I took one step backwards when I saw Mang Crisostimo's nephew grinned. Pinigilan ko ang aking sarili na magtago sa likuran ni Gael para lang maiwasan yung mga tingin ng nakaposas na lalaki. Nandudulat ang mapupula niyang mga mata habang abot-tenga ang ngiti sa labi.
Pagka-lock ng selda nito ay siya namang dating ni Mang Crisostomo, kasunod niya si Iaschel. Agad na lumapit sa akin ang aking landlord at panay ang hingi ng pasensya sa ginawa ng kaniyang pamangkin."Okay na po. Good thing Gael checked on me."
"May pagkamatatakutin naman po kasi talaga itong si Prim. Para may humawak lang sa binti, napraning na."
Inirapan ko si Gael dahil sa kaniyang sinabi.
Sino ba naman kasi ang hindi matatakot kapag bigla na lang may humawak sayo, when you know you're all alone in a house?
Nang dumating ang chief ay sinabi nito kay mang Crisostomo ang detalye.
"Kayo po ang tito ni Quinn?"
Tumango si Mang Crisostomo. "You're nephew was found under a bed, he was sleeping there. Mga mag-aalas-singko nang tumawag itong kaibigan ng boarder nyo. Were you aware of him entering your boarding house?Were you aware of his behavior?"Matapos ang pag-uusap sa presinto, hinatid na kaming dalawa ni Iaschel ni Gael sa boarding house.
" Tigilan mo yang pagiging duwag mo."
Pinitik ni Gael ang noo ko kaya ako'y napapikit.
Bilang ganti, binatukan ko siya bago ako lumabas sakanyang sasakyan.Limang araw na ang lumipas at patapos na rin ang first week of school. Nakaupo ako sa sofa, I was so focused on watching Street Outlaws nang nagpatugtog si Iaschel ng Pierce The Veil song sa speaker ng pagka lakas-lakas kaya nilakasan ko rin ang volume ng tv. Huminga ako ng malalim dahil kahit nakatodo na ang tv ay hindi ko pa rin naririnig ang sinasabi ng mga taga-405.
"Ina mo Iaschel!"
Pagkapatay ko sa tv gamit ang remote ay tumayo na ako at kinuha ang denim jacket, ipinatong ko iyon sa suot kong itim na tank top.
"Prim, where are you going?"
Lumingon ako kay Iaschel na halos sumigaw na dahil sa malakas na tugtog. Nakatayo siya sa taas, sa ibabaw ng hagdan.
"Ha?!"
She rolled her eyes on me and then suddenly get back to our room. Five seconds later, the sounds from the speaker was gone.
"Tinatanong ko kung saan ka pupunta."
"Sa food stalls sa tapat ng school. Sama ka?"
Hapon na at maunti na ang tao sa loob ng Aberdare University kaya masayang tumambay doon. It's very overwhelming to walk on a yellowish sunset. Nang nakakita kami ng siomai, pizza, at halo-halo sa iba't-ibang stall ay kaagad kaming bumili at naupo sa table, hindi kalayuan sa tapat ng gate ng university.
Marami na kasi ang nakapwesto sa medyo tagong area kung saan may ilan pang stall. Sa mga lugar kasi na 'yon nagaganap ang parties, pagkonsumo ng drugs, and any other habits you could think of. I' ve been there once, noong panahong na-rade iyon ng mga pulis."Anong oras ang balik ni Mang Cris?"
Tanong ko kay Iaschel na focus na focus naman sa paglalagay ng hot sauce sa slice ng pizza."Sa Linggo ata ng hapon. Di ko sure."
"Diba aalis ka din?"
Kunwari ay chill kong sabi pero ang totoo ay nababahala na ako dahil maiiwan nanaman akong mag-isa."Bukas ng hapon. Bakit ba kasi ayaw mo pang umuwi sa bahay ni tita Mel? Once a week lang naman. Tapos sabay na tayo."
"Hindi na. Okay na kong mag-isa."
"Prim, okay lang bawas-bawasan ang pride at umamin na natatakot ka."
Napalingon ako sa loob ng Aberdare U,sa may bench kung saan tanaw na tanaw ang mga estudyanteng nagkukwentuhan. Nang natanaw ko ang isang pamilyar na lalaki ay parang naging kasing haba ng leeg ng giraffe ang leeg ko. Nakatayo ito, suot-suot ang puting longsleeve na naka tuck-in sa itim na slacks. Sa likod nito ang cylinder shaped object na kulay blue, malamang ay iyon ay lagayan ng blue print.
