Pumasok narin kami sa room nung umalis si Nathan. Naiinis parin ako! Sino nalang ang kasama ni Nathan? Hindi naman sa sinusulit kong maging kaclose siya, pero kasi baka mabully siya or what. Nakakahiya talaga kanina wala namang masamang ginagawa si Nathan pero ganon ginawa ni Nico. Tss.
"Bae, okay ka lang?" Sabay alog sakin ni Yas. Bakit nga ba ko naupo dito sa pinto. HAY, nawawala ako sa sarili ko.
"Ah oo. Okay lang ako. Tara na nga" Sabay aya ko para makaupo na sa upuan namin.
"Dahil ba sa kaninang ginawa ni Nico kay Nathan? O dahil lalayo si Nathan?" Pano naman nalaman ni Eya? Galing ha.
"Ewan ko. Both?" May pagaalinlangan kong sagot. Ewan ko ba ang gulo.
"Ay. Nako hayaan mo. Papakiusapan namin si Nathan okay? At pagsasabihan narin namin si Nico." Kaya nila yun? Anong nakain ng mga to? Naging palaban ah.
"Hmm, kayo bahala." Matamlay kong sagot.
"Oy ayan na si Nathan oh!" Sabay turo ni Eya sa pinto. Bakit.. Bakit may pasa? Anong nangyari?
"Nathan!" Sabay takbo ko papunta sakanya.
"Anong nangyari sayo?" Pagaalala kong tanong sakanya.
"Ah wala to. Naunt--" naputol yung sasabihin niya ng may biglang dumaan sa pinto at nabunggo si Nathan.
"Aw. Aray." Sabay hawak ni Nathan sa braso niya.
"Nico ano ba! Magexcuse ka naman! Nakita mo na ngang may pasa yung tao eh!" Sigaw ko kay Nico.
"Malayo sa bituka yan. Kaya niya sarili niya kalalaking tao.. O baka naman bakla" sabay tawa ng mga tropa niya.
"Kayo may gawa nito noh?!" Sigaw ko parin sakanila. Sumosobra na si Nico.
"E ano kung kami?" Bwisit talaga tong Nico na to!
"Grr! Hmm! *inis na boses*" Hinawakan ko naman si Nathan at inalalayan.
"Nathan dadalin na kita sa clinic."
"No. No thanks. Kaya ko naman to." Sabi niya. Sa boses niya may sakit ka paring maririnig eh. First day na first day nabugbog siya.
"Tara na!" With inis boses. Ang kulit kasi eh. Pero sumama naman siya. Hay, pahirapan pa kase... Nang makarating kami sa clinic, pinainom siya ng gamot at nilinis ng nurse yung mga sugat niya. Nilagyan naman yelo mga bruises niya. Nakakaawa si Nathan :(
"Princess, pumasok ka na sa room. Kaya ko na to" Hinayaan ko nalang siya at sinabi ko nalang na Sorry at magpagaling siya. Pumunta na ko ng room at nung nasa pinto na ko, pinagtinginan ako ng mga classmates ko at ng teacher namin.
"Why are you late Ms. Rodriguez?" Sabay taas ng kilay ni Ma'am *dug dug* *dug dug* kinakabahan ako.
"Ahm.. Sorry Ma'am.. I just.. I just b-bring Nathan C-chua at the Clinic. So-sorry Ma'am.." nauutal utal pa ako at mabagal magsalita.
"Why? Is he your boyfriend?" Sabay grin naman sakin ng mga girls. Pwera si Yas at Eya.
"N-no Ma'am. We're just... Uhmm.. Friends" Uggh! Bat parang may kumurot ng mahina sa puso ko ng nasabi ko ang 'Friends'
"Okay. Go to your seat. Don't let this happen again." Nag-'yes ma'am' nalang ako. Hay. Nakakakaba ah.
"Oy girl! Anyare?" Tanong sakin ni Yas.
"Wala. Okay naman na daw siya. Pinapasok niya na ko siguro kasi ayaw ako magcutting. Nakakaawa nga siya eh" malungkot kong pagkakasabi sa kanya. Tumingin naman ako kila Nico at nagtatawanan pa. Ano bang nangyayari kay Nico? Dati-dati mabait naman siya at ang akala ko pa naman di siya basagulero.
BINABASA MO ANG
My first and soon to be my last
RomanceWhat will might happen if a MANHATER and a PLAYBOY collide?