait si kuya, Gentleman, over-protective, hindi bully, maalaga yan, hot, famous, super super duper duper gwapo, kinakikiligan ng mga girls at ng mga pa-girls at syempre MACHO! O ha. Kaya ang swerte swerte ni Ate JC sakanya eh. Si ate JC naman, maganda, mabait din naman, maalaga, sexy, famous, at MODEL. Haha. Kaya minsan nagkakasundo kami dahil sa selfie. Bagay na bagay sila ni Kuya as in!
**Back to Reality
Nasa gate na ako papasok na sana ako sa gate ng biglang may umakbay sakin.
"Hey baby loves!" Sabay kindat pa. Tss feeling talaga neto.
"Put your hands off me or else I'll break your arm!" Pakipot pa ko. Hay, ayaw ko ring umaakbay siya noh! Makita pa ako ni Kuya edi sinumbong ako nun.
"Sorry. Tara na sa room andun na mga tropa natin hehe" Tawa pa eh -.- So yun nga, sabay na kaming pumunta sa room.
"What's the meaning of this? Bakit sila magkasama? At sabay pang pumasok?" -girl 1
"Baka sila na? Pero duh! Di sila bagay noh. Ang pangit ni Kim para kay Nico my loves" -girl 2 hay. Insecurity.
"Oy grabe ka naman. Maganda naman si Kim noh! Bagay kaya sila hihi!" -girl 3 abaaaa. Maganda daw akes! Hihi.
Pag playboy nga naman talaga, at kapag FAMOUS, gusto lahat ng fangirls niya ay sila lang ang mahal. Tss, di naman sila magugustuhan ni Nico.
"Ehem! May bagong love team yata dito sa campus oh. Yieeeee!!" Sigaw ni Andrei dahil nga nakita nila kaming pumasok sa room.
"Ambisyosa" -Girl 1 hanggang dito ba naman may mga nagbubulungan? Ang lakas lakas naman.
"She don't deserve this!" -girl 2
"Hep! Kim, kayo na ba? Aminin" Pangungulit sakin ni Yas. Haaay, ang kukulit nila. Masama namang magkasabay? Malay mo naman nagka-sabay lang sa corridor diba? Tsk tsk.
"Hindi noh! At NEVER EVER." With my beautiful poker face. Haha.
"Kayo wah. Kinikilig ako sainyo ih!" Sabi naman ni Eya. Ahay, nakamove on na tong bessy ko.
"Kayo talaga. Sana nga sagutin na ako nitong puppy loves ko eh ;)" kumindat pa talaga at umakbay pa! Tss. Siniko ko naman siya ng mahina para alisin yung kamay niyang nakaakbay sakin.
"Bakit nanliligaw ka ba?" Asdfghjkl! Ano tong pinagsasasabi ko?!
"Edi liligawan kita." F********ck! Ano ba to! Nakakahiya.
"Ayieeeeee!!!" Sigaw naman nila Yas, Eya at ng tropa ni Nico. Hala! Baka totohanin niya yun.
Nagbell na at nagsimula na ang klase. Di ako nakapag-focus sa klase dahil sa nangyari kanina. Ano ba yan! Pag ako lang bumagsak ngayong 1st quarter lagot ako kila mommy. Pahamak kasi yung Nico na yun. -.-
*kriiiiiiiiiiiiiiiiiing* (o bell yan. Wala akong maisip na sound effect. Haha)
"Bae, tara na sa cafeteria." Aya ni Yas samin ni Eya. Gutom na ko! Nagutom ako sa kaiisip sa sinabi ni Nico. Pero no, kailangan kong maging pakipot sakanya. Bawal ang EASY-TO-GET.
Habang umo-order naman kami, biglang dumating ang grupo nila Nico sa tabi ng pila namin..
"Kim, sabay nalang kayo samin?" Aya samin ni Andrei.
"O oo oo oo sige sige sige sige" Parang excited na atat namang sumagot si Yas. Ehem, mukhang may natitipuhan siya sa grupo nila Nico ah. Haha!
"Yes! Sunod nalang kayo sa table namin ha." Sabi naman ni Darius. Chickboy!
Papunta na kami sa table nila Nico, pero bat ganun? Bale, dulo si Jay, gitna si Andrei, at sa kabilang gilid ni Andrei ay si Lyndon. Sa tapat naman nila, sa dulo si Darius at katabi naman niya si Nico pero may agwat.
"Eya, dito ka nalang sa tabi ko." Sabi ni Lyndon. Bale kabilang dulo si Eya.
"Yas, you'll sit here" Utos naman ni Darius.
"Oh, Okay" sabay blush naman ni Yas. Yuck! Crush niya si Darius? Chickboy yun eh.
"And specially, KIM! Dun ka. Hahahahaha!" Sabay sabay pa silang nagsalita at tumawa sabay turo sa tabi ni Nico. Nako itong mga to ha! Sine-set up yata ako.
"'Kay Fine!" Sabay irap ko. Nung nakaupo na ko naiilang ako kasi syempre katabi ko si Nico. Tapos habang kumakain naman ako bigla akong nakaramdam ng kamay sa likod ng inu-upuan ko. Si Nico -.- Pero yung kamay niya naman nakapatong lang sa sandalan kaya parang nakaakbay narin siya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sakanya.
"Chuma-chansing sayo ;)" Kyaaaaah! Di naman sa kinikilig ako. Ano ba to! Grr. Di ko alam nararamdaman ko. Sht! Kikiligin ba ako o maaasar?
——————————
A/N: Okay ba guys? Sarreh ha. Gagalingan ko pa talaga. Haha
BINABASA MO ANG
My first and soon to be my last
RomanceWhat will might happen if a MANHATER and a PLAYBOY collide?