"Noong gabing 'yon lang ako natakot. Saka, I wasn' t scared that long. May sumama naman kasi sakin kaya hindi na ako gaanong natakot."
Nakatingin pa rin ako kay Rick habang nagsasalita.
"Sino naman?"
I immediately looked away from Rick to prevent Iaschel looking on his direction. She was sipping on the halo-halo that we opted to share.
"Not sure who he is. Pero naroon siya sa kabilang bahay ng panahong 'yon."
"Eh, bakit hindi mo 'yan nabanggit sa presinto?"
"Alam mo nakakahalata na ko. Penge na nga nyan! Mamaya kapiranggot na naman ang matikman ko kagaya na lang ng iisang pirasong siomai na itinira mo kanina."
Iniba ko ang usapan at kinuha sakanya ang baso."Kasalanan mo naman kasi!"
Tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"So it's me now?"
"Kung hindi mo ako pinurga ng nilagang itlog at hotdog na prito, sunog pa, edi sana hindi ako matatakam sa mga pagkaing may lasa."
"Tigil-tigilan mo nga ako Ia. Nahiya naman ako sa hilaw na kanin mo."
Ilang minuto matapos kumain ay muli kaming naglakad ni Iaschel. Hindi pa kami nakakalayo sa Aberdare U when someone grabbed my attention.
"Prim Rose, pakiss!"
I looked back to the person who called me and I immedieately rolled my eyes on him when I found out he's one of my classmates. Napatingin ako sa mga kasama niya. Nginitian ko sila Flora at Sarah. Sumabay sila sa paglalakad namin.
"Bihis na bihis tayo ah!" sabi ko matapos mapagmasdan itsura nila.
Naka-crop top na tube at fitted white jeans si Flora, nakasuot naman si Sarah ng, sa tingin ko, ay school uniform ng mg Japanese. And as for Conel, he's wearing black sweatshirt."Diba inaaya kita kahapon pa sa isang house party?"
"And where is that?" tanong ko kay Flora.
"Along the way lang. Sama na kayo."
Niyakap pa ni Sarah ang braso ko at parang batang nagsalita.
How could I ever turn down this kind of invitation?
"Ia, sama ka rin. Umalis kasi yung landlady nila and it's quite a waste to let this opportunity to party pass."Gusto ko sanang tumanggi sa tatlo ngunit nakapayag na si Iaschel. I facepalmed, of course mentally, when I remembered Iaschel's never been drunk before and it will be hard to clean her up later.
I was kinda surprised when we stopped walking as we arrived at the house beside ours. Doon ako nagtago dati. Nagpaalam ako sa kanila na uuwi lang ako saglit.
"Ingatan nyo yan ah. Conel, umayos ka."
"Oo naman sir."
I was walking past the plants on our boarding house's walkway when I saw my comb sitting on the patio. Kung sino man ang naglagay noon doon, mas mabuti kung ibinigay na lang niya sa akin personally. But it's their choice though. Kinuha ko iyon at pumasok na ako sa loob.
Ipinatong ko sa center table sa sala ang mga gamit ko saka ako nahiga sa sofa. Dahil sa masarap mahiga, parang ayaw ko ng lumabas, mas mabuti sigurong dito na ako sa bahay tumambay.
Kinuha ko ang aking phone and started checking it. Tiningnan ko ang notif area at may, sa tingin ko, thirty missed calls from Jet. Malamang ay lasing nanaman ang lalaking ito, he always calls me when he's not sober. Kapag naman nasa katinuan na siya ay hindi man lang ako nakakatanggap ng kahit isang text message.
Napangiti ako nang makitang nagsend ng voice message si Gael. Bago ko ni-play iyon ay tinanong ko muna siya kung ano ang bago niyang pakulo.After I was done with my phone, ibinalik ko iyon sa lamesa, kung saan ko iyon nakuha kanina. Nang nakita ko ang suklay ko ay bigla ko nanamang naalala ang gabing iyon. Iniisip ko, paano napunta 'yon sa kusina gayong iniwan ko naman yon sa kwarto? Kung si Quinn man ang nagdala ng suklay sa kusina, well, I will be pretty impessed dahil sa sobrang bilis niyang kumilos. Biruin mo, from my room , then down the kitchen, and up to the room at the end of the second floor again.
Sa sarili kong kagagawan, nagsimula na naman akong matakot. Tumayo ako at kinuha ulit ang mga gamit ko at dali-daling lumabas ng bahay para pumunta sa houseparty ng kapitbahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/205635860-288-k359101.jpg)