Pagpasok namin nila Ia, Sarah, at Flora sa gym ng Aberdare U ay medyo nagulat ako sa sobrang dami ng tao. Hindi pa man nagsisimula ang laban ay napakalakas na agad ng sigawan ng crowd.
"Wala na tayong mauupuan," sabi ni Sarah.
Pinagmasdan ko ang buong lugar at kakaunti na lamang ang pwedeng maupuan. Sa may lower box, sa likuran ng upuan ng team."Tara doon."
Pinangunahan ko ang paglalakad papunta sa nahanap ko na upuan. Nang nakalapit na kami doon ay siya namang dating ng mga babae na sa tingin ko ay nasa senior year na sa school na 'to.
"Ops, kami dyan!" agad kong sigaw.
Humalukipkip naman ang babae na may makapal na make up at malaking hikaw. Tinaas pa niya ang kanyang kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Don't even try," sabi niya saka inilapag ang bag sa upuan.Inalis ko doon ang bag niya. Lumapit ako sakanya at muli itong isinabit sa balikat niya.
"Wag mo rin akong subukan.""Prim!"
Lahat kaming magkakaharap ay tumingin sa tumawag sa akin. Ngumiti ako nang nakita na si Juan pala iyon. Nakasuot na ito ng uniform ng volleyball team ng Aberdare.
"Mabuti naman dumating ka na. I reserved those seats for you. Dyan na kayo ng barkada mo."I smirked on the senior girl and shrugged my shoulders as I sit down with my friends.
"Pero, babe!" sigaw pa noong babae.
Habang nanonood ay hindi ko mapigilang bumilib sa lakas humataw ng bola ni Juan. Pakiramdam ko ay ako ang nasasaktan para sa mga sumasalo ng bola na pinalo niya. Nang muli siyang naka-score mula naman sa service ace ay tumayo ako at sumigaw. I'm so proud with my buddy.
Papaupo na ako nang may natanaw akong isang pamilyar na lalaki sa kabilang side, halos katapatan ko siya. Nakaupo siya at nakapangalumbaba. Nakaputi siyang longsleeve, uniform ng mga engineering student.
Nang bigla siyang ngumiti ay ngumiti rin ako. Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay na may hawak na kulay black na cheering balloon at kumaway sa akin.
Natawa na lang ako sa ginawa niya.Matapos ang game ay pumunta na kami sa stall sa tapat ng school kung saan kami pinapatambay ni Juan para hintayin siya. He told us he's gonna treat us because they won the game. Hindi naman sumama ang mag pinsan na sila Sarah at Flora.
"Nakita ko si Ate Deborah. Galing ata sa church nyo."
Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Iaschel. Kinuha ko ang bluetooth speaker sa bag niya at pinatugtog ang Pretty Face ng Public.
I kept myself busy reading God's words on the internet when suddenly, I heard Iaschel talking to a man. I was planning to just ignore them when the man stood beside the chair I'm sitting on and said,"Pwede?"
Tumingala ako.
"Hi," bati sa akin ni Rick. Hindi pa ako nakakasagot ay naupo na siya sa tabi ko.
"Anong kanta 'yan?" tanong ulit niya."Pretty Face," I said while still looking at the screen of my phone.
"Ah, parang ikaw."
I was just gonna shrug off what he said. Alam ko naman kasing maya-maya ay babawiin niya rin ang sinabi niya. Nang narinig ko ang malakas na hampas sa lamesa. Si Iaschel pala ang gumawa ng ingay. Para siyang baliw na halos mapilas na ang labi sa kakangiti habang hinahampas ang lamesa from time to time.
Humarap naman ako kay Rick."Alam mo, kaunti na lang iisipin ko ng weirdo ka."
"Bakit naman?"
"Wag mo ng alamin."