Pumunta ako sa may tagiliran ni Andres at nakisali sa pagsilip sa glass window ng kwarto ni ate Brena dito sa ospital. Mula sa pwesto ko ay nakikita ko si ate Brena na tulog at may ilang tubo na nakapasak sa ilong niya. Nakatayo naman sa gilid ng kama si Will at Sgt. Cleto, ang daddy ni ate Brena. Kung matangkad si Will ay higit na mas matangkad ito. Bulky rin ang katawan dahil nga isa itong sundalo.
Seryosong nag-uusap ang dalawa. Panay lang ang tango ni Will sa sundalo. Nang biglang tumingin sa direksyon namin ang sarhento ay biglang umayos ng tayo sila Gael, Andres, Juan, at Kurt. Pinagmasdan ko ang apat at pakiramdam ko ay naging estatwa na sila, bukod nga lamang kay Kurt na inaanak ni Sgt. Cleto.
Naglakad si Will sa may pinto at binuksan ito.
"Pasok kayo," sabi ni Will.
Naunang pumasok si Gael at sumunod kaming apat. Agad silang sumaludo nang nakarating kami sa tapat ni sgt. Cleto.
"Sir, pwede po?"
Nginitian ako ni sgt. Cleto saka siya tumango.
"Sure, hija.Kakausapin ko lamang itong mga kaibigan mo."Naupo ako sa upuan sa gilid ng kama ni ate Brena. Pinagmasdan ko ang maputla niyang balat, at ang nangangayayat niyang muka.
Inalala ko ang mga panahong nakasama ko siya sa camping. Naging magka group kami. Natakot pa akong lumapit sakanya noon dahil naroon ang daddy niya, nag-aayos ng tent na tutulugan namin. She was so jolly and active back then.Hinawakan ko ang kamay ni ate Brena. I know she's gonna hate me for feeling this but, I pity her, so much.
Napangiti ako nang dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya. Alam kong matutuwa siya kapag naaninag na niya ang itsura ko, namin. Ilang segundo ang lumipas hanggang ang blangkong ekspresyon niya ay napalitan ng pagkangiwi, tapos nasundan ng pag-iyak.
Parang tinutusok ng karayom ang puso ko habang pinagmamasdan si ate Brena at naririnig ang sigaw niya dahil sa sakit.Dali-daling lumapit sa amin si sgt. Cleto. Hinawakan niya sa braso si ate Brena.
"Call doctor Alejo!" sigaw nito.
Dali-dali namang tumakbo si Will palabas ng kwarto.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumayo ako at medyo lumayo sa mag-ama. Alam ko na maaaring kasalanan ko kaya nagkaganito si ate Brena. Dapat ay hindi ko na hinawakan ang kamay niya.
Hanggang sa dumating ang doctor ay nagsisisigaw pa rin si ate Brena sa sakit. May ilang nurse na rin ang sumunod. Nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha sa mata ko. Tumalikod ako at naglakad palabas.
"Bili daw tayong ice cream sa convenience store. Nagtatakaw na naman si Juan."
Nagulat ako nang bigla akong inakbayan ni Kurt. Nasa labas na ako at patawid na ng kalsada. Sa tingin ko ay sinundan talaga nila ko pero hindi ko yon sasabihin sa kanila alang-alang sa kanilang pride.
Pakiramdam ko ay gasgas na ang paa ko sa paglakad ng mabilis para lang makaabot sa kanila. They're all so tall. Well, bukod nga lang kay Andres na hindi six footer.
Nang nasa may tapat na kami ng store ay bigla akong kinabahan. Dahil sa pride, hindi ko ipinakita sa kanila na natatakot na ko.
"Doon na lang ako sa may bench. Gusto kong maupo."
Itinuro ko ang upuan sa kabilang side ng kalsada.
Nagtataka naman nila akong tiningnan."May upuan din naman sa loob, boi," wika ni Juan saka ako sinubukang hilahin sa kamay. Nagpumiglas ako.
"Gusto ko ng fresh air."
"Usok-usok doon. Kita mong may nag-iihaw."
Hindi ko na sila pinansin. Mag-isa akong naglakad. Ilang segundo rin ang lumipas bago ako nakatawid sa kalsada. Ang dami kasing dumadaan na sasakyan.
