KINABUKASAN ay muling dinalaw ni Angelo si Wilna sa ospital.
"Good morning, Mr. Avila," nakangiting bati ng nurse.
"Good morning," nakangiting sagot ni Angelo na sumulyap agad sa dalaga na kumilos mula sa pagkakahiga. Ang nurse ay maingat na lumabas ng silid.
"Anthony..." usal ng dalaga. Umaliwalas ang mukha.
Tumikhim si Angelo. Magpapakilala sana siyang hindi si Anthony subalit muling nagsalita si Wilna.
"I thought you'd never visit me. Ang sabi ng mga doktor at nurse ay lumabas ka na days ago," may hinampo ang tinig ni Wilna.
Kung anuman ang sasabihin ng binata ay biglang napigil sa lalamunan nito. He was fascinated by the voice.
Masarap pakinggan and she was speaking huskily. Para bang bumigkas pagkatapos ng isang pleasurable lovemakings.
Muling tumikhim ang binata. That was a stupid thought. Nang dahil lang sa tinig ng dalaga ay lumawak na ang kanyang imahinasyon.
"Dumarating ako pero lagi kitang inaabutang tulog," kaila niya.
"I can't see you. Why don't you sit beside me?"
Atubiling lumakad si Angelo palapit sa higaan at naupo sa gilid ng kama. Natambad na muli ang mga pasa at galos ng dalaga. Muli ring nagbangon ang galit sa kapatid at ang simpatya kay Wilna.
Wala sa loob na ginagap niya ang isang palad ng dalaga at ikinulong sa kanyang mga kamay.
"Natutuwa ako, Anthony, at walang malubhang pinsalang nangyari sa atin."
"Hindi mo ba ako sisisihin sa nangyari?" ang lumabas sa bibig ni Angelo.
Lumabi si Wilna. "Should I? No, I don't think so. Aksidente iyon at magpasalamat tayo for coming out alive."
"Kung hindi dahil sa akin ay hindi sana maka-cast ang braso mo at magkakaroon ng pinsala ang mga mata mo. Bibilang ng mga araw bago ka muling makakakita, Wilna," may pag-aalala niyang sinabi. Dinala sa bibig ang palad ng dalaga at hinagkan.
Hindi malaman ni Wilna kung bakit parang may nanulay na init sa braso niya sa pagkakahalik na iyon ng kasintahan sa palad niya.
"M-muli pa ba akong makakakita, Anthony?" Nagkaroon ng lambong ang mukha niya. Nahimigan ng binata ang takot at insekyuridad sa tinig niya.
"Makakakita kang muli, Sweetheart. I promised you that. Kung walang mangyayari sa operasyon mo dito then we'll go to the States," naroon ang determinasyon sa tinig nito.
Pagkasabi noo'y saglit na kinuwestiyon ni Angelo ang sarili. Bakit kusang lumalabas sa bibig niya ang paniniyak na iyon?
Biglang nagliwanag ang mukha ng dalaga. Ngumiti siya.
Nanuyo ang lalamunan ni Angelo. Isang simpleng ngiti lang at naapektuhan na siya. There must be something wrong with him.
Pero agad na nahalinhan ng pagsasalubong ng mga kilay ni Wilna ang ngiti niya.
"Something's wrong?" si Angelo.
"I—think so," sagot ng dalaga. "Ang... ang boses mo. Alam kong boses mo iyan pero parang iba. Parang ikaw na parang hindi. Siguro dahil sa paraan mo ng pagsasalita. And you have never used any endearment to me before..."
"Gumamit ba ako?" amused na tanong ng binata.
"Tinawag mo lang akong 'sweetheart...'"
Damn yon, Anthony! Hindi nito napunang lumabas sa bibig iyon. At paanong hindi gumagamit ng endearment si Anthony sa kasintahan?
BINABASA MO ANG
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko (COMPLETED)
Romance"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng da...