Chapter Two

2 0 0
                                    

Katatapos ko pa lang mag-suot ng blue pair of pajamas at sinusuklay ko na ang buhok ko nang nag-ring ang aking cellphone. I saw 'mom' flashed on the screen. I was so hesitant to pick it up kasi alam kong papagalitan na naman niya ako. Her youngest child, wandering around, sino bang magulang ang hindi magagalit? Nang nag-ring ito sa ika-apat na pagkakataon ay sinagot ko na ang tawag. Ipinatong ko sa kama ang suklay. Pumunta ako sa kusina para uminom habang kausap pa rin si mama sa phone.

"Tinatanong ng ate mo kung saan ka nag-board," sabi niya mula sa kabilang linya.

"Safe naman ako, ma. Hayaan nyo na muna ako."
There's no way I'm reconciling with ate Deborah.

"Anak naman! Hindi pwedeng habang-buhay ka na lang na lumayo sakanya. Tell her your location nang mapuntaha--"

"I have to go, ma."
I hang up the phone and put it on the pocket of my pajama.

Nagsalubong ang kilay ko nang nakita ko ang suklay sa lamesa sa kusina. Sa pagkakaalala ko hindi ko ito dinala. How did it get here?
Nevertheless, I picked it up.

Nang napatingin ako sa ref ay pinagmasdan ko ito, I was looking for the hand print of blood I saw eaelier. But gone was the blood. Lumapit ako sa ref kahit na nagsisimula ng tumibok ng napakabilis ang puso ko dahil sa takot. Binuksan ko ito. And to my surprise, gone was the jar, too.

Nagsimula na akong pagpawisan sa sobrang kaba. I automatically screamed when I heard a loud pound on the door. Hindi kaya dumating na si Iaschel mula sa hometown namin?

"Ia? Nandyan ka na ba?"
Nagsimula na akong maglakad sa hagdan. I am too scared right now and the thought of finding Ia on the last room on the second floor would be the thing that could take away my fear.
"Ia?"

Itinapat ko ang tenga ko sa pinto. I turned the knob but it was locked. Hindi ko na dapat papansinin pa iyon at aalis na sana nang biglang tumunog ang door knob at bumukas ang pinto . Itinulak ko ang pinto at pinagmasdan ang kwarto. Tanging ang ilaw lang sa kabilang bahay na sa tingin ko ay may nag-paparty ang nagbibigay liwanag sa silid.

Pumasok ako sa kwartong iyon. Hindi ko alam kung anong kahangalan ang pumasok sa utak ko para maglakad pa sa kwarto na obvious naman na walang tao. Naglakad ako papalapit sa double deck. Natigil ako sa paggalaw nang may naramdaman akong kamay na humawak sa binti ko. Hala, sino to? Because of too much fear ay parang hindi na rin nag-function ang utak ko. Wala dito si Mang Crisostomo at hindi pa dumarating si Iaschel. Nang nagkaroon na ako ng lakas na loob para gumalaw ay agad akong nagtatakbo. Mabuti na lang at hindi ako nahulog sa hagdan sa sobrang pagmamadali ko.
Lumabas kaagad ako ng boarding house at nagtago  sa harapan ng kabilang bahay.

Hinahabol ko pa ang aking hininga habang sumusulyap sa haunted house na iyon. Nakasandal ang likod ko sa pader  while my head's turned left, looking over my shoulder, waiting if something's following me. Kabang-kaba ako at napakabilis ng tibok ng aking puso.

"Boo!"

Napatili ako at napatalon nang may sumigaw sa may tenga ko. Lumingon ako sa taong nakahawak sa braso ko. Thank God he's human.

"Para kang hinabol ng sampung aso. Bat ganyan ang itsura mo?" tanong ng lalaki. I don't even know him. Baka residente ito ng bahay na pinagtataguan ko. May hawak siyang beer-in-can sa kaliwang kamay, at sigarilyo naman sa kanan. "Running from something?"

Hindi ko na siya pinansin at akmang maglalakad na ako pabalik sa boarding house nang naalala ko ang kamay na humawak sa binti ko. Bumalik na lang ako sa pwesto ko kanina. Naroon pa rin ang lalaki.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kinuha ko ang cell phone from my pajama and started dialing Gael's number pero hindi ito sumasagot.

Purpose Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon