Chapter Seven

2 0 0
                                    

Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ay alam ko na na si Andres ang nasa labas niyon at kumakatok. Sigaw kasi ito ng sigaw. Akala ata niya ay nasa gubat siya. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Andres na nakapikit at medyo nakataas ang ulo. Ninanamnam ang amoy ng kung ano man.

Nang nagmulat ito ay agad itong ngumiti.
"Anong ulam?"

Napairap ako sa sinabi niya.
"Wala man lang 'Hi Prim' o kaya 'Kumusta?'. Nagtatanong ka agad ng tungkol sa ulam?"

Napakamot sa batok si Andres. Tinalikuran ko naman siya at muli akong naupo sa sofa.

Habang nanonood ng TV ay lumilipad na ang isip ko. Hindi mawala - wala sa utak ko ang huling sinabi sa akin ni Rick kagabi, bago ito pumasok sa bahay nito. Naalis ang pagkakatulala ko nang may pumalakpak sa harap ko. Ngumiti siya sa akin saka naupo sa tabi ko. Pinagmasdan ko siyang kuhanin ang throw pillow at yakapin ito, saka sumandal sa sofa.

"Bakit naman iniwan mo sa may pinto yung ex mo, ah?"

Napatingin ako kay Andres. Tinatanggal niya ang kaniyang sapatos.

"Inang ex yan," natatawa kong sabi. "Grade two pa lang kami noon."

"Asus! Kaya pala may picture na magka-holding hands."

Dumampot ako ng unan saka ibinato kay Gael. Sinalag naman niya ito ng hawak na throw pillow.

Tinanggal ni Will ang flower vase at mga libro na nakapatong sa center table kaya natigil kami ni Gael sa paghahampasan ng unan.

" Hey, kain na! "

Napangiti ako nang bumalik si Will galing sa kusina, dala-dala ang bowl na naglalaman ng kare-kare. Agad namang sumulpot sa may lamesa si Andres saka tinikman ang ulam gamit ang sandok.

"Oh, Andres nandito ka na pala."

Andres stopped licking the kitchenware and smiled on Ate Brena.

Nagsimula na kaming kumain. Katabi ko sila Ate Brena at Will sa sofa, habang nakaupo naman sa sahig si Gael at Andres. Hindi na namin inalintana pa ang bukas na tv at patuloy lang kami sa pagkukwentuhan.

"Sayang wala si Juan," bulalas ni Andres. "Balita ko sikat 'yon sa Aberdare U, ah?"

Tumingin sa akin si Andres kaya naging obligado akong sumagot sa sinabi niya.
"Ewan.Ata."

"Sabi niya marami daw siyang ipapakilala sakin na chics," wika pa nito.
Napataas naman ang aking kilay. Hindi ko alam kung sikat nga talaga si Juan sa school dahil hindi pa naman ako nakapanood ng volleyball game nito na live.
"Akala ko pa naman nandito siya. He told me he's bringing me to his practice game today."

"Oy, tama na yan, Andres! Baka magselos na 'yang ex mo!"

Inirapan ko si Gael dahil sa kaniyang sinabi. Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang pinapakinggan ang nakakainis na tawa ni Gael

"Bakit nga pala kayo nag-break dati?" Gael asked.

Napakasusot talaga ng lalaking ito. Wala na akong balak na patulan pa ang kung ano mang pinagsasasabi nila. Nakikinig lang ako sakanila habang nakatingin sa tv at kumakain.

"Naging kami ba?"
Pinigilan ko ang pagtaas ng kilay ko.
"Ay, oo! Naghiwalay kami kasi pinilas ko yung paper doll niya.Tapos hindi ko pa siya ibinili nung papel na minty ang lasa kapag natutunaw sa dila."

May pagtango-tango pa si Andres. Halata namang hindi na niya naaalala ang tunay na dahilan.

"Ah ganun ba? Akala ko nag-break kayo kasi nagseselos si Prim doon sa teacher na crush mo."

Purpose Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon