ANG IKALAWANG gabi ni Wilna sa bahay ni Angelo.Nasa terasa siya at nakatanaw sa kadilimang bumabalot sa labas. Kadiliman dahil kahit pa magliwanag at muling sumabog ang bulkang Taal ay hindi niya ito makikita.
Mag-aalas-nuwebe na. Nawawalan na siya ng pag-asang uuwi pa ang inaakalang kasintahan. At nakakadama siya ng matinding pangungulila. Higit kailanman, ang mga sandaling ito ang pinakamalungkot.
Ang hindi niya napupuna ay kanina pa sa may salaming pinto si Angelo at pinagmamasdan siya. Ang tanging liwanag ay nanggagaling sa kuwarto nilang pareho.
Nakasuot ng manipis na damit-pantulog ang dalaga. Inililipad ito ng hangin, humahapit at bumabakat sa maganda niyang katawan. Ganoon din ang lampas-balikat niyang buhok.
Walang ingay na nilapitan ni Angelo si Wilna. Dahil hindi nakakakita ay higit na malakas ang pandamdam ng dalaga.
Humarap siya at napasiksik sa trianggulo ng barandilya.
"A-Anthony...?"
Hindi sumagot si Angelo. Sa halip ay lumapit pa at itinukod ang mga braso sa barandilyang bakal. Nakulong ang dalaga.
"Anthony..." ulit niya na bumilis ang pintig ng puso na sa wari ay naririnig na ng kaharap.
"Paano mong natiyak na ako?"
"Ang cologne mo."
Ngumiti ang binata. "Ang akala ko pa naman ay magugulat kita."
"Ang... akala ko ay hindi ka uuwi ngayon," aniya sa mahinang boses.
"Hinihintay mo ba ako?"
Yes! Gusto niyang sabihin pero walang lumabas sa bibig niya. Napakalapit ng binata at humahaplos sa mukha niya ang paghinga nito. At nagtatayuan ang mumunting balahibo niya sa katawan.
"I—am not properly dressed. Hindi ko alam na darating ka. Nakapantulog lang ako," bahagya siyang nag-stammer. Kailan pa nangyaring nag-uumalpas ang puso niya sa tuwing lalapit si Anthony?
"So?" tumaas ang mga kilay ng binata.
"Mag—bibihis muna ako. Then we'll talk. Naghapunan ka na ba?" aniya sa pagsisikap na maging kaswal. Gusto niyang humarap dito pero kinakabahan siyang kapag kumilos siya kahit bahagya ay magdidikit sila.
"Doon sa kung naghapunan na ako ay oo. With a business associate. At doon sa magbibihis ka muna, hindi. You don't have to be prude, Wilna. Kung hindi nangyari ang aksidente ay akin ka na noong araw na iyon."
That's unfair, Angelo! Bakit kailangang gamitin mo ang impormasyong nalaman mo mula kay Anthony? akusa ng binata sa sarili.
Hindi sumagot si Wilna. Bakit may himig ng galit ang tinig ng kasintahan? Idinikit ni Angelo ang dibdib nito sa likod niya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga.
Pinaglaro ni Angelo ang mga daliri sa mamasa-masa pa niyang buhok. Naligo siya kani-kanina lang. At marahil ay tinuyo na ng hangin ang buhok niya.
Idinikit nito ang mukha sa ulo niya. Sinamyo ang buhok.
"Alam mo ba kung ano ang amoy ng buhok mo?"
"Shampoo?"
"It has herbal scent," patuloy ni Angelo. "It smells of forest, tulad ng kagubatang nakapaligid sa bahay na ito. Iyon bang pagkatapos ng isang mahabang ulan. Sweet and refreshing."
Marahang pinisil nito ang balikat niya.
"A poetic description para lang sa buhok," gustong mangiti ni Wilna.
BINABASA MO ANG
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko (COMPLETED)
Romance"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng da...