12

14.7K 436 6
                                    


KASABAY ng pag-alis ng cast ni Wilna nang sumunod na linggo ay inoperahan ang mga mata niya. At naroon lagi si Angelo sa tabi niya hanggang sa matapos ito.

"There's no need to stay longer in the hospital, Miss Martin. At hindi mo na kailangan ang bandage sa mga mata mo. Rest for a while men you can take her home, Mr. Avila," anang doktor.

"Kailan magbabalik ang paningin niya, Dok?" Sinulyapan ang dalagang nakahiga sa stretcher.

"Gradual ang panunumbalik ng mga paningin niya. Sa simula ay malabo hanggang sa unti-unting paglinaw. Two to three days her eyesight will be back. Kung may problema, sa clinic ko na lang kayo magpunta," inabutan nito ng calling card si Angelo.

Tumayo ang binata at kinamayan ang doktor. "Thank you, doc."

"I hope I will be invited to the wedding," nakangiting biro ng doktor.

"Sure," sang-ayon ni Angelo na muling sinulyapan si Wilna.

Makalipas ang ilang oras ay muling nakabalik ng Tagaytay ang dalawa.

"Parang ang gaan ng pakiramdam ko na natanggal ang cast sa braso ko," natatawang wika ng dalaga nang inaalalayan na siya ng binata palabas ng sasakyan.

"Iyon talaga ang mararamdaman mo. At kung makikita mo lang ang braso mo ngayon ay magugulat ka."

"Why?"

"Tinubuan ng pinong balahibo ang parteng naka-cast," ani Angelo na tumatawa.

"Oh!"

Sinalubong sila ni Nana Inez na nanibago sa pagkakatanggal ng benda sa mga mata ng dalaga. Maliban sa hindi ito nakakakita pa ay muling nanumbalik ang dating anyo ng dalaga na tila walang nangyari.

"Sabihin mo agad sa akin, Wilna, kung medyo nakakabanaag ka na, ha?"

"Siyempre naman po," aniya na kinakabahan. Talaga bang makakakita siya? Manunumbalik bang talaga ang paningin niya? Naroon pa rin ang alalahanin sa dibdib niya pero hindi na niya gustong ipaalam pa sa dalawa.

Hindi rin gaanong nagtagal si Angelo at muling nagbalik ng opisina dahil may appointment pa siyang aasikasuhin. Naipaalam na niya sa kapatid ang tungkol sa operasyon ng dalaga subalit nanatiling walang sinabi ito.

Kinabukasan, maaga pa lang ay bumalik na siya ng Tagaytay. Alas-tres pa lang ng hapon ay umalis na siya ng opisina.

Dinatnan niya ang dalaga sa labas ng hardin sa garahe. Agad itong tumayo nang buksan ni Mang Pedring ang gate.

"Hi."

"Hello. Bakit ang aga mo?" may pananabik na tanong ng dalaga.

"Walang gaanong trabaho sa opisina," sinulyapan niya ang relo sa braso. "Gusto mo bang maglakad-lakad sa paligid ng property?"

"Anong oras na ba?"

"Four thirty. Hindi na mainit ang araw. Magpapalit lang ako ng T-shirt at rubber shoes pagkatapos ay mamasyal tayo," pagkasabi noon ay pumasok ng kabahayan si Angelo.

Ilang sandali pa ay magkahawak-kamay na silang namamasyal. Nararamdaman ng dalaga ang mga damo sa paa at binti niya.

May mga kinse minutos na siguro silang naglalakad nang huminto si Angelo.

"Dito na lang tayo. Ito kasi ang paborito kong... lugar. Ito ang pinakamataas na bahaging lupa. Matatanaw mo rito ang lake at ang mga nakapaligid na bundok," hinila nito ang dalaga na maupo sa damo. "Alam mo bang nasa ilalim tayo ng puno ng niyog? O, macapuno pala dahil macapuno ang ibinubunga niyan."

Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon