Confused

52 1 0
                                    

After eating.. We decided to go to the garden. Nakaka-relax kasi dito. Gusto ko magpalipas ng problema ngayon. Hay, naaalala ko nanaman yung mga ginawang kindat ni Nico kanina. Ano bang meron dun? Bakit ako yung inaasar niya? Tss.

"Uy!" Bigla akong tinulak ni Eya. Kahit kelan talaga tong babaeng to. Hayst!

"O ano? Bakit?" Irita kong sagot.

"Sungit! Mukhang ang lalim ng iniisip mo? Baka di na namin mareach yan sa sobrang lalim." Okaaay. Nagiging corny nanaman tong bestfriend ko.

"Hindi. Nabubwisit lang ako. Sa dinami-dami naman kasing babae dito sa DHU, bakit ako pa yung inaasar ni Nico? Bat di nalang ikaw? Si Dayne? Si Ma'am? Haha. -.-" Nagiging mean nanaman ako. Naguguluhan talaga ako. Psh!

"Nako. Baka naman may gusto sayo?" Sabay irap sakin.

"Aba! Umiirap. Crush mo ba yun?" With kiliti pa sakanya.

"Ano ba?! Tigilan mo ko!" Naiirita niyang sagot. nako naman, sana wag mainlove bestfriend ko dun sa asungot na yun!

"Hay nako bae, pinipigilan na kita kung crush mo man yun. Ang feeler kaya nun at di mo ba alam na playboy nun? Sasaktan ka lang nun!" Ambitter ko. Haha!

"Tss." Tumayo siya at tumabi kay Dayne.

Nagisip nalang uli ako magisa. Grabe :( Ang gulo ng mundo. Ano bang nangyayari? Tsk.

----—-------------———————----—-———

Natapos na ang buong klase. Grabe, maghapon puro pagpapakilala lang ginawa namin. Tapos habang nagpapakilala naman ako sa harap, kindat ng kindat si Nico sakin. Uggh! Kaasar! Tapos itong si Eya naman parang tahimik. Anyare kaya dun? Tsk.

Nilibot ko muna ang buong school para narin hanapin si kuya, ayoko kasing itext nakakatamad chaka exercise din to noh. Haha! Si Eya naman kasi ang aga umuwi :( Nakakatampo. Si Dayne naman maaga sinundo ng daddy niya. Dakilang loner ako.

Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Nico. Nakatingin siya sakin at alam kong lalapit to sakin kaya iniwas ko nalang tingin ko at umikot para bumalik at lumiko. Binilisan ko ang paglakad ko para kung sakaling habulin niya ko, malayo na ko sakanya. Kaso pag lingon ko...

"Loves!" *bulong sa tenga*

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!" Sobrang nagulat talaga ako. Akala ko malayo na siya sakin. Napalakas yata sigaw ko kaya napatingin lahat ng estudyante sakin. Nakakahiya!

"Ouch! Tinis ng boses!" Nagagalit niyang sinabi.

"E kung di mo kaya ako ginulat? Edi sana di ako sisigaw ng ganung kalakas!" Malakas ng konti boses ko, tama lang para marinig niya na galit ako. Hinampas ko siya sa braso niya pero di siya nasasaktan.

"Will you please stop? Di naman kita ginulat eh! Bumulong nga ako diba? Tch." Sabay irap. Eww! Bakla yata to eh. OMG! Eya need to know this!

"Ano bang kailangan mo sakin? Bakit mo ba ko inaasar? Bakit mo ba ako binubwisit? Alam mo pag di mo pa ako tinigilan isusumbong na kita sa kuya ko!" Galit na galit na talaga ako. Pero nakakapagtimpi pa ko ng konti. Grrrrrrr!

"Pwede ba kita makausap sagli---" naputol yung sasabihin niya ng biglang..

"Kim!" Tawag ni kuya sakin.

"K-kuya? Bakit po?"

"Umuwi na tayo." Galit ba si Kuya? Bat ganun? Ang cold niya :(

"O-opo" Sumunod nalang ako kay kuya at hinayaan si Nico. Tss. Buti nalang saviour ko si kuya. Hihi!

My first and soon to be my lastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon