A/N: Halerrr! Sorry kung matagal yung update. Nawalan ng inspirasyon si Author e *teary eyes* Tama na. Bawal umiyak. BTW, Vote niyo ha. Haha.
---------------------------
Panibagong araw nanaman sa school. Nakakatamad na nakakaexcite. Alam mo yun? Hayst.
"KIIIIIIIIIIIM!!!!" Ouch halos magunaw eardrums ko dun ah. Ang ingay! Ang lakas!
"Yas alam ko inumagahan mo! *irap*" Inirapan ko nalang yung bruha.
"Ano?" Tanong niya na parang naeexcite din.
"Mga tatlong speaker at Mic!" Irap ko ulit sa kanya at umirap din siya. Tss.
"Kiiim! *saby turo sa upuan ko* Ano yun o?" Sabi niya at lumapit naman ako.
"Ano to?" Sabay hawak sa white bear na may rose. Bale hawak ng bear yung rose. Nakita ko namang may sulat kaya tinignan ko na rin..
"Hi. May gusto kasi ako sayo. Sana may pagasa ako. Di ko na sasabihin kung sino ako. Bahala na si Batman :) -Mr. Ice cream"
Waaaah. Ang sweet. Sino kaya 'to?
"Huy. Kayong dalawa? Alam niyo ba kung sinong nagpadala nito?" Tanong ko sa kanila kasi mas nauna silang makapasok kesa sakin.
"Ha? A e, H-hindi. Kung nakita namin edi sana sinabi na namin sayo diba? He-he. Chaka ewan. Di talaga namin alam, swear!" Nauutal na sabi ni Yas. Feeling ko alam nila, pero ayoko magassume.
Nagusap usap lang kami at nagtanungan kung sino talaga. Hinuhuli ko sila baka sakaling umamin kaso fail. Hanggang sa padami na ng padami yung mga dumadating.. Nagbell na rin at pumasok na yung Values teacher namin, si Ma'am Aira.
"Good Morning, class!" Bati ni Ma'am Aira.
"Good Morning, Ma'am Aira!" Sagot namin.
"Okay, you may now take your seats. By the way, our topic for today is about love." Biglang nagsigawan naman yung mga classmates ko. Aba, pagdating sa love maraming isasagot ha? Magaling!
"Okay class quiet. My question is, What is Love?" Tanong ni Ma'am siguro mga 20 seconds bago may magtaas ng kamay.
"Yes, Nico. What is Love?" Napatingin ako sa likod. Si Nico sasagot? Himala!
"Dati di ako naniniwala sa love, pero ng nakilala ko siya nagkaroon ako ng definition sa love. Love is everything. It will change you. Love will change the whole you." Napanga nga ako. Srsly? Galing sa kanya yun? Di nga?
"Great. Hugot na hugot natin yan Nico ha? Sino ba yang special someone na yan? Haha." Sabay tawa ni Ma'am. Kaya favorite subject ko ito e, di nakakaboring. Ang saya pa.
"Okay, no one? Sino pa sasagot?" After 20 seconds ulit may nagtaas nanaman ng kamay.
"Nathan. What is Love?" Nagulat ako. Nagtaas pala ng kamay tong katabi ko? Masyado kasing napaisip sa sagot ni Nico e! Hahahaha..
"Love is a disaster. It'll destroy your whole life. Yes, It will make you happy, but in the end it will hurt you. Love is nothing." Woah. Hugot din to e. Tumulo na yata laway ko *kapa sa bibig* di naman. Wala namang tumulo. Hehe.
"Woah. Nathan, san galing yan? Di namin mareach! Haha. Sino ba yan? Mukhang may pinagdadaanan kayo ni Nico a? Haha." Puro tawa nalang kami sa comments ni Ma'am. Panira ay pero masaya haha.
"No one? Alam kong may kanya-kanya kayong definitions about love pwera sa 'Love is like a rosary, It's full of mistery' Pwera dun ha. Gasgas na yun e" Tumawa nanaman ang lahat. Sana gaya ko nalang si Ma'am Aira na kahit ang corny e havey parin -____-
"Okay, Andrei. What is love?" *o* ANDREI?! Realtalk? Magaling.
"Love can make you incredible, awesome, and impossible thing. You will sacrifice all including yourself when you felt it." Isa pa tong nakaka-woah e. Ang cool ng sagot nila. Nakakabilib. Pero nakita ko naman si Lyndon tumatawa, at halatang halatang pinipigil niya yung tawa niya dahil kinukurot siya ni Andrei. Hahahahaha. Ang kulit nila ay.
"Okay right. May point ka diyan Andrei. Hahahaha. Bakit ba uso ang hugot ngayon? Parepareho ba kayo ng breakfast?" Tawa nanaman kaming lahat. Anubey! Hahahaha.
"Okay class, lahat ng sagot niyo ay tama. Pero marami pang meaning yang Love na yan. Pero dapat hindi yan minamadali. Love takes time. Wag kayong magmadali dahil may darating at darating na para sainyo. Dahil pag yan minadali niyo kasi baka sa sobrang pagmamadali niyo e makuha niyo ang maling tao. At kung mayroon naman nakayong Love, Wag niyo ng pakawalan. Kung feeling niyo sila na, tama na. Sila nalang. Nasahuli ang pagsisisi class. Kaya dapat inaalagaan, isipin niyo rin ang mangyayari pag nawala siya sayo. Maraming magbabago. Maaaring sa una feeling mo magkakakulay ang mundo mo, pag nagbreak naman kayo dahil sa maling desisyon, mamimiss niyo ang isa't isa. At pag nagkataon, makakahanap na siya ng iba at maiiwan ka magisa. Hindi mo na siya mababalikan kahit anong pilit mo pag nahulog na siya sa bago niya. Kahit anong pagmamakaawa mo, waepek na sakanya. Kaya dapat pagisipan lahat mabuti pagdating sa love. Love needs an acceptable reason." Nobela. Ang haba ng speech ni Ma'am. Hugot na hugot din siya. Ano rin kayang inumagahan niya?
"Class dismissed" Sabi ni Ma'am na siya namang kinaingay ng klase. Halatang halata na yung iba inaantok na. Hahahahaha. Ang haba ba naman kasi ng sinabi ni Ma'am e. Haha.
Dumating na ang next teacher namin. History na pala -___- nakakaantok to e. Pero itutulog ko nalang. Hay. Good night!
*Zzz...zzZ* *Zzz...zzZ*
"Kim" sabi ng lalaking nasa likod ko..
"Uhm, anong meron dito? Ano to?" Tanong ko sa kanya. May dala siyang rose, malaking bear na may hawak na 5 balloons na may nakalagay na I ,<3, Y, O, U. Tas may naka-tarpaulin na nakalagay na...
"Will you be my girlfriend?" Sabi ng lalaki na nasa harap ko na kapareho ng sinabi niya yung nasa tarpaulin. Ang daming parang christmas lights na nakapalibot sa rooftop. Ang cute. Parang ang sweet nung place. May table sa gitna at may candle sa gitna ng table. Ang romantic!
"Uhm... Y---"
"MS. RODRIGUEZ!!!"
BINABASA MO ANG
My first and soon to be my last
RomanceWhat will might happen if a MANHATER and a PLAYBOY collide?