"Prim!"
Napatigil ako sa paglalakad nang narinig ko ang boses ni Sarah. Ang cute niya sa buhok niyang
katulad ng kay Pucca."Bakit, Pucca?"
Natawa naman siya at hinawakan ang magkabila niyang buhok.
"Pinapatawag ka sa soccer field. General rehearsal daw ngayon para sa acquaintance party mamaya."
"Ah, sige. Susunod ako."
Hindi ko alam kung ano ang irerehearse. Baka may lahatang sayaw-sayaw effect nanaman bago matapos ang party.
On my way to soccer field, nakita ko si Rick na nakaupo sa may table sa ilalim ng puno ng mangga. Mayroong papel na naka-roll na nakapatong sa lamesa. Nasa harapan naman niya ang laptop. Tutok na tutok siya doon.
"Busyng busy tayo dyan, ah!" sigaw ko sakanya.
Ni hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin. Before overthinking and anything, mas pinili kong isipin na lang na baka hindi niya ako narinig. Muka siyang professional sa pwesto niya ngayon.
Matapos ko siyang pagmasdan for a minute ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.Pagdating ko sa tapat ng improvised stage sa soccer field ay nakita ko ang halos lahat ng tao doon na may hawak na instrumento. Most of them are in groups, may ilang individual, may nagsasayaw rin naman sa ibabaw ng stage. Wala akong nakitang freshman. Wala si Iaschel, wala si Flora, peo naroon si Sarah dahil member ito ng Theater club. Mayroon pa nga itong mic nanakakabit sa ulo dahil ito ang naga-assist sa mga nagpapractice. Nang napalingon siya sa dako ko ay agad niya akong pinuntahan.
"Saan yung iba?" tanong ko.
"Anong iba? Silang lahat na ang mga co-performers mo para sa party mamaya. Akala ko maggigitara ka? Nasaan?"
"Ano ba to, talent show?"
Tumango si Sarah
"Eh bakit ako kasali dito? Paano ako nakasali? Sa pagkakatanda ko wala namang nakarating sa akin na may ganito pala. Saka, ano naman ang gagawin kong talent?""Sis! Ang galing-galing mong kumanta at maggitara sa video mong naka-upload sa social media, tapos tinatanong mo kung anong itatalent mo?"
"Naka-upload?"
Ipinakita ni Sarah sa akin ang video ko habang naggigitara at kumakanta ng Won't go home without you. Si Iaschel ang unang-unang suspect.
"Wala ka bang dalang gitara? Manghiram na lang tayo? Okay lang?" tanong niya sa akin na agad ko namang tinanggihan.
"Hindi na. Uuwi na lang ako saglit. May gitara naman sa bahay."
Nag-insist pa si Sarah na sasama raw siya pero hindi ako pumayag. Alam ko naman na masyado na siyang abala para sa event mamaya kaya ayoko ng maging pabigat pa sakanya.
"Basta bilisan mo lang ha? Final practice na 'to. Alangan namang mag-impromptu ka mamaya."
Tumango ako kay Sarah, assuring her that I' ll be back fast. Kung maglalakad lang ako papunta sa boarding house ay malabong makabalik ako agad sa field. Kailangan ko ng masasakyan.
Pagdating ko sa paradahan ng mga sasakyan sa may gate ay agad na napukaw ang atensyon ko ng isang grupo ng kalalakihan na tumatawa ng malakas. Nakapalibot sila sa mga motor. Naroon si Conel. May hawak siyang volleyball habang nakaupo sa motor. Tinanguhan niya ako. Naglakad naman ako papalapit sakanila.
"Motor mo 'yan?"
Umiling si Conel at sinabing,
"Kay Rick to."Itinuro niya si Rick na natigil sa pagtawa nang nakita ako. Bigla siyang nag-cellphone at nagkunwaring seryoso. Gusto ko siyang irapan pero hindi pwede dahil kailangan ko siya ngayon.