Love War II

9 0 0
                                    


Napabalikwas ako sa sigaw na narinig ko. Nataranta ako at biglang napaayos ng upo. Halaa, ano ba to. Dapat di nalang ako natulog. Sino ba yung tumawag?

"Hahahahahahahahaha *hawak sa tyan* Nakakatawa ka bae. Hahahahahahaha! Tulog kasi ng tulog e. Tapos na yung history. Pasalamat ka di ka napansin ni Ma'am dahil sa twing titingin siya sayo nagtatanong kami sakanya. *irap* at dahil diyan dapat may libre kami" sabi ni Yas at Eya. Itong mga to! Kala ko naman si Ma'am na yung tumawag sa akin. Buti wala ng ibang tao sa room.. Teka, asan nga pala si Nathan at yung tropang bully?

"Tara na. Kain na tayo. Gutom na ko nagutom ako sa history ang tagal ng oras!" Pagiinarte ni Eya. Takaw. Pareho sila ni Yas.

"Baaaeee's!" Sigaw ng parating na genius. Parang may goodnews o badnews tong babaitang to ah? Ayos.

"Baeeee!" Sabay hug ni Yas kay Dayne. Wew. 1 year di nagkita? Heavy!

"Hoy! Ako nga naman. Makayakap to! OA!" Dunggol ni Eya kay Yas. Ang OA nilang dalawa promise.

"Hoy Kim! Di ka ba yayakap sa Genius?" Sabay batok naman ni Dayne kay Eya. Ayaw niya sigurong tinatawag siyang genius. Hahahaha buti nga!

"Hi Bae. Long time, no see. Hahaha" sabay hug ko kay Dayne.

"Tara na kumain. Dun nalang tayo magusap usap sa cafeteria" aya ni Yas. Tama, nagugutom narin ako e.

Habang papunta naman kami sa Cafeteria, parang ang daming tao. May nagkukumpulang babae't lalaki sa dulo. Ano kayang meron?

"Anong nangyayari dun?" Tanong ni Yas.

"Tama na yan mga bro!" -boy 1

"Awat na hoy. Awatin niyo yang dalawa na yan!"- boy 2

Habang papalapit kami may naririnig kaming nagaaway. Anong nangyayari dito? Nagexcuse kami para makita yung nagaaway. Okay ang chismosa na.

"Akin lang siya!" Galit na sabi nung lalaking nakikipagbugbugan.

"Tingin mo ibibigay ko siya sayo? Umasa ka sa wala!" Jeez. Grabe. Sino to?

Pag kakita-kita ko sa nagsusuntukan, nakita ko agad si Nico.... Kaaway si "N-nathan?"

Huminto sila sa pagbubugbugan ng marinig yung sinabi ko.

"Princess. Bakit andito ka?" Sabay hila sa akin paalis ng cafeteria..

"Kim!" Sabay hila din sakin ni Nico. Aray ang sakit. Yung kamay ko!!!

"Aray ano ba?! Masakit! Bitawan niyo nga ako! Ano bang problema niyo?!" Inis kong sigaw sa kanilang dalawa.

"Kim, Sorry." Sabay alis ni Nico. Anyare dun? Bakit sorry?

"Princess, bye na muna." Sabay alis din ni Nathan. Ano bang meron?

Naiwan ako sa gitna ng cafeteria magisa. Nakakahiya. Parang center of attraction ako dito. Tumakbo naman papunta sakin yung 3 kong kaibigan..

"Bae okay ka lang?" Tanong nila sa akin.

"Oo. Okay lang ako. Sige dun nalang ako sa garden. Di na ko kakain, nawalan ako ng gana. Sige, kain na kayo gusto ko rin makapagisa ngayon." Sabi ko kay Eya, Yas at Dayne. Um-oo nalang sila at pinayagan ako. Pumunta na ako magisa sa garden. Haaay, Fresh air. Ang tahimik at nakakarelax. Iniisip ko nanaman yung nangyari kanina. Ang swerte nung babaeng pinagaagawan nila ha tingin ko maganda yun at mabait, kasi grabe. Magbubugbugan pa sila makuha lang yung babaeng yun. Sus.

Naupo ako sa bench at nagpatugtog nalang. Sana pwedeng maghapon dito. Ayoko naman garod magcutting ngayon -___-

"Cause Im not fine at all..

I remember the day you told me you were leavin'

I remember the make-up runnin' down your face

And the dreams you left behind, you didn't need them

Like every single wish we ever made.

I wish that I could wake up with amnesia,

And forget about this stupid little things..

Like the way you felt afall asleep next to you.

And the memories I've never can escape..

Cause Im not fine at all..."

Kasabay ng luhang tumulo sa mukha ko ay ang bell na nagsasabing pumasok nalang ako sa room. No choice, kesa magcutting. A problem is a problem. Sh*t! Math na pala! Sakit sa utak naman -____-

Naupo na ako sa upuan ko pero wala dun ang Tropang bully at si Eya at Yas. Si nathan lang yung nandun. Anong meron? Psh. Nagumpisa na yung klase pero wala pa rin sila. Asan ba yung mga yun?

"Good morning, Ma'am. Sorry we're late." Sabay sabay na sabi nila. Bat magkakasama silang lahat? Ako lang di kasama ganun? *pout* Ang daya.

"And because you're late, isolve niyo lahat itong nasa board." Boom! Ang dami nun at ang hirap. Ako nga tong nasa klase walang naintindihan sila pa kaya na nalate? Matindi si Ma'am Janey.

"E Ma'am di nga po namin alam yan" Pagrereklamo ni Lyndon kay Ma'am.

"Anong pipiliin niyo, detention slip o sasagutan yan?!" Sigaw ni Ma'am sa pito. Ang dami nila. E 10 yung sasagutan.

"Ma'am, asan yung chalk? Dali!" Sabi ni Lyndon kay Ma'am nangiti naman si Ma'am at natawa yung mga classmate ko. Hahahahaha. Pati ako natawa nalang din ang kulit niya ay.

"Eya! Pano to? Huhuhu. Mama!" Parang umiiyak pa ang inakto ni Yas. Hahaha. Buti mahina lang yun at walang masyadong nakarinig.

Nakita ko naman si Nico na nasagutan agad yung kanya. *nga nga* pano nangyari yun? Matalino pala siya badboy lang talaga. *o*

"Good nico, you kay now take your seat." Sabi ni Ma'am kay Nico. Nakita ko naman si Lyndon na hinila si Nico at sinabing "Pare, peram naman ng kodigo mo?" Sabay tawa niya. Ang kulit niya ay. Haha. Ang hilig niya magpatawa. Siya lang siguro ang joker ng section namin. Wahaha.

Teka, ang saya ko ngayon ha? Parang kanina lang ang senti ko. Nye, nevermind ulit.

Nagtagal silang anim sa board. Sinadya yata nung tropang bully yun para di makapagdiscuss si Ma'am ay. Pagkatapos nun sinisigaw sigawan na sila ni Ma'am pero kunwari nagsosolve parin sila hanggang sa nagbell na at nagwalk-out nalang si Ma'am Janey. Ang kulit nila hahahaha pero salamat sa kanila dahil niligtas nila kami sa seatwork. Hehe.

Pagkatapos magwalk-out ni Ma'am Janey, nagsilabasan na kaming lahat tutal lunch narin naman. Ang bilis ng oras no? Hay. Inayos ko muna yung gamit ko, nilagay ko lahat sa bag at kinuha ang wallet ng may...

*poke* *poke* sino ba to? *poke* *poke "Ano ba?!" Inis na sabi ko tas paglingon ko. "N-nico? Bakit?" Awkward na tanong ko.

"Ahm, pwedeng sabay tayong maglunch? Tayong dalawa lang? Treat ko?" Aya ni Nico sa akin.

"Sorry kasabay ko sina Eya. Excus--" naputol ang sasabihin ko ng hatakin niya kamay ko. "Bakit ba? Kakain na ko" inis kong sinabi.

"Please?" Nagmamakaawa niyang tanong na parang sincere na parang totoo. Ay ewan! Hahaha.

"Ngayon lang ha! *straight face*"

"Yes! Tara na?" Sabay hawak ng kamay ko. Teka, ano to? Bawal to.

"Yung kamay mo." Sabay alis ko ng pagkakahawak sa kamay niya.

"Sorry.. Nadala lang. Hehe" sabay ngiti niya. Cute cute. Wops, erase erase. Pangit siya -____-

—————————————-—

A/N: May konting problema. Ang laki na talaga ng problema ko. Sorry kung naguguluhan po kasi hayst. Haha. Ako si Batwoman. Ako na bahala diyan. Hope you still like it.

My first and soon to be my lastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon