Chapter Five

1 0 0
                                    

Naalimpungatan ako nang may maramdamang may marahan na tumapik sa pisngi ko. Agad akong umayos ng upo at inalis ang pagkakasandal ng ulo ko sa isang lalaki. Pinagmasdam ko ang aking paligid at napagtanto ko na nasa bus ako. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong tumayo. Tapos may humawak sa braso ko. Lumingon ako sa lalaking katabi ko kanina at sinamaan siya ng tingin.

"Rick?!"

He put his index finger infront of his lips.

"Maupo ka dito."

Naupo ako sa tabi niya.

"Bakit mo ako dinala dito? Anong gagawin mo sakin, ha Rick?"

"Tumahimik ka na nga muna."

Tumingin-tingin ako sa labas ng bus. Sobrang dilim na ng nadadaanan namin at mangilan-ngilan na lang ang taong nakita ko. Sayang. Nagpaplano pa naman akong bumaba na at iwan ang lalaking ito. Kaso baka maligaw lang ako at kung ano pang mangyari sa akin.

"May exam pa ako bukas. Ayaw ko namang iwanan ka doon sa store. Baka kung mapano ka pa doon."
Paliwanag niya. Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakatingin sa labas.
"Ginigising kita kanina pero sobrang lalim ata ng tulog mo. Nagulat nga ako nung tumayo ka at naglakad eh."

"Saan tayo pupunta?" I asked.

"Sa boarding house ng mga kaklase kong babae."

I rolled my eyes on him.

"Ayaw mo?"

"Sa tingin mo?"

Rick rolled his fingers on his hair, with frustration on his eyes. When we saw a waiting shed along the way, he immediately stood up and said, "Dyan lang po sa tabi!"

Para akong lasing na nagpasuray-suray sa paglakad dahil hindi pa ako nakakabawi sa antok.

Tapang-tapangan akong pumasok sa boarding house at binuksan ang light switch. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Rick.

"Sakabila ang bahay mo, Rick. Umuwi ka na at matulog. May exam ka pa diba?"

Rick looked down on me and raised his left eyebrow. I did the same. Inilagay ko ang kamay ko sa aking bewang at tinaasan rin siya ng kilay.

"Labas na. Kailangan ko ng isara ang pinto. I can't trust anyone around here."

Tiningnan niya ako sa mga mata.

"Bahala ka na nga. Napakaarte mo," he said before he stormed out of the house.

I changed my clothes and wore pajamas before I went back down. Kanina pa nakasara ang pinto, noon pang lumabas si Rick. Isasara ko na rin sana ang kurtina ng bintana nang may nakita akong silhouette ng isang lalaki. Nakaupo ito sa isang mahabang monoblock sa tapat ng boarding house. Ilang segundo ko itong pinagmasdan at napailing ako nang mapagtanto kung sino iyon.

Binuksan ko ang pinto at tumayo ako sa gitna ng door frame. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Wala pang ten ft. ang layo ng monoblock na inuupuan niya mula sa kinatatayuan ko kaya alam kong kapag nagsalita ako, maririnig nya ko.

"Rick, ano nanamang ginagawa mo dyan?"
Hindi ito sumagot kaya napairap na lang ako. Kahit naman alam niyang natatakot ako, wala pa rin siya sa posisyon para tumambay sa harap ng bahay ko sa alas-onse ng gabi.
Naglakad ako papalapit sakanya. And to my surprise, he's fast asleep.

Nakayuko siya at hindi ko alam kung paano siya nakatulog sa ganitong pwesto. Umuusok pa ang hawak niyang sigarilyo at may kaunti pang apoy ang dulo nito. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya saka sandaling idiniin sa binti niya ang yosi.
Itinulak niya ang kamay ko at napabalikwas sa sakit.

Purpose Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon