Inescortan ako ng pulis papasok sa isang silid kung saan pwede kong makausap si papa. Bukod sa mga lamesa at upuan ay wala ng ibang laman ang kwartong iyon. Malungkot. Malamlam ang ilaw at walang kaayos-ayos ang mga pader.
Sumunod ako sa pulis nang naglakad siya sa may gitnang bahagi, kung nasaan si papa. Nakasuot siya ng kulay orange na damit. Nakaupo siya at nakatitig sa kamay niyang nakaposas at nakapatong sa lamesa. Nang lumingon siya sa direksyon ko ay bigla siyang ngumiti. Tatayo na sana siya ngunit agad siyang hinawakan ng pulis na kalapit niya.
Nang nakalapit ako sakanya ay agad ko siyang niyakap."Buti naman at napadalaw ka," sabi niya nang humiwalay sa yakap. Naupo ako sa tapat niya at pinagmasdan siya.
"Ang payat mo na, pa."
"Pogi pa rin naman."
Nag-pose siya saka ngumiti."Hindi bagay, pa."
"Eto naman oh!" wika niya. "Ano, kumusta? Kumusta ang church?"
Natigilan ako sa tanong ni papa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. Ilang buwan na rin akong walang balita sa church.
"Kumusta ang music ministry?"
Napangiti ako sa tanong niya. May isasagot na ako kahit papaano. At least, kahit papaano ay totoo.
"Okay naman po. Ang lupit na lalo ni Kurt tumugtog.""Ang mama mo, kumusta na siya?"
Ngiting-ngiti si papa habang kinukwento ko sakanya ang tungkol kay mama. Limang buwan na ata ang lumilipas nang huli kong nakita si mama kaya ang mga pinaggagawa niya lang sa mga panahong kasama ko siya ang kinwento ko kay papa. Alam kong kahit papaano ay sumasaya si papa.
Tumingin ako sa cellphone ko. Nag-text na si Gael. He's coming. Alas-onse na rin naman kasi."Pa, kailangan ko na pong umalis."
"Mamaya na. Ngayon ka na nga lang ulit dumalaw. Saka, darating na ang ate mo," sabi niya habang pinipigilan akong umalis.
Tumaas ang kilay ko nang binanggit niya si ate. Kung hindi pa ako aalis ngayon ay kailangan ko pang plastikin si ate Deborah.
"Oh, ayan na pala siya!"And suddenly, asking Gael to come pick me up have been a bad idea. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko mapigilang makihalubilo pa rin sa mga taong tumraydor sa akin.
Tumingin ako sa may pinto at naroon na nga ang bruha. May dala-dala siyang mga paper bag. Matamis ang kanyang ngiti sa bawat taong nakikita niya. Nakasuot siya ng high heels at fitted jeans. Mataas din ang pagkakapuyod ng buhok niya. Ariana Grande ata ang tingin niya sa sarili niya.
" Hi papa!"
Naglakad siya papalapit samin at hinalikan si papa sa pisngi. Nang naupo siya sa tapat ko ay nginitian niya ako kaya napairap na lamang ako.
"Plastic," I murmured.
"Pa, food po!"
Inilabas niya mula sa paper bag ang mga pagkain at inilapag iyon sa lamesa.
They started chitchatting about ate Deborah habang kumakain sila. From time to time ay pinipilit ako ni papa na kumuha rin ng pagkain. At para matigil na siya ay kumuha ako ng ilang pirasong fries."Girls, magkaaway nanaman ba kayo?"
"Papa, yan lang naman pong si Prim ang maarte," sagot sakanya ni Deborah.
"Ano nanaman ang pinag-awayan nyo?"
Napatingin kaming tatlo sa may pinto nang bigla yung bumukas. Iniluwa noon ang dalawang pulis at saka si Gael na may malawak na ngiti sa labi. Nang dumako ang tingin niya sa babaeng katabi ni papa ay naglaho ang ngiti niya, pero agad rin naman siyang nakabawi at naglakad papalapit sa amin.