PASADO alas-onse na ay hindi pa rin makatulog ang dalaga. Naninibago siya. Idagdag pa ang pagpapabalik-balik sa isip niya ng pinagtalunan nila ni Angelo sa hapunan. Katabi ng kuwartong kinalalagyan niya ay ang library. Maaari siyang kumuha ng librong mababasa doon upang magpalipas ng oras at upang magpaantok. Maingat siyang lumabas ng silid niya. Madilim ang buong kabahayan pero hindi naman niya kailangang mangapa dahil ilang hakbang lang ay ang kabilang silid na.
Napuna niyang bahagyang nakabukas ang pinto ng library at may malamlam na ilaw sa loob. May nakalimot bang magsara at magpatay ng ilaw sa silid na ito?
Marahan niyang itinulak ang pinto at pumasok. Nabungaran niyang may nakaupo sa swivel chair at nakahilig sa sandalan. Ang mga binti ay magkapatong na nakataas sa mesa.
Nakapikit ito na tila nagpapahinga. Subalit marahil nang maramdaman siya ay nagmulat ng mga mata at agad ang pagsasalubong ng mga kilay nang makita siyang nakatayo roon.
"H-hindi ko alam na... narito ka, Angelo. I'm... sorry. Hindi ako makatulog. Kukuha lang sana ako ng libro para mabasa," nauutal niyang sinabi. Kasabay ng mabilis na pagtambol ng dibdib. Bakit ba ganito na lang ang dating sa kanya ng kapatid na ito ni Anthony?
Umayos ng upo si Angelo. Ibinaba ang mga paa. "Go ahead... kumuha ka ng librong gusto mo," wika nito sa malalim na tinig.
Napalunok ang dalaga. Nakalimutan pati niyang nakapantulog lang siya. "H-hindi bale na lang..." at tumalikod upang lumabas. Subalit bago pa niya nahawakan ang pinto ay tinawag siya ng binata.
"Wilna..."
Napahinto siya. Somehow ay kabisado niya ang paraan ng pagtawag na iyon sa pangalan niya. Marahan niyang nilingon ito.
Nagsalubong ang mga paningin nila. May kung ilang sandaling namagitan bago muling nagsalita si Angelo.
"Liwanag lang ng lampshade ang narito. Paano mong nalaman?"
"Na ikaw si Angelo?" Tumango ang binata. "You two are spitting image of one another pero hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit kaya kong tukuyin ang isa't isa sa inyo," mahinang sagot niya. Pagkatapos ay ngumiti. "Sorry nga pala sa nangyari kanina."
Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ng binata kasabay ng buntong-hininga. "Walang problema. At least alam ko na ngayon that my future sister-in-law has temper."
"I have always been very frank, Angelo, kaya gusto kong itanong sa iyo ito. Bakit sa pakiramdam ko ay hindi mo ako gustong mapangasawa ng kapatid mo kahit na inuungkat mo ang tungkol sa aming kasal?"
Because you are mine! Hindi ka para sa kapatid ko, hiyaw ng isip ng binata. You belong to me, sweetheart. And the sooner I get out of this house, the better.
"Mali ka ng iniisip, Wilna..."
Pumikit ang dalaga. Napasandal sa pinto. Was it agony and pain na nakikita niya sa mukha nito at naririnig sa tinig? Bakit?
"Something's wrong?" Tumuwid ng pagkakaupo si Angelo nang makitang pumikit siya. Pigil na pigil ang sariling tumayo at lapitan ang dalaga. Hangga't maaari ay kailangang dumistansiya ito.
"W-wala. May naiisip lang ako. Ano nga iyong sinasabi mo?"
"Ang sabi ko'y mali ka ng iniisip. Hindi nga ba at ako ang nag-aapurang madaliin na ninyo ni Anthony ang kasal? At iyong tungkol sa trabaho, please, I hope you'd see sense na hindi ka pa lubusang magaling para doon."
"You sounded as if you care," may bahagyang himig ng panunuya iyon.
"Ayokong sa ikalawang pagkakataon ay maurong na naman ang kasal ninyo!" mariing sagot ni Angelo. The sooner you're out of my reach ay makabubuti para sa akin.
BINABASA MO ANG
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko (COMPLETED)
Romance"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng da...