MAKALIPAS ang dalawang araw ay nagpilit nang lumabas si Anthony. Si Wilna naman ay noon din lang inilipat sa private suite.
"Hindi mo man lang ba sisilipin ang kasintahan mo, Anthony?" baling ni Angelo sa kapatid nang lumabas na sila ng silid.
"I... I saw her this morning. Nagkamalay siya kagabi, sabi ng doktor. Pero tulog siya nang pasukin ko kanina," marahang sagot ng binata na nagyuko agad ng ulo.
Gusto mang sitahin ni Angelo ang kapatid ay nagsawalang-kibo na lamang. Ang kawalang interes na ipinakita ni Anthony sa kasintahan ay dala marahil ng guilt.
Dalawang araw pa uli ang pinalipas ni Angelo bago siya muling dumalaw sa ospital. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay si Nana Inez ang nagprisintang pumaroon sa dalaga. Ito man ay may sarili ding pribadong nurse.
Ligtas na si Wilna maliban sa naka-cast ang kanang braso nito sa bahaging siko at sa pinsalang tinamo ng mga mata nito.
Kinausap ni Angelo ang doktor sa mga mata ng dalaga, si Dr. Valle.
"Another day or so ay maaari na ninyo siyang ilabas, Mr. Avila. Kahit ang braso niya ay hindi naman gaanong napinsala. Ibalik ninyo siya dito after two weeks at kasabay noon ay maaari na ring gawin ang operasyon."
"Bakit hindi pa ninyo gawin ang operasyon ngayon, doktor?"
"She has to be physically and emotionally well. Malaking bagay ang palagiang presensiya ng kanyang kasintahan upang mabigyan siya ng moral support. She looks fine but I can sense the trauma na nadarama niya. Pinipilit niyang magpakatatag pero naroon ang fear sa tinig at mukha."
Hindi malaman ni Angelo ang iisipin. Kanina bago siya umalis ng bahay ay alam ni Anthony na dito sa ospital ang tungo niya pero hindi ito nagpahiwatig ng interes na sumama o di kaya ay kumustahin man lang ang kasintahan.
Kinakain ba ng matinding guilt ang kanyang kapatid?
"Pagkatapos ba ng operasyon ay agad na makakakita ang pasyente?"patuloy niyang tanong.
"Gradual ang pagbabalik ng eyesight, Mr. Avila. Maaaring sa susunod na araw or at the most is three days."
Nang maghiwalay sila ng doktor ay nagtuloy na sa silid ni Wilna si Angelo. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang niya napagmasdan nang husto ang dalaga. Tulog ito pagpasok niya.
Tall and slim. Very fragile tingnan. Katamtamang tangos ng ilong and very kissable lips. Napailing siya sa sarili niyang description sa mga labi ng dalaga. Maputi at pinong kutis na tila sa sanggol. At gusto niyang isiping she bruised easily with so much as a touch.
She is not really what you may call beautiful. But she is very pretty. Ano ang hitsura ng mga mata nito?
Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng dalaga na nakasuot ng maluwang na puting hospital robe. Naka-cast ang kanang braso na kakikitaan ng mga gasgas sa parteng walang semento.
Maingat niyang hinawi ang buhok na tumatabing sa sugat nito sa kanang noo. Tatlo ang stitches roon. Blue and black ang kanang pisngi.
Bigla ang pagbangon ng galit niya sa kapatid. It was selfishness on Anthony's part na nang dahil lang sa thrill ay isinapanganib nito ang sariling buhay at ang buhay ng kasintahan.
Nang mapuna niyang marahang gumalaw si Wilna ay dali-dali siyang lumabas ng silid. Hindi pa siya handa na kausapin ang dalaga. Mas na sila ni Anthony ang dapat na mag-usap.
Pag-uwi ni Angelo nang gabing iyon ay wala ang kapatid.
"Saan daw siya pupunta, Nana Inez?" aniya sa nagsasalubong na mga kilay.
BINABASA MO ANG
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko (COMPLETED)
Romance"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng da...