"Mang Crisostomo kanino po itong gitara?" tanong ni Iaschel sa matanda.
Nakikigulo pa siya kahit alam naman niyang natataranta na ang matanda sa pagmamadali nito.Hindi na ako nakisali pa kay Iaschel dahil nanonood ako ng netflix movie sa laptop.
"Pwede po bang hiramin muna namin? Marunong kasi maggitara si Primera Rosa. Pwede po?"
Napairap ako dahil sa pangalan na sinabi ni Ia. Palagi na lang niya akong tinatawag sa ganung pangalan.
"Oo, bahala kayo! Wag nyo lang sisirain 'yan at regalo ko yan sa anak ko. Pupunta na ko sa palengke."
Humarang si Ia sa harapan ko kaya binato ko siya ng kinakain ko na pop corn. Lumapit siya sa akin dala-dala ang gitara at nagsimulang mag-strum sa kung ano-anong chords. Tatlong taon ko na ata siyang tinuturuan pero wala pa rin siyang progress.
Laking tuwa ko nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kaagad niya yung kinuha at biglang nagliwanag ang muka niya nang nakita ang screen. Nagtatakbo siya papaakyat sa kwarto at iniwan na sakin ang gitara.Dahil nawalan na rin naman ako ng gana panonood ay kinuha ko ang gitara at sinimulang tugtugin ang Won't go home without you.
Pagkatapos ng 3pm class ko ay may vacant ako na dalawang oras. Tapos na akong kumain at ayaw ko rin namang tumambay sa canteen dahil mapapagastos nanaman ako.
Naglakad ako papunta sa library. Siguro doon na lang muna ako tatambay, doon ko na lang itutuloy ang panonood.Pagdating ko sa library ay agad na bumungad sa akin ang mga 4th year student na nakasagutan ko sa court. Panay ang irap nila sakin pero hindi ko na sila pinansin dahil biglang sumulpot sa harapan ko si sir Juego.
"Dario, pakibantayan muna nung laptop ko sa may dulong table. Doon ka na rin maupo, pwede?"
"Okay po, sir."
"Oh sige. Pupunta lang ako sa office ni Dean saglit."
Umalis na si sir at sinunod ko naman ang sinabi niya. Naupo ako sa may sulok kung saan naka-charge ang laptop niya.
Busy ako sa panonood sa cellphone nang biglang may nagpatong ng samdamakmak na libro at papel sa table ko. Muntikan na tuloy mahulog ang laptop,mabuti na lamang at nahawakan ko iyon.
Tumingala ako sa may sala at agad ko siyang sininghalan nang mapagtanto kung sino siya."Ayusin mo nga 'yang kilos mo! Mahuhulog na 'tong laptop ni sir eh!"
"Sshhh!"
Tinakpan ko ang bibig ko nang narinig ang pananaway ng librarian. Tumawa naman ng mahina si Rick, nakaupo na siya sa tapat ko.
"Ang cute mo."
Inalis ko ang tingin ko sakanya.
"Mas cute tong laptop ni sir Juego," sabi ko.Natigil naman si Rick sa pagbubuklat ng thesis at alalang-alalang tumingin sakin.
"Eh? Kay sir Juego 'yan?""Ano bang ginawa sayo ni sir? Bakit kung iwasan mo siya parang minaltrato ka niya?"
"Naiangkas ko kasi 'yon ng ilang beses sa motor. Basta, nakakadiring pangyayari."
Tumango na lang ako at bumalik sa panonood sa cellphone ko. I was trying to focus on my phone but the presence of a pair of eyes staring at me keeps on bothering me. I paused the video and looked straight at Rick's eyes. Nakapamgalumbaba siya. Bigla siyang tumingin sa kisame nang tumingin ako sakanya. Painosente pa siyang sumipol-sipol, akala mo naman hindi ko nahuli.
"Pumunta ka lang ba dito para panoorin ako?"
Tumigil siya sa pagsipol at umayos ng pagkakaupo at bumalik sa pagbubuklat ng libro.